Chapter 7

568 6 0
                                    

Nawala ang konsentrasyon ni Julie sa pag-iisip ng makarinig siya ng sunod-sunod na malalakas na pagkatok mula sa labas ng pintong sinasandalan niya.

"Ano?!" inis na sambit niya.

"Lumabas ka na nga dyan, daig mo pa ang may lbm sa sobrang tagal mo dyan sa cr."

"Bakit ba kasi?"

Biglang natahimik si Elmo ng binuksan ni Julie ang pinto ng cr. Ito kasi ang unang pagkakataon na may ipinasok siyang babae sa loob ng kwarto niya. Maging si Ziri ay hindi pa nakakapasok dun dahil ang paninindigan at gusto ni Elmo ay ang pakakasalan niya lamang na babae ang tanging makakapasok sa kwarto niya.

"Magbihis ka na nga." Ibinigay niya ang t-shirt kay Julie and then he looked away.

Tiningnan ni Julie ang sarili niya, wala namang nagbago. May kumot parin na nakabalot sa katawan niya kaya ganoon nalang ang pagtataka niya ng biglang umiwas ng tingin si Elmo sa kanya. "Problema mo?"

"Basta magbihis ka na."

"Ayokong suotin yang damit mo."

"Susuotin mo ba 'to o hindi?" Seryosong sambit ni Elmo. "Kapag nilamig ka wag mo akong sisisihin ha."

"Oo na." Kinuha ni Julie ng basta-basta ang damit mula kay Elmo. "Saan ba tayo pupunta?"

"Miss, hindi porket sinabi kong magbihis ka e ang ibig sabihin aalis na tayo."

"Eh bakit nga?"

"Mag-uusap lang tayo. Tapos."

"Anong pag-uusapan?"

Napakamot sa ulo si Elmo ng may halong inis. "Ang dami mong satsat, magbihis ka na dyan para makababa na tayo sa baba kasi gutom na ako."

"So may balak kang paglutuin ako?"

"Hindi ako nakain ng lutong bahay, wag kang mag-alala." He paused. "Tsaka bakit kita paglulutuin mamaya gayumahin mo pa ako."

"Gayuma?" She laughed sarcastically. "Ang hina ko naman sa lagay na yun, lason na para sure deads."

"Sumusobra ka na ha!" Inis na sambit ni Elmo ngunit huli na iyon dahil nakapasok ng muli si Julie sa loob ng comfort room para magbihis. "Kung di ka lang talaga babae, nako."

Hindi na hinintay pa ni Elmo si Julie na matapos dahil sa inis niya rito. Nauna na siya sa dining area upang makakain na. Handa na ang mga gustong pagkain niya, mayroon kasi siyang kasambahay na alam na ang mga gusto't ayaw niya. Iyon naman si Manang Luding...

Si Manang Luding ang tagapag-alaga ni Elmo simula noong bata pa siya at ng napagdesisyunan ng binata na mag-sarili na ay nakiusap sa kanya ang matanda na sa kanya tumira dahil takot na takot ito sa katarayan ni Gina.

Nangangalahati na si Elmo sa pagkain nang dumating si Julie. Maayos na ang buhok nito at nakasuot ng malaki at mahabang t-shirt habang nakapaa.

"Oh bakit ngayon ka lang?"

"Ang hirap kasing hanapin nito akala ko yung lamesa na may mga upuan sa taas yun na yung kusina niyo, yun pala kailangan pang bumaba ng hagdan."

"Lamesa na may mga upuan?" nagtatakang sambit niya.

"Oo, yung may mga nakataob na baso? Yung may mga alak pa nga sa gilid at sa taas?"

Napainom na lamang ng kape si Elmo upang pigilin ang pagtawa niya. "Hindi yun lamesa na may mga upuan, bar counter ang tawag dun." He laughed.

"Ah basta yun narin yun." Nagmasid si Julie sa buong paligid. "Ikaw lang ba ang nakatira rito?"

"Obvious ba?"

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now