Chapter 40

516 4 0
                                    


Napapangiti at napapailing si Alvin habang naglalakad siya sa table kung saan naroroon si Elmo. Panay ang pirma nito sa mga papeles habang nakanguso, hindi pa man niya kinakausap ang kaibigan niya ay alam niya na agad na may problema ito.

"Si Julie ba?"

Biglang napatingin si Elmo sa direksyon ni Alvin ng marinig niyang magsalita ito. "Have you seen her?"

Mabilis namang umiling si Alvin sa tanong ng kanyang matalik na kaibigan. "Kayo ang palaging magkasabay pumasok tapos sakin mo siya hahanapin."

"Hahanapin ko ba siya sayo kung magkasabay kami?" Inis na sambit nito kay Alvin.

"Chill." Umupo siya sa harap ng mesa ni Elmo. "Ano na naman ba ang pinag-awayan niyong mag-asawa?" He sighed. "Akala ko pa naman kayo na ang may pinakasuccessful na marriage yun pala-"

"Hindi siya sumabay sakin kaninang umaga. Nung isang araw magkasabay nga kaming kumain at pumasok dito sa site pero hindi naman kami nag-uusap ng maayos, siguro makakausap ko lang siya kapag tungkol na sa trabaho. Tapos kapag naman sa gabi nakatalikod siya sakin, may harang pa na unan sa gitna namin-" Tiningnan niya si Alvin bago siya magsalita muli. "At alam mo kung ano ang pinakamalupet?"

"Ano?" natatawang sambit ni Alvin sa seryosong ikinikwento sa kanya ng kanyang kaibigan.

"Pinagluto niya ako ng sunog na sunny side up."

***

"HAHAHAHA! Ginawa mo yun?" Hindi makapaniwala si Peebee habang pinagmamasdan niya ang mukha ni Julie na dinaig pa ang pinagsakluban ng langit at lupa.

She crossed her arms. "Oo, nakakainis kasi siya."

"As in sunog?" She was still laughing. "Grabe Julie ang sama mo."

"Ako pa ang masama ngayon? Siya nga 'tong masyadong masama sakin eh."

"Julie, hindi naman kasi madali ang hinihiling mo. Hindi naman sa kinakampihan ko si Elmo ha, pero kasi parang biglaan naman ata yang gusto mong mangyari. Anak agad?"

"Bakit masama na bang humiling ng anak sa lalaking mahal mo?"

"Hindi pero-"

"Peebee sino bang bestfriend mo, ako o si Elmo?" Inis na sambit ni Julie habang sinasamaan niya ng tingin ang kanyang matalik na kaibigan.

"Syempre ikaw."

"Eh bakit parang mas kamping-kampi ka pa ata sa mokong na yun?"

"Hindi naman siya ang kinakampihan ko no, wait nga, ano ba kasi yung full na nangyari, as in ayaw niya ba talaga o nagdadalawang isip lang siