Chapter 46

477 6 0
                                    


Magkahawak ang kamay nila Julie at Elmo habang sabay silang naglalakad sa red carpet. Si Julie ang new designer ng kompanya nila Gina kaya naman nakatuon ang atensyon ng halos lahat ng taong naroroon sa kanya. Panay ang picture sa kanya at sa kanyang asawa ng iba't ibang sikat na photographers na imbitado sa event na iyon.

Naninibago man siya sa sobra-sobrang atensyon na ibinibigay sa kanya ng mga taong nakapalibot sa kanya ay pinilit niya na lamang na gawin iyong normal sa kanyang sistema. Alam niya naman kasi na nariyan lang sa tabi niya si Elmo na numero unong sumusuporta sa kanya.

"Julie Anne San Jose - Magalona." Natigilan si Julie ng batiin siya ng ina ni Elmo ng may ngiti sa mga labi nito. "Welcome to your event." Niyakap siya nito sabay beso.

Itinago ni Julie ang pagkagulat niya sa ginawang iyon ni Gina dahil may mga camerang nakatutok sa kanila na walang humpay parin sa pagkuha ng bawat galaw niya.

"My event?" Nagtatakang sambit ni Julie.

"Yes!" Natawa si Gina. "You are the designer of our new collection right?"

Tiningnan niya si Elmo ngunit tango lamang at ngiti ang nakuha niya rito kaya naman wala na siyang ibang nagawa kundi ang tingnan muli si Gina. "Thank you." Pinilit niya nalang na ngumiti kahit na may tensyong namamagitan sa kanilang dalawa ni Gina.

"No." Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Julie. "I should be the one thanking you." She smiled. "Thank you. And oh-" Lumayo siya kay Julie upang kanyang mapagmasdan ang kasuotan nito. "You're so gorgeous tonight."

"Thanks ma'am."

"Mommy." She giggled. "Mommy nalang, wala naman tayo sa office right?"

"Ah." Nagtatakang tumango si Julie. "Right, mommy." Alam niyang nakikipagplastikan lang sa kanya si Gina dahil may mga taong nagmamasid sa kanila kaya naman kahit ayaw niyang makipagplastikan dito ay napilitan nalang din siya. Ayaw niyang masira ang pinaghirapan ng kanyang asawa. At higit sa lahat, ayaw niyang mapahiya ang ina ni Elmo sa harap ng maraming tao because in the first place, mother-in-law niya parin ito.

"Julie." Napatingin si Julie sa likuran ni Gina ng marinig niya ang isang pamilyar na boses. Ang boses ni Vera.

Hindi nga siya nagkakamali, si Vera nga iyon. Nakasakay ito sa wheelchair habang may nurse na tumutulak dito. Kaagad namang bumitiw si Julie kay Elmo para malapitan niya ang matanda. Niyakap niya ito ng sobrang higpit sabay halik sa pisngi nito.

"I miss you Lola."

"I miss you too hija." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Julie ng humiwalay na ito sa pagkakayakap sa kanya. "Hindi nagkamali ang apo ko sa pagpili sayo. You're so beautiful Julie."

"Thank you Lola." Magiliw na sambit niya sa matanda. "Pero mas maganda ka pa rin."

Sabay na natawa ng bahagya si Vera at Elmo.

"Nako ikaw bata ka, pumasok nalang tayo sa loob."

Gina rolled her eyes. "Yes Mama, that's a better idea." Tiningnan niya ang mga taong nasa paligid nila. "Let's go people, the show's about to start."

Napailing nalang si Vera ng manduhan na naman ni Gina ang mga taong nasa paligid nila. Dahil ayaw niyang masira ang gabing iyon ay hinayaan niya na lamang ito at nagfocus na lamang kila Julie at Elmo. Wala siyang kaalam-alam na sa gabing iyon, may malalaman siyang lubos na ikatutuwa niya.

***

The show has started. Rumampa na ang mga modelo habang suot-suot ng mga ito ang mga damit na dinesign ni Julie. Halos lahat ay napapa-wow everytime na may lalabas na bagong design. Halatang-halatang pinag-isipan ang mga detalye ng bawat damit. Halatang-halata na inspired talaga ang tao nasa likod ng mga magagandang creation na iyon.

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now