Chapter 67

425 5 0
                                    

"So where do you want to eat Bullet?" Tanong ni Elmo habang hinihintay nila si Julie sa office nito.

"Kahit saan Elmo basta kasama ko kayo ni Mommy." He beamed.

"Sige, tanungin nalang natin Mommy mo kung saan hindi ko rin alam kung saan masarap kumain." He chuckled.

"Hi Moe."

Parehong napatingin si Bullet at Elmo sa pinto sa pag-aakalang si Julie na ang dumating na iyon.

"Ziri-" Agad na tumayo si Elmo para ilabas si Ziri sa office ng kanyang asawa. "What are you doing here?" napakunot ang noo niya habangmahigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito.

"Elmo ano ba nasasaktan ako-" Hinigit ni Ziri ang braso niya sabay masahe rito dahil medyo napahigpit ang kapit ni Elmo sa kanya. "I went here to visit you, I thought we're friends?"

"Ziri, natanggap mo naman siguro ang mga messages ko sayo. I made myself clear na kailangan kong ayusin ang pamilya ko. Hindi mo ba yun naiintindihan?"

"Yes, medyo magulo ang explanation mo. Sabi mo may nangyaring masama kay Julie dahil sating dalawa, can you please wake up Elmo? Mukha namang walang nangyaring masama sa kanya kasi mukha namang maayos ang panganganak niya and please wag mo nga akong pagmukhaing tanga sa explanation mo, masama na bang makipagkaibigan sa ex mo ngayon?"

"Sa akin walang masama pero kung pagsisimulan na naman 'to ng away namin ni Julie, I better stop seeing you."

She rolled her eyes. "Kailan ka pa naging under-the-saya? Elmo, ano bang pinakain niya sayo at nagbago ka ng ganyan? Dahil ba binigyan ka niya ng anak?"

"It's none of your business Ziri. Just stay out of my life."

"Labo mo rin kausap eh." She flung her bag to her shoulder. "Well guess what-" Tinapatan niya si Elmo, face-to-face. "You can't rid off me just like that. I'm working a new designer on another department, which means malapit parin ako sayo."

"Akala ko ba you're sick?"

"I am." She paused. "And I'm getting better."

Hindi nalang pinansin ni Elmo ang sinabi ni Ziri dahil alam niyang any time soon pwede ng dumating si Julie. Wala silang ginagawang masama pero ayaw niya ring pag-isipan siya ng masama ng kanyang asawa. "Just go Ziri."

"Alright, I'll call you okay?"

"I've changed my number."

"So what's your number then?"

"Ask my wife." Bumalik na lamang siya sa loob ng office ng kanyang asawa para hindi na humaba pa ang usapan nila ni Ziri.

***

"Nakita kita kanina, kausap mo si Ziri." Walang ekspresyon sa mukha ni Julie ng sambitin niya iyon. Ipinagpapatuloy niya lang ang pag-aayos niya sa kanyang sarili bago siya tumabi kay Bullet na ngayon ay himbing na himbing na sa pagtulog.

"Wala yun, kinamusta niya lang ako."

Napatingin si Julie kay Elmo na ngayon ay panay ang kalikot sa cellphone. "Kinamusta?" She paused. "Baka naman busyng-busy ka na dyan sa pakikipagtext sa kanya."

"Julie, please let's not argue tonight."

"I'm not arguing with you, bakit napakadefensive mo dyan?"

"I'm just playing okay?" Ipinakita niya kay Julie ang cellphone niya para tumigil na ito sa kakahinala.

"Sure. Whatever."

Nang marealize ni Elmo na galit na si Julie ay kaagad niyang ibinaba ang cellphone niya para lapitan ito. Kinuha niya ang upuan malapit sa powder area ni Julie para makapwesto siya sa likuran nito. Looking at his wife's reflection in the mirror, halatang halata niya na galit ito sa kanya kaya agad niyang ipinatong ang kanyang baba sa balikat nito sabay abot ng mga kamay ni Julie para hawakan ng mahigpit ang mga iyon sa pormang yakap.

"Wala ka naman dapat na ipagselos sa kanya, we've been married for almost seven years, ngayon mo pa ba ako pagdududahan sa ganyan?"

"Hindi naman ako magseselos kung walang dapat ipagselos, kanina kasi-" tiningnan niya lang ang repleksyon nila ni Elmo sa salamin habang nakayakap ito sa kanya. "nung nakita ko kayong magkausap ng sobrang lapit ang daming pumasok sa isip ko-"

"Sssh." He kissed her hair. "You are my wife, I am your husband. That's all that matters."

Ipinihit niya ng kaunti ang kanyang katawan para magtama ang tingin nila ni Elmo at para mahalikan niya ito. After that sweet kiss, hindi napigilan ni Elmo na mapangiti gayundin naman si Julie.

"Do you want another baby?"

Panandaliang tumigil ang mundo ni Julie. Ilang taon na iyong tinatanong ni Elmo sa kanya pero every time na maririnig niya iyon sa kanyang asawa wala paring pagbabago sa reaksyon niya. Kung hindi natutulala, lagi siyang nauubusan ng maisasalita.

Finally, nakabalik narin siya sa kanyang sarili ng muli siyang halikan ni Elmo. It was an intimate kiss on her neck, ng makakuha siya ng tsempo ay tumayo na siya kaagad para hindi na mapunta sa kung saan pa ang halik na iyon.

"Hon, I'm tired."

"Pagod din naman ako." Napailing nalang si Elmo ng pareho na naman ang naging reaksyon ni Julie kapag ginagawa niya ang mga bagay na iyon. "Sabihin mo nalang na ayaw mo hindi yung ang dami mo pang dahilan."

"I'm not ready yet."

"I've heard about that zillion times Julie."

"I'm sorry."

"Ano pa bang magagawa ko?" Tumayo na si Elmo at inis na humiga sa kama nila sabay ballot ng kumot sa kanyang katawan. "Good night."

TO BE CONTINUED...

My Groom, My BrideOnde histórias criam vida. Descubra agora