Chapter 62

435 6 0
                                    


First day. Busyng-busy si Julie sa pag-aasikaso kay Bullet, buti nalang palagi itong tulog kaya naman may panahon pa siyang maghanap sa internet kung paano niya maaalagaan ng maayos ang kanyang 'anak'.

Medyo hirap pa siya sa pagpapalit ng diapers ni Bullet at lalo ng hirap pa siya sa pagbubuhat dito. Masyado pang malambot ang sanggol kaya as much as possible hinahayaan niya lang itong mahiga sa kama nila.

Kailangan ng palitan ang damit at ang lampin na nakabalot kay Bullet ay inilabas niya na ang lahat ng lakas ng loob niya para mabihisan ito. Natatakot kasi siyang mapilayan ang bata pero dahil wala na siyang choice, napilitan na lamang siya na hubaran ito at palitan ng bagong damit na binili ni Elmo kasabay ng mga gatas na ipinabili niya rito.

"Baby dyan ka lang ha? Ilalagay lang ni Mommy ang damit mo sa labahan." Napangiti lang si Julie ng hindi man lang nagising si Bullet sa pagtanggal niya ng mga damit nito o maging ng kausapin niya ito.

Tumayo na siya para ilagay ang mga maruruming damit ng sanggol sa labahan ng biglang may nahulog mula sa lampin. Out of curiosity, kaagad niyang binuksan ang nakatiklop na papel na iyon. Isa iyong sulat. Ang sulat na naglalaman ng buong katotohanan tungkol sa batang nakita nila ni Elmo sa harapan ng kanilang bahay.

Anak, si Mommy 'to. Alam ko na hindi mo maiintindihan kung bakit ko nagawang iwan ka sa pinto ng mag-asawang matagal ko ng sinusubaybayan. Nakita ko sila kung paano sila mag-away noon at kung paano nila natutunang mahalin ang isa't isa. Nakakalungkot kasi hindi namin nagawa yun ng daddy mo. We're fighting every single day. Not just that, he's treating me like a punching bag too. Ayoko namang maranasan mo yun sa kanya anak kapag wala na ako. Oo, may sakit ang mommy. Nadiagnose akong may cancer after kitang ipanganak, bigla akong natakot lalo na kapag iniisip ko na siguradong ipapamigay ka ng daddy mo kapag wala na ako. Yun lang naman ang hinihintay niya para makapag-asawa na siya ng bago, yung mas bata, yung mas sexy, yung mas maganda. Paano na kung mapunta ka sa maling kamay dahil sa kapabayaan ko? Ayoko naman nun, kaya bago maubos ang oras ko sa mundong 'to napagdesisyunan kong iwan ka sa kanila. Mabait si Mr. Magalona, kapag nakikita niya ako dati na naglalakad dahil hindi ako sinusundo ng daddy mo sa trabaho, sinasabay niya agad ako. Malaki na raw kasi ang tyan ko tapos naglalakad pa ako. Dun ko naman nalaman na buntis din ang asawa niya. I was about to talk to them about you pero nakita ko si Mr. Magalona na karga-karga ang asawa niya na namimilipit sa sakit. The next day, napapansin ko ng may pagbabago sa kanila, laging tulala si Mrs. Magalona, si Mr. Magalona naman laging tuliro. Biglang nagbago ang ihip ng hangin, kung dati puro imaginary heart ang nakikita ng mommy sa kanilang dalawa ngayon parang meron ng gap. Parang ang layo-layo na nila sa isa't isa. Doon ko natunugan na nawalan sila ng anak... Kaya mas lalo pa akong nabigyan ng lakas ng loob para iwan ka sa kanila. Alam ko na hindi ka nila papabayaan. You are in good hands anak. At lalong alam ko rin na kaya mo silang buuin ulit, kakayanin mo yan tutulungan ka ni mommy kapag nasa heaven na ako, promise. Anak, sana alam mo kung gano kasakit sakin 'to, yung hindi na kita makikita kapag magigising ako sa umaga hanggang sa huling hininga ko, pero anak mas mabuti narin to kesa naman nasa amin ka ng daddy mo na walang pakialam sayo. I know, one day, you will thank me for this. Lagi mo lang tatandaan anak na mahal na mahal ka ng mommy. Mommy wants the best for you. Treat her like your own mom okay? She will love you as much as I love you and that's for sure. Kapag dumating yung araw na pwede na ulit kitang makita at makasama, doon kita aalagaan, alam mo na kung saan yun. But for the meantime, be a good boy muna. Be an angel to them. I love you baby. Mommy will love you forever.

'Til we meet again,

Your Guardian Angel

Hindi malaman ni Julie ang gagawin niya pagkatapos niyang mabasa iyon. Bigla siyang naiyak dahil narealize niyang may pagkakapareho ang sitwasyon nila ng totoong mommy ni Bullet.

Buhay siya pero nawalan naman ng anak habang ang mommy naman ng sanggol na inaalagaan niya na parang kanya ay malapit ng wala at wala na itong ibang choice kundi ang ipamigay ang anak niya. Masakit. Ramdam niya.

"Julie, bakit ka naiyak?" nagtatakang sambit ni Elmo ng maabutan niya si Julie sa kwarto nila na umiiyak habang nakatayo.

Pinahiran agad ni Julie ang luha niya sabay balik kay Bullet para bihisan ito. "Bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?" medyo paos pa ang boses ni Julie, halatang nagpipigil ito ng iyak kaya naman agad iyong napansin ni Elmo.

"Julie-" Tumabi siya kay Julie para haplusin ang likod nito. "Honey, ayaw mo ba nito? Gusto mo ibigay nalang natin siya sa bahay ampunan?"

"Hindi Elmo, ayoko." Patuloy parin siya sa pagbibihis kay Bullet. "Alam mo kung gaano ko kagusto ang batang 'to simula nung araw na nakita natin siya."

"Are you sure?"

Tumingin siya kay Elmo ng matapos niyang bihisan si Bullet. "Ikaw sigurado ka na ba?"

"Julie kung sigurado ka na, sigurado narin ako. Baka lang kasi napipilitan ka." Sinulyapan niya saglit si Bullet ng hindi niya makaya ang tingin sa kanya ni Julie. "Anyway, kinausap ko na yung kaibigan ko na lawyer, malayo siya sa family connections namin kaya walang makakaalam kung aampunin natin siya legally. We will treat him as our own. Kung sigurado ka na talaga sabihin mo lang, anytime soon pwede na siyang maging anak natin." Tumayo na si Elmo para hindi na mapunta pa sa away ang pag-uusap nila ni Julie. "Oo nga pala, may mga gamit ako na binili kay Bullet, yun ang reason kung bakit ako bumalik dito."

"Elmo." Mahinang sambit niya ng marealize niya kung gaano kalaking effort na ang ginagawa nito para sa kanya.

Tumigil si Elmo bago siya tuluyang makalabas ng kwarto nila.

"Hihintayin mo ako di ba?"

Nilingon niya si Julie sabay bigay dito ng isang malambing na ngiti. "Kahit gaano katagal pa. Nandito lang naman ako Julie, hinihintay ka."

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now