Chapter 47

434 3 0
                                    


Two months na ang nakalipas simula noong nalaman nila na buntis si Julie. Medyo mahirap para sa kanila ang first trimester ni Julie dahil wala silang kaalam-alam kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Dahil walang oras si Elmo para ipacheck up si Julie ay pinapunta niya nalang sa kanilang bahay ang doktor na titingin sa kalagayan ng kanyang mag-ina kasabay ng pagleave niya sa kanyang trabaho.

Madalas kasing sumasakit ang tiyan ni Julie. Madalas din itong nahihilo at nagsusuka ng basta-basta na lamang, kaya naman mas minabuti nalang ni Elmo na ipacheck ito sa isang espesyalista ang kanyang asawa habang maaga pa.

"Elmo can we talk outside?" Seryosong sambit ng doktor matapos nitong obserbahan at i-ultrasound si Julie.

Biglang napatayo si Julie ng kabahan siya sa itsura ng doktor na tumingin sa kanya at sa magiging anak nila ni Elmo. "May mali po ba doc?"

"No Julie, may mga ipagbibilin lang ako sa asawa mo." She smiled. "Magpahinga ka lang dito, okay?"

Tiningnan muna niya muna si Elmo na ngayon ay nasa tabi niya bago siya bumalik sa kanyang pagkakahiga. "Sige po."

"Good." Tiningnan ng doktor si Elmo. "Please follow me outside." Inilagay na nito ang stethoscope sa kanyang leeg sabay labas sa pribadong kwarto ng kanyang pasyente.

Hinalikan muna ni Elmo ang noo ni Julie habang hawak-hawak niya ng mahigpit ang kamay nito. Ginawa niya iyon para mabawasan ang pag-aalala ng kanyang asawa dahil alam niyang kinakabahan ito. "Hon dito ka lang ha? I'll be back."

"Hon-" Pinigilan niya si Elmo bago pa ito makaalis. "Kung anong sasabihin niya sayo sabihin mo rin sakin okay?"

"Sige." He assured her.

"Bilisan mo lang ha?" Pahabol pa nito sa kanyang asawa.

Kaagad namang tumango si Elmo sabay ngiti rito para hindi na mag-alala pa si Julie. Hindi niya ipinahalata rito na kinakabahan siya para hindi ito panghinaan ng loob. Kilala niya ang doktor na kinuha niya, kapag gusto nitong makausap ang isa sa kapamilya ng pasyente ibig sabihin may mali o may problema.

Isinara munang mabuti ni Elmo ang pinto ng kwarto nila bago niya sundan sa terrace ang doktor na gustong kumausap sa kanya. "Doc?"

Kaagad naman siyang nilingon ng doktor na halatang nag-enjoy na sa hangin na nalalanghap niya sa itaas ng bahay nila Elmo. "Elmo."

"Doc, bakit po ninyo ako gustong makausap?" kinakabahang sambit ni Elmo.

"Elmo kasi-" Huminga muna siya ng malalim bago niya ipagpatuloy ang gusto niyang sabihin. "didiretsohin na kita, I know this is hard pero your wife's pregnancy is not that good."

"What do you mean it's not that good doc? She healthy, isn't she?"

"Oo pero Elmo you have to understand na hindi lahat ng babae kayang magbuntis ng normal. Sa case kasi ni Julie hindi masyadong kapit ang baby niyo sa bahay bata niya." Napailing ito habang nagsasalita. "I'm afraid na baka one of these days malaglag ang baby niyo."

"Doc, ano ba yang pinagsasabi mo? Sabi mo kanina sa kanya healthy ang baby tapos ngayon bigla mong sasabihin sakin na pwedeng malaglag ang bata?" He smirked. "Naglolokohan ba tayo dito?"

"Sinabi ko lang yun sa kanya para hindi na siya mag-alala. Bawal siyang mastress, bawal siyang bigyan ng problema. Do you think she can handle her case?" Hinubad niya ang stethoscope na nasa kanyang leeg. "Her case is very crucial right now Elmo, you have to understand that."

Kahit hindi man tanggap ni Elmo ang sitwasyon ni Julie ay pilit niya nalang iyong inintindi dahil wala na siyang ibang choice kundi ang unawain at tanggapin ang kalagayan ng kanyang mag-ina.

"May iba pa bang paraan para maging okay silang pareho ng magiging anak ko Doc?"

