Chapter 68

420 5 0
                                    

"Oh bakit ka nakasimangot? Ayaw mo ba ng mga binili ko sayo?" Nag-aalalang sambit ni Gina habang pinagmamasdan niya si Bullet na walang ganang kumain.

"Para po kasing magkaaway na naman si Mommy at Elmo."

"Elmo?" Natawa si Gina ng marinig niya kung ano ang tawag ni Bullet sa anak niya. "You mean daddy?"

"Elmo po talaga ang tawag ko sa kanya and he likes it."

"Why don't you call him daddy or papa or tatay?"

"I'm not used to calling him like that Mama Gina."

"I see." Nangalumababa siya sa harap ng kanyang 'apo'. "Alam mo ba nung bata pa si Elmo, wll-" She laughed again. "Kahit naman hanggang ngayon Gina parin ang tawag niya sakin. I don't know why pero it seems like you're just like Elmo."

"I am?"

"Yes, bakit ayaw mo?"

"I always want to be like him, and I want to meet someone like Mommy someday."

Natawang muli si Gina, but this time, medyo napalakas kaya mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig. "I'm sorry. Nagulat lang ako, so you're open about the concept of marriage?"

"Yes po, lagi ko nga pong sinasabi kay Mommy na kapag nakakita ako ng tulad niya magpapakasal na agad ako."

"Really? Sige nga kwentuhan mo ako about your mom and dad's marriage."

"Si Mommy na po ata ang pinakakuripot na tao sa mundo, lagi niya po saking pinapaalala na hindi po dapat kami nagte-take advantage sa pera ni Elmo. Ayaw niya rin po ng sobrang gastos kasi si Elmo mahilig sa mga mamahalin katulad ng mga fancy restaurants and even jewelries-"

"Bakit ayaw niya?" Gina interrupted.

"Like what I've said, she's very thrifty and her first priority is our needs rather than our wants."

"Tinitipid ka ba niya?"

"Not exactly Mama Gina, she's just teaching me to save instead of spending too much."

"That's good, you're mom is really great, isn't she?"

"She is!" Hindi napapansin ni Bullet na paunti-unti na niyang nauubos ang mga pagkaing nasa kanyang harapan dahil nadala na siya sa usapan nila ni Gina.

"How about your dad?"

"Elmo's mysterious to me. I haven't talk to him so much. It's like he's avoiding me. But then again, he is a great dad too, he gives me everything that I want."

"Why don't you talk to him?"

"He's always busy and I don't want to interrupt him."

"You know what Bullet? You are a great kid too." Piisil niya ng ilong ni Bullet. "Para kang stress reliever."

He giggled. "Thanks."

"Gina we need to talk."

Nagbago ang mood ni Gina ng biglang may pamilyar na mukha na umistorbo sa usapan nila ni Bullet.

"Ziri what are you doing here?"

Napatingin si Ziri sa batang nasa harap ni Gina. "Looks like you're enjoying your time with your grandson."

Inosente lang silang tinitingnan ni Bullet habang sila'y nag-uusap. Maya-maya ay dinial na ni Gina ang number ng kanyang secretary para maihatid nito si Bullet sa office ni Elmo o ni Julie.

"Bullet let's talk some other time okay?"

"Sure Mama Gina." Kaagad na tumakbo si Bullet papunta sa secretary ng kanyang lola para sumama rito.

Nang tuluyan ng makaalis si Bullet ay ipinasara na ni Gina ang pinto para walang makarinig ng kung ano mang pag-uusapan nila ng babaeng matagal na nawala sa pang-araw araw na sistema niya.

"Bakit nandito ka?"

"I'm working here, right?"

"Nilagay kita sa ibang department, kaya walang reason na puntahan mo ako dito. Ibinalik ko na sa team leader mo lahat ng disgusting designs mo, please be more creative."

"Pumunta ako hindi para dyan, pumunta ako dito para i-clear ang plano natin."

"What plan?"

"Ang bilis mo namang makalimot, ano yan nag-uulyanin ka na?"

"Ziri kung ano man yung napag-usapan natin pwede bang kalimutan nalang natin ang lahat ng yun? Binigyan na kita ng posisyon sa company kaya makuntento ka na."

"Yun ang problema, hindi ako pwedeng makuntento hangga't hindi ko nahihigitan si Julie."

"Leave my son's family alone."

"Listen to my plan first-" Umupo si Ziri sa harap ni Gina. "Papalabasin ko parin na may cancer ako at kapag nadala na si Elmo, magiging masaya na tayong lahat. Mawawala na si Julie ng parang hindi siya dumating sa buhay ni Elmo. I'm so good right?"

"You're not, basta ayoko ng ituloy mo pa yan. Let's stop this Ziri, lalo na ngayon na may bata ng madadamay. I don't want my grandson to be hurt by our plans."

"Kung ayaw mo bahala ka basta ako I will push this at kapag nanalo ako, pati ikaw tatalunin ko."

"And who are you to threaten me like that?"

Inilapit ni Ziri ang mukha niya sa tenga ni Gina para bulungan ito. "I am Ziri Buenafuerte-" She smirked. "your greatest partner and your best enemy." And then she left.

TO BE CONTINUED...

My Groom, My BrideWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu