Chapter 41

481 5 0
                                    


"Julieeee? Honeeeey? Babyyyy?" Sunod-sunod na sambit ni Elmo habang hinahanap niya si Julie sa bawat sulok ng bahay nila.

Napunta na siya sa sala, sa kusina, sa pool area at kahit sa garage pero hindi niya parin makita si Julie kaya naman nagdesisyon na siya na umakyat sa kwarto nila, nagbabakasakaling naroroon ang kanyang asawa. Masyadong tahimik ang buong bahay nila, parang siya at siya lang talaga ang naroroon.

Nang sandaling marating na niya ang kanilang kwarto ay kaagad na niyang binuksan ang pintuan. Hindi nagkamali ang instinct niya, naroroon nga si Julie. Nakahiga ito sa kama habang nagbabasa ng libro. Nakabend pa ang dalawang paa ng kanayang asawa at nakasandal pa ang likod nito sa napakalaki nilang unan.

Napahinto si Elmo sandali sa pinto nila upang mapagmasdan ang asawa niya na ilang araw na niyang hindi nakakausap dahil ilang araw narin siyang hindi pinapansin nito.

"Anong binabasa mo?" Dahan-dahang lumapit si Elmo sa tabi ni Julie upang makaupo siya sa tabi nito.

Katulad ng dati, deadma parin ang presensya niya sa kanyang asawa.

"Ibaba mo muna yan." Sinubukang kunin ni Elmo ang libro mula kay Julie at tanggalin ang suot-suot nitong salamin pero nagmatigas parin ito sa kanya.

"Elmo wag ngayon." Bossy-ng sambit ni Julie.

Sumiksik si Elmo sa tabi ni Julie na parang bata sabay yakap dito. "Sorry na kase."

Mabilis na tumayo si Julie sa kama nila kaya naman hindi na nacontrol pa ni Elmo ang biglaang pagkahulog ng ulo't katawan niya sa kanilang kama. Ibinaba muna ni Julie ang libro niya sa ibabaw ng mini cabinet malapit s higaan nila bago siya tuluyang magtungo sa comfort room.

"Julie naman-" Nagpunta si Elmo sa dulo ng kama para doon ay maupo nang makapasok na si Julie sa loob ng comfort room. "Sorry na talaga. Alam ko hindi ko dapat sinabi yun, hindi kita dapat tinanggihan. Sige na, kahit pa isa, dalawa, tatlo, apat o kahit sampung anak pa okay lang sakin basta pansinin mo lang ako ulit." Nagslouch siya. "Parang awa mo na naman oh pansinin mo na ako. Nababaliw na ako sa sitwasyon natin."

Wala paring reaksyon. Hindi parin umiimik si Julie.

"Julie please?" Nanghihinang sambit niya habang natingin siya sa bukas na pinto ng comfort room nila.

Biglang lumabas si Julie mula sa comfort room, sumadal ito sa pinto sabay nagcross arms habang tinitingnan niya ang hopeless niyang asawa. "Elmo, I'm pregnant."

"Agad-agad?!?" Gulat na sambit ni Elmo habang nanlalaki ang mga mata nito dahil hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula kay Julie.

"Bakit parang hindi ka masaya?"

"Hindi masaya ako." Kaagad na binago ni Elmo ang ekspresyon sa mukha niya kahit hindi parin siya maka-usad sa sinabi sa kanya ni Julie. "Sorbrang pagod lang talaga ako sa trabaho tapos medyo marami pa akong pinirmahan na documents para sa launch kaya-"

"Gusto mo ulitin natin yung sinabi ko?"

Sandaling napatitig si Elmo kay Julie bago niya ito sagutin. "Yes please."

Naisipan nalang ni Julie na ulitin ang pagkakasabi niya dahil hindi niya nagustuhan ang reaksyon ni Elmo. Muling siyang pumasok sa loob ng comfort room sabay labas muli. Hindi parin nagbago ang posisyon niya kanina, nakasandal parin siya sa pinto at nakacross arms. Ang pinagkaiba lang ay may ngiti ng kalakip ang kanyang paglabas mula sa comfort room.

"I'm pregnant!" Masayang-masayang sambit ni Julie ng ulitin niyang muli ang kanyang magandang balita.

"Talaga?! Yes! Magiging daddy na ako?" Kaagad siyang lumapit kay Julie para yakapin ito ng mahigpit. "Thank you!" Hinalikan niya si Julie ng paulit-ulit.

"Moe wait-" Lumayo si Julie ng ilang pulgada kay Elmo. "Masaya ka ba talaga?"

"Oo naman." Nakangiting sambit nito sa kanyang asawa. "Ganito pala yung feeling kapag magiging tatay ka na no? Tapos dun pa sa pinapangarap mo na magiging nanay ng mga anak mo."

"Sus." Hinawi ni Julie ng marahan ang mukha ni Elmo.

Hinawakan ni Elmo ang bewang ni Julie para muli itong lumapit sa kanya. Inayos niya ang buhok ng kanyang asawa habang pinasmamasdan niya ito ng masinsinan. "Bati na tayo?"

Tango at ngiti lang ang sinagot ni Julie.

"Mahal mo na ulit ako?"

Natawa muna si Julie bago siya muling magsalita. "Hindi naman mawawala yun."

"Promise?"

"Promise." She assured him.

"At pinapromise ko rin sa anak natin na-" Hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Julie. "ako ang magiging pinakagwapo at pinakabest daddy sa buong mundo."

Hinawakan din ni Julie ang mga kamay ni Elmo na nasa magkabilang pisngi niya habang pinipigilan niya ang mga luha niya na namumuo sa gilid ng kanyang mga mata bunga narin ng tampuhan nila ng kanyang asawa noong mga nakaraang araw. "Thank you hon. And sorry."

"Oh bakit ka naiyak?" Kaagad na pinunasan ni Elmo ang ilang luha na pumatak mula sa mga mata ng kanyang asawa. "Sige ka papangit anank natin nyan, ang ganda pa naman ng lahi natin." Pabirong sambit pa nito.

"Ikaw kase eh. Inestress mo ako."

"Hindi na ngayon." Hinila niya si Julie para mayakap niya ito. "From now on, hindi ka na pwedeng magtrabaho. Dito ka nalang muna sa bahay, gusto ko walang mang-istress sayo kaya kapag ayaw mo akong pauwiin ng bahay natin sabihin mo agad ha?"

"Baliw." Natatawang sambit ni Julie habang panay ang singhot niya.

"I love you honey and baby." Malambing na sambit ni Elmo.

Sinuklian ni Julie ang mahigpit na yakap ni Elmo sa pamamagitan ng pagyakap din dito ng mahigpit. "We love you too hon."

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now