Sandaling nanahimik ang doktor. "Meron pero hindi ako one hundred percent sure kung kayang idaan sa gamot ang bata."

"Gamot?" Nanlaki ang mata ni Elmo. "Hindi ba masama para sa bata kung iinom siya ng gamot?"

"Pampakapit lang naman yung gamot. Walang bad effects sa baby pero like what I have said earlier, walang kasiguraduhan kung magiging effective siya kay Julie."

"Paano kung magfail 'to Doc?"

"Well I guess you have to try again. Bata pa naman kayo pareho, marami pa kayong time para magka-anak ulit."

"Pero Doc hindi niya kakayanin, first baby namin 'to." Problemadong sambit ni Elmo.

"Elmo, sa totoo lang marami akong kilala na ganito ang case katulad kay Julie. Halos lahat sila nagfail sa first try, hindi naman talaga maiiwasan sa mag-asawa ang miscarriage. Just keep on trying lang."

"Wala naman saking kaso yun. Hindi ko pa naman nakikita ang bata, ni hindi ko pa siya nahahawakan pero kay Julie kasi-" Napalip bite si Elmo. "Sobrang excited siya para sa first baby namin, gustong-gusto niya na talagang magka-anak na kami kaya medyo kinakabahan ako kung sakaling magfail 'to."

"Hindi naman 'to magfe-fail kung sisiguraduhin mong makakainom siya once a day, kung masisigurado mo na healthy ang kinakain niya at maiiwas mo siya sa problema. As much as possible kasi dapat relax lang siya, bawal mo rin siyang gulatin kasi mas malaki ang tendency na malaglagan siya. Basta Elmo, keep the stress out of her if you want to push through with the baby."

"Sige doc, willing po akong gawin ang lahat magka-baby lang kami."

"Good." Isinulat niya kaagad ang mga gamot na dapat bilhin ni Elmo. Nang matapos niya ng maisulat ang lahat ng kailangang inumin ni Julie ay kaagad na niyang iniabot ang reseta sa asawa ng kanyang pasyente. "Sundin mo lang lahat ng nakalagay dyan, may mga vitamins din akong nilagay pati gatas na kailangan niyang inumin three times a day. Kapag may problem ka pa about sa kanya call me right away, kahit anong araw okay lang basta update me para habang mas maaga pa naagapan natin ang sitawasyon ng mag-ina mo." Tinapik niya si Elmo sa balikat para pagaanin ang loob nito. "I can sense na strong ang wife mo kaya alam kong kakayanin niyo 'to. Be extra careful okay?"

"Yes doc, I will."

"Pa'no I have to go na, may mga pasyente rin kasi akong nakaschedule today. Pakisabi nalang kay Julie na she's doing great. I know it's hard to lie lalo na kapag sobrang bait sayo ng asawa mo pero Elmo-" She paused. "Minsan kailangan nating magsinungaling para sa ikabubuti ng sitwasyon. Pero wag naman yung magsinungaling para mapagtakpan ang nagawang mali, ibang case naman yun." She giggled. "Alam kong darating ang araw na maiintindihan din 'to ni Julie, you're doing this thing for them not for yourself. Always remember that Elmo."

Tango at bahagyang ngiti na lamang ang naisagot ni Elmo sa doktor na kanyang kausap. Hindi niya rin kasi alam kung ano ang dapat na i-react sa sitwasyon niya dahil alam niya na anytime pwedeng mawala sa kanilang ang anak na pinapangarap ni Julie na mailuwal.

Nang tuluyan ng makaalis ang doktor ng kanyang mag-ina ay kaagad niya ng binalikan sa kwarto si Julie. Tulog na naman ito as usual. Dahan-dahan siyang tumabi sa kanyang asawa para hindi niya ito magising. Tumagilid siya ng higa para mas mapagmasdan pa niya ang kabuuan Julie, napansin niyang may kaunting nakaumbok na sa tiyan nito kaya naman hindi niya naiwasang mapakunot ng noo ng maalala niya ang sinabi sa kanya ng doktor kani-kanina lamang.

"Julie bakit ikaw pa? Bakit sa lahat-lahat ng babae ikaw pa ang binigyan ng ganitong sitwasyon? Alam mo, kung pwede lang magbuntis ang lalaki siguro mas gugustuhin ko nalang na ako ang mahirapan kesa ikaw. You don't deserve this situation Julie." Hinalikan niya ang buhok ni Julie habang kinakausap niya ang kanyang sarili. "You don't deserve this."

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now