Chapter 38

476 4 0
                                    


Nanlalamig at nanginginig ang kamay ni Elmo habang hawak-hawak niya ang kamay ni Julie. Kahit na medyo nakakaladkad si Julie dahil masyadong mabilis ang paglalakad ng kanyang asawa ay hindi nalang niya iyon iniinda para lang malaman nila ang kundisyon ni Vera sa lalong madaling panahon.

"Nurse, saan po dito ang room ni Vera Magalona?" seryosong sambit ni Elmo habang naghihintay lang si Julie nang isasagot ng nurse na kausap ni Elmo.

Sandali munang tinginan ng nurse na iyon ang listahan ng mga room ng pasyente bago niya sagutin ang tanong ng gwapong lalaki na nasa harapan niya. "Sir sa room E801 po, sa fourth floor."

"Thanks." Dali-daling hinila muli ni Elmo si Julie, nag-elevator sila para mas madali nilang marating ang kwarto kung nasaan si Vera. Alam ni Julie na may rason kung bakit ganoon na lamang ang pagkakaba ni Elmo pero mas lalo siyang papatayin ng kaba niya kung ipagpapatuloy pa ng kanyang asawa ang pagpapanic na ipinapakita nito sa kanya.

"Hon-" pagpigil ni Julie sa kanyang asawa bago nito buksan ang pinto ng room E801.

"Bakit?" nag-aalalang sambit ni Elmo.

She breathed in. "Alam kong hindi biro 'tong situation na 'to pero pwede bang kalma ka lang?" She paused. "Sa tingin mo ba kung magpapakita ka ng ganyan kay Lola Vera, matutuwa siya? Hon, lalo mo lang papahinain ang loob niya-" Hinawakan ni Julie ng mahigpit ang kaliwang kamay ni Elmo. "You got to be strong."

"Hon, alam mo naman ang kundisyon ni Lola Vera. Bukod sayo, siya lang ang nagpakita sakin na may nagmamahal pa sakin-" Tinitigan niya si Julie, mata sa mata. "Ngayon sabihin mo sakin kung pa'no ako kakalma kung bigla nalang may tatawag sayo tapos sasabihing nasa ospital yung pinaka-importanteng tao sa buhay mo?"

"I know. Pero hon, please wag kang masyadong magpakita na pinanghihinaan ka ng loob. Oo sabihin na natin na konting panahon lang kaming nagkasama pero hon, kilala ko si Lola Vera, she is a very strong woman. Hindi siya susuko ng basta-basta."

"Pa'no kung sumuko siya?"

Lumapit si Julie kay Elmo upang mayakap niya ito ng mahigpit. Tila ba'y isang paslit si Elmo na inagawan ng lollipop, 'yung tipong wala ka nalang magagawa kundi akapin ito para hindi na matuloy ang mga luha na namumuo sa gilid ng mga mata nito.

"Hon, nandito naman ako, di kita iiwan."

"Thanks hon." Malumanay na sambit ni Elmo.

Humiwalay na si Julie sa kanyang asawa upang makita niyang muli ang maamo nitong mukha. "Oh hinga muna." She smiled.

"Bakit parang okay lang ang mga ganitong problema kapag nandyan ka?"

Umiling si Julie. "Nao-overwhelm ka lang kaya mo nasasabi yan, sige na pumasok nalang tayo para malaman mo narin ang kundisyon ni Lola."

"Natatakot ako Julie."

Kaagad inoffer ni Julie ang kamay niya ng may kalakip na ngiti mula sa kanyang mapupulang mga labi. "Dalawa tayong nagmamahal kay Lola Vera kaya hindi ka nag-iisa."

Napangiti nalang si Elmo ng sambitin iyon ng kanyang asawa. Hinawakan niya muna ang kamay nito bago niya tuluyang buksan ang pintuan ng room E801.

Tulog si Vera. May ilang apparatus na nakakabit sa iba't-ibang bahagi ng katawan nito na siya namang naging dahilan kung bakit biglang nanlumo si Julie at si Elmo. Hindi na siya ang malakas na Vera na nakausap nila ng huli nilang nakita ito, medyo may kapayatan na at kitang-kita na nahihirapan na ito sa paghinga.

