Chapter 33

568 4 0
                                    

Panay ang tingin ni Julie kay Elmo habang nanunuod sila ng movie dahil simula noong kumain sila hanggang mag-suggest siya na manuod sila ng movie ay hindi na masyadong kumikibo ang asawa niya.

Hindi man sabihin ni Elmo pero ramdam ni Julie na malalim ang iniisip niya.

"Ang ganda ng movie no?"

"Oo nakakaiyak." Mabilis na sagot ni Elmo ng marinig niya ang sinabi ni Julie.

"Nakakaiyak?" Inialis ni Julie ang likod niya sa pagkakasandal nito sa braso ni Elmo upang makapag-usap ng maayos sa kanyang asawa. "Comedy kaya ang pinapanuod natin."

"Nakakaiyak naman talaga, naiiyak ako sa kakatawa." Palusot ni Elmo ng makita niya ang malaking pagtataka sa mukha ni Julie.

"Moe wag na tayong maglokohan, ni hindi ka nga natawa kanina pa. 'Yang focus mo wala sa pinapanuod natin, sabihin mo nga si Ziri ba?"

"Ayoko siyang pag-usapan."

"Why not? Tapos na naman kayo di ba?"

Hinawakan nalang ni Elmo ang kamay ni Julie ng mag-iba na ang tono ng pananalita nito. "Matulog nalang tayo."

"Ayoko." Kinuha niya pabalik ang kamay niya. "Sagutin mo muna ako Elmo."

"Tapos na kami, ayan masaya ka na? Pwede na ba tayong matulog?" inis na sambit niya sa kanyang asawa dahil sa nakukulitan na siya rito.

"Matulog kang mag-isa mo." Tumayo na si Julie at naglakad papunta sa master's bedroom dahil sa sobrang inis niya kay Elmo.

"Saan ka na naman pupunta?" Pahabol na tanong ni Elmo habang tinitingnan niya ang kanyang asawa na naglalakad papalayo sa kanya.

"Sa malayo sayo, badtrip ka."

"Ganyan ka naman eh, lagi nalang akong badtrip sa paningin mo."

Napatigil si Julie sa paglalakad nang marinig niya iyon, muli siyang lumapit kay Elmo para ipakita rito kung gaano siya kabadtrip. "Sabihin mo nga kung hindi ka rin mababadtrip kapag biglang magpakita rito ang ex ko tapos sasabihin niyang mahal niya pa ako."

"Hindi naman yun ang sinabi ni Ziri ah." Natatawang sambit ni Elmo.

"Sige lang, ipagtanggol mo lang." Pa-irap na sambit ni Julie habang nagko-cross arms siya.

"Ano bang ikinakagalit mo?"

"Ikinakagalit ko?" She laughed bitterly. "Hindi kaya ako galit, ang saya-saya ko nga oh." Sarkastikong sambit niya.

"Nagseselos ka no?" Pabirong sambit ni Elmo.

"Tigilan mo nga ako." Dinabog ni Julie ng bahagya ang mga paa niya bago niya talikuran ang kanyang asawa.

"Alam mo nakakainis ka na ha." Kaagad na hinigit ni Elmo ang kanang braso ni Julie gamit ang kanyang kaliwang kamay sabay halik ng madiin sa labi nito. Wala na siyang pakialam kung medyo malakas ang impact ng pagkakadikit ng mga labi nila, basta ang alam niya lang, iyon ang pinakamagandang paraan para alisin ang tampo sa kanya ng kanyang asawa.

Gamit ang kanyang kanang kamay ay dahan-dahan niyang hinila si Julie papalapit sa kanya sa pamamagitan nang paghila sa bewang nito. Buong akala niya nahuli na niya si Julie pero hindi, itinulak siya nito ng marahan para paghiwalayin ang mga labi nila.

"Ayoko na ng kiss mo."

"Bakit? Sawa ka na?"

"Basta ayoko." Tumingin sa ibang direksyon si Julie upang makaiwas siya sa malagkit na tingin ni Elmo sa kanya.

"Tinatanong mo kanina kung mababadtrip ako sa ex mo kung sasabihin niya na mahal ka pa niya di ba?"

"Expired na yang tanong na yan, dapat kanina mo pa sinagot."

"Uyy." Sambit ni Elmo matapos niyang hawakan ng malambing ang dalawang pisngi ni Julie upang mabaling na muli ang tingin nito sa kanya. "Pakinggan mo muna kasi ako ha?" He paused. "Si Ziri tapos na kami. Yung sa ex mo naman wala na akong pake sa kanya alam mo kung bakit?" Umiling lang si Julie habang nakanguso ito. "Kasi mahal mo ako at mahal din kita." He smiled. "Ikaw at ako, forever."

"Bakit ganyan ka?" She heaved a deep sigh. "Gustong gusto kong magalit sayo pero di ko magawa."

"Wala ka naman kasing dapat ikagalit." Sambit ni Elmo habang pinagmamasdan niya ang mga mata ni Julie. "Halika nga rito." Kinabig niya ito sabay yakap ng mahigpit. "Hindi si Ziri ang iniisip ko kanina-"

"Wala naman akong sinasabi defensive ka dyan."

"Wag kang maingay dyan, ako muna. Yakapin mo nalang ako."

"Pa'no kung ayoko?"

"Yayakapin parin kita. Bala ka dyan." He giggled. "Gusto mo bang malaman yung totoo?"

"Oo."

"Nagtitiwala ka ba?"

"Pwede na."

"Anong pwede na? Sabihin mo oo."

"Nagtanong ka pa."

Bahagyang kinalog ni Elmo si Julie. "Sige na, sabihin mo na."

"Oo na."

Sandaling nanahimik sila Elmo at Julie habang nasa ganoon silang posisyon.

"Huy, ano na?"

"Ssssh." Isinubsob ni Elmo ang ulo niya sa balikat ni Julie upang amoyin ang kanyang asawa ng kahit sandali lamang. "Iniisip ko lang, pa'no ako kanina kung wala ka. Hindi ako nakaramdam ng kung ano, parang wala lang nung dumating siya. Ang sarap pala talaga nung feeling na alam mong hindi ka iiwan ng babaeng nasa tabi mo."

Napangiti si Julie ng marinig niya iyon. Lupaypay parin ang mga kamay niya pero ang mga ngiti sa labi niya, wala ng mapaglagyan.

"Sa lahat ng mali na nagawa ko sa buhay ko Julie, ikaw palang ata ang tumama." He smiled. "Daig ko pa ang tumama sa bingo at lotto, feeling ko kasi parang araw-araw akong nakakakuha ng jackpot lalo na kapag nakikita kita sa tabi ko kada-umaga."

"Sinasabi mo lang yan kasi ako ang nasa tabi mo."

Mabilis na umiling si Elmo sabay hiwalay sa pagkakayakap niya kay Julie upang muling mapagmasdan ang maamong mukha nito. "Sinasabi ko to kasi ikaw ang mahal ko."

Napangiti nalang si Julie habang nakikipagtitigan siya kay Elmo. Itinaas niya ang kanyang mga kamay sapat para maabot niya ang ilong ng kanyang asawa sabay padulas ng kanyang hintuturo papunta sa tip ng ilong nito.

"At ginagawa ko naman ang lahat ng 'to kasi mas mahal ko ang taong sobrang nagmamahal sakin." Tumingkayad siya upang maabot ang tip ng ilong ni Elmo, ibinaba niya ang ulo nito ng bahagya sabay pakawala ng isang napakacute na halik. "Tulad mo."

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now