Chapter 76

462 6 0
                                    


"Elmo?" Gulat na sambit ni Ziri ng si Elmo ang makita niya sa harap ng kanyang pinto. Sunod-sunod ang pagdo-doorbell nito kaya nakatunog siya may mahalagang pakay sa kanya ang dati niyang fiancée. "Hey, lasing ka ba?" Inalalayan niya ito hanggang sa makaupo na silang pareho sa couch.

"Hindi ako lasing Ziri, gusto lang kitang makausap."

"Oo nga pala, about earlier-"

He stopped her. "Ziri pwedeng ako muna? Kasi kapag hindi ko 'to sasabihin sayo baka maduwag na naman ako."

"Sige, pero kukuha muna ako ng towel para mapunasan kita."

"Ziri-" Seryosong sambit niya habang hawak niya ang kamay ni Ziri para hindi na ito makaalis sa tabi niya. "I-"

"I? I what?"

Huminga siya ng malalim bago niya muling tingnan si Ziri, mata sa mata. "I think we have to stop whatever relationship we have."

"Relationship? Elmo, we're just friends. I don't see something wrong with that."

"Ziri you don't understand."

"Then let me-"

"Ziri mahal na mahal ko si Julie. She took risk with me. Hindi niya ako kilala pero pinakasalan niya ako, ni wala kaming relasyon nung una pero nakuha niya akong mahalin... unlike-"

"Unlike me na iniwan ka sa ere sa araw ng kasal natin. I get it Elmo."

"I'm sorry." Napayuko siya ng hindi niya na kayaning tingnan ang mga mata ni Ziri.

"Elmo kung nung araw ba na yun sumipot ako sa kasal natin, sa tingin mo ako parin ang mahal mo hanggang ngayon?" Hindi sumagot si Elmo. "Elmo please answer me."

"Yes."

"Mahal mo parin ba ako hanggang ngayon?"

"Ziri-"

"Just tell me honestly Elmo."

Tumingin muli si Elmo sa mga mata ni Ziri. "Hindi ko mamahalin si Julie kung ikaw parin talaga ang mahal ko."

"So you went all the way here just to hurt me?"

"Ziri I want you to understand that we're not the old us anymore. I'm inlove with Julie, and you have to understand that."

"Since when?"

"Hindi ko rin alam, basta gumising nalang ako na siya na ang mahal ko." Inilagay niya ang ulo niya sa kanyang mga palad. "Nung umalis siya kanina, ang sakit-sakit, mas doble pa ng naramdaman ko nung iwan mo ako. Ngayon ko lang narealize kung gaano ko siya kahalaga sakin."

"Elmo hindi naman reasonable kung ititigil natin ang pagkakaibigan natin dahil lang iba ang iniisip niya. May sarili ka ng isip, alam mo na kung ano ang gagawin."

"Ziri, hindi sa selfish ako pero kung ganito lagi ang mangyayari sa tuwing magkikita tayo ayoko nalang. Mababaliw ako ng wala si Julie, naiintindihan mo ba?"

"Could you stay with me tonight?"

He shooked his head right away. "I'm deeply inlove with her Ziri. I can't."

Napapikit nalang si Ziri ng tila ba'y sampalin siya sa magkabilang pisngi sa mga narinig niya mula kay Elmo. "Elmo, mahal kita. Sobra. Pero alam mo na ayaw kitang nakikitang nagkakaganito, you're completely lost. Hindi na nga ikaw ang Elmo na nakilala ko, hindi ka na dependent sakin. Kayang-kaya mo na akong tanggihan. Hindi naman ako anak ni Lucifer para gawin ang lahat ng kaya ko para paghiwalayin sayo. Pagod narin akong makipagkumpitensya sa kanya Elmo kaya kahit masakit man-" She bit her lips to stop her tears from falling. "sige, pinapalaya na kita."

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now