"Lola-" sabay na sambit ni Julie at ni Elmo.

Kaagad nilang nilapitan ang matanda. Hindi sila nagpapigil sa paglapit kay Vera kahit na alam nilang delikado na hawakan ang iba't-ibang parte ng katawan nito dahil baka may magalaw sila na hindi dapat magalaw.

Parehong napaiyak ang mag-asawa ng makita nila si Vera ng malapitan. Pinipigil nila ang kanilang pag-iyak para lamang hindi nila magising ang matanda sa pagkakatulog nito, iyong tipo ng iyak na masyadong masakit sa lalamunan at nakakapanikip ng dibdib.

"Tell me she's not giving up Julie-" He paused while he was crying. "Tell me." He whispered.

"Lola di ba atapang atao ka?-" Nanginginig na sambit ni Julie habang hawak-hawak niya ang kamay ni Vera. "Gumising ka naman dyan oh-" suminghot siya. "Please?"

"Wag kayong umiyak dyan, hindi pa ako patay."

Napatigil sa pag-iyak ang mag-asawa ng biglang magsalita si Vera habang nakapikit ito. Dahan-dahang binuksan ng matanda ang medyo singkit na mata nito at napangiti ng makita niya si Julie at si Elmo na nasa harapan niya.

"Ganyan ba ang itinuro ko sa inyo? May usapan pa tayo, hindi pa ako pwedeng mamatay hangga't wala pa akong apo galing sa inyo." Dagdag pa niya.

"Lola naman eh-" Natatawang sambit ni Julie habang parang bata siyang nagpupunas ng luha na dumaloy na sa mga pisngi niya. "Ang daya-daya mo."

"Ako pa ang madaya ngayon?" She giggled. "Kung tutuusin kayo ang madaya, matagal ko ng hinihingi ang apo ko na yan pero hindi niyo parin binibigay. Ayan tuloy hindi pa ako makapagpahinga." She joked.

"Lola!" Seryosong sambit ni Elmo. "It's not funny."

"Nagbibiro lang naman ako hijo-"

"Kahit na." Umupo si Elmo sa tabi ni Vera upang mailagay niya sa pisngi niya ang kulubot na kamay ng kanyang lola. "Lola, ano na naman po ba 'to? Hindi ka ba umiinom ng mga gamot mo?"

"Moe chill-"may angas na sambit ni Vera. "Masyado lang tumaas ang sugar level ko but I'm okay na, sabi ko kay Doc wag na ako lagyan ng mga 'to pero kailangan daw kaya ito I'm suffering in hell already."

Natawa nalang si Julie ng marinig niya ang pangangatwiran ng matanda. "Ayun naman pala Moe."

"Pero ang payat mo na Lola, kumakain ka ba ng tama sa oras?"

"No I intend not to eat much." Napatawa si Vera ng makita niya ang kakaibang tingin sa kanya ng mag-asawa ng sabihin niya iyon. "What?" She paused. "I wanna be as foxy as Julie. Is that a crime?"

Napailing namang si Julie while she was crossing her arms. "Lola, that's an invalid argument."

"No honey, it is valid." She winked. "Alam mo kung buhay lang siguro Lolo ni Moe, maseseksihan siya sakin." Tumingin siya sa direksyon ni Elmo. "Right hijo?" Kakaibang tingin lamang ang isinukli sa kanya ng kanyang apo, medyo nakataas ang kilay nito habang nakanguso. "Fine, magpapataba na ulit ako." Tiningnan niya ang mag-asawa. "Pero sa isang kundisyon-"

"Ano po 'yun?" sabay na sambit ng mag-asawa.

Nagpakawala muna si Vera ng ngiting nakakaloko bago niya sabihin ang kanyang agenda.

"Bigyan niyo ako ng apo." And then she beamed.

To be continued...

My Groom, My Brideजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें