Chapter 18

512 9 0
                                    

Nakapikit pa ang mga mata ni Julie, ine-enjoy niya pa ang katamtamang init ng araw na dumadampi sa mukha niya dahil nilalamig na siya sa hangin na nagmumula sa aircon. Nang makundisyon na ang katawan niya ay iminulat niya na agad ang kanyang mga mata para siya'y makabangon na.

"Good morning Julie." Nakangiting sambit niya sa kanyang sarili. "Panibagong araw na naman ng pagtitiis ko kay Mr. Sungit." She heaved a deep sigh.

Dahan-dahan niyang ipinihit ang katawan niya upang tingnan si Elmo dahil buong gabi siyang natulog ng nakatalikod dito.

"Wala na siya?" Tiningnan niya ang orasan na katabi ng lampshade sa kanang bahagi niya. "Alas osto na?! Patay na naman ako nito!"

Dali-dali siyang bumalikwas upang pumunta sa banyo, magpapalit na sana siya ng damit matapos niyang gawin ang kanyang morning rituals ng bigla niyang maalala na nasa guest room pa ang kanyang mga damit.

"Julie naman! Bakit ba sa lahat-lahat ng kakalimutan mo, yung mga damit mo pa. Paano mo ngayon kukunin yung mga yun kung nandun natutulog si Lola Vera?" Inis na sambit niya sa kanyang sarili.

Dahil wala na siyang ibang choice ay napilitan na lamang si Julie na lumabas ng kwarto nila at bumaba ng hagdan kahit na loose white v-neck shirt at shorts lang ang suot niya. Wala na siyang pakialam sa itsura niya kaya pati ang buhok niya ay basta-basta niya lang tinali ng halatan gamit ang kanyang mga kamay na siyang nagsilbing suklay.

Masyadong mabilis ang lakad ni Julie kaya naman mabilis niya lang ding narating ang entrance ng kusina. Papapasok na sana siya sa kusina ng biglang may kamay na humawak sa kanyang braso at ng sandaling makita niya kung sino iyon ay otomatikong lumabas ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Lola Vera, gising ka na po pala." She smiled again. "Pasensya na po kung late akong nagising, maghahanda na po muna ako ng almusal natin."

Nagtaka si Julie ng biglang umiling si Vera sa kanya ng nakangiti. Hinigit siya nito ng marahan papunta sa bukana ng kusina at itinuro si Elmo na abala sa mga niluluto nito habang nakasuot ng pink apron na lagi niyang ginagamit sa tuwing siya ang nagluluto sa kusinang iyon.

"Mukhang maraming natutunan sayo ang apo ko." Hindi nagsalita si Julie ng sambitin iyon ni Vera dahil hindi niya makuha kung bakit gumising ng si Elmo para magluto. "Julie-" inihirap niya sa kanya si Julie habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito. "thank you for everything, ngayon alam ko na, na nasa mabuting kamay ang unico hijo ko. Maraming salamat talaga hija ha?"

Hindi siya kaagad makapagsalita sa sinabi sa kanya ni Vera dahil alam niyang wala naman talagang 'sila' ni Elmo. Oo, mag-asawa sila pero alam niyang hanggang papel na lamang ang relasyon nilang iyon at wala ng hihigit pa ron. "Pero Lola-"

"Good morning honey-" Nagulat si Julie makita niya sa harapan niya si Elmo at mas nagulat pa siya ng bigla siyang halikan sa labi nito. Gustuhin niya mang sampalin si Elmo ngunit hindi niya iyon magawa dahil alam niyang magtataka si Vera kung saka-sakaling gawin niya iyon.

"Good morning." Lumapit siya kay Elmo sabay pahapyaw na kinurot niya ang tagiliran nito. "Ang sweet mo naman ngayon HONEY."

"Hehehe!" Iyon na lamang ang nasambit ni Elmo dahil tagos sa buto ang kurot sa kanya ni Julie na halos naramdaman niya na may kakaibang kuryente na dumaloy sa kalamnan niya.

Nagtataka man si Vera sa ikinikilos ng mag-asawang nasa harap niya ay binalewala niya na lamang iyon dahil nakikita niya naman ang natural sweetness ng dalawang sa tuwing magtatabi ang mga ito at isa pa ay alam niyang newly wed palang sila Julie at Elmo kaya naman nakakasigurado siya na nag-aadjust pa ang mga ito sa isa't isa.

"Oo nga pala honey-" tiningnan niya si Julie. "You will be having your first job interview today."

"First job interview?" sabay na sambit nila Vera at Julie.

"Yes Lola-" Mahigpit niyang inakbayan si Julie habang kausap niya si Vera. "My wife is a very brilliant fashion designer and I'm 100% sure that she will make it to our company."

"So you're a fashion designer Julie?"

"Po?" She paused. "Hindi naman po pero may alam po ako sa pagde-design."

"That's great news!" Kaagad na tumingin si Vera sa kanyang apo. "Pero paano kayo magkaka-anak nyan kung magta-trabaho si Julie?"

"Po?!" Julie and Elmo said in unison.

"Bakit parang gulat na gulat kayo? Wala ba kayong balak na bigyan ako ng apo sa tuhod?"

Nagtinginan sila Julie at Elmo upang magsenyasan kung sino ang sasagot sa tanong na iyon ni Vera. Pasimple pa silang nagsikuhan ng hindi na nila nadaan iyon sa palakihan ng mata.

"Ah Lola-" He cleared his throat. "Ayaw pa po kasi ni Julie."

"What do you mean na ayaw pa ni Julie?" Vera said seriously.

"Ang totoo kasi nyan Lola-" Tiningnan muna ni Julie ng masama si Elmo bago siya sumali sa usapan ng mag-lola. "Si Elmo ang may ayaw."

"Anong ako?"

Tumawa muna si Julie bago siya muling magsalita. "Joke lang po." She grinned. "Ang totoo po kasi nyan, hindi naman po sa ayaw ko pa o ayaw pa niya, pero kasi po hindi pa po talaga kami ready para magka-baby ni Elmo."

"Opo Lola, tsaka gusto ko pa pong bigyan muna si Julie ng time para sa sarili niya hindi yung puro rito nalang sa bahay." Dagdag pa ni Elmo.

"Alright then, kung 'yan ang gusto niyo." Tumingin siya kay Julie sabay ngiti rito. "Hija, pwede ka ng mag-start ngayon, you don't have to go to that interview. I'll call Alvin later to inform him about this."

"Totoo po ba 'yan Lola?" Elmo said happily. "Pero Lola pa'no si Gina?"

"Don't worry about your mom Elmo-" Tumingin din siya kay Julie. "And you too Julie, I'll handle this as soon as possible-" She smiled calmly. "But for the meantime, tikman na muna natin ang luto ni Chef Elmo?" Vera joked before she left.

"Mabuti pa nga Lola." Ngumiti rin si Elmo ng dumaan sa harapan niya si Vera papunta sa kusina. Nang makailang hakbang na papalayo ang lola niya ay ibinaling niya kaagad tingin niya kay Julie. "Kumain ka narin para hindi ka malate."

"Bakit Elmo?"

"Anong bakit? Syempre, kapag nalate ka magiging bad record mo yun."

Umiling siya. "Hindi yun ang ibig kong sabihin." Tiningnan niya ng masinsinan si Elmo. "Bakit bigla nalang nagbago ang lahat? Bakit bigla nalang 'yang pagiging mabait mo sakin?"

Inilapit ni Elmo ang mukha niya kay Julie sabay pacute rito. "Bakit nai-inlove ka na ba?"

Biglang naudlot ang ngiti ni Julie ng maramdaman niya ang kamay ni Elmo na dahan-dahang bumaba mula sa balikat niya papunta sa kanyang bewang. "At ano sa tingin mo 'yang ginagawa mo?"

"Pinapainlove ka." Nagnakaw siyang muli ng halik sa mapang-akit na labi ni Julie. "Effective ba?"

Imbis na magalit si Julie ay sinakyan niya ang laro ni Elmo dahil ayaw niyang magpatalo rito. Huminga muna siya ng malumanay bago niya ilapit ang kanyang mga labi sa tenga nito. "Hintayin mo ako ang magpainlove sayo-" She paused. "mababaliw ka." Tiningnan niyang muli si Elmo matapos niyang bumulong rito.

"Magkasubukan tayo Julie Anne San Jose." Sambit niya habang nilalabanan niya ang malalagkit na tingin sa kanya ni Julie.

"Sure Elmo Magalona." She smiled. "Dahil ang unang maiinlove-" Nag-iwan si Julie ng kalahating pulgada na distansya ng labi niya mula sa labi ni Elmo habang nakikipagtitigan parin siya rito. "Talo." Mapanghamong sambit ni Julie bago niya tuluyang iwan si Elmo para puntahan si Vera na nasa dining area na.

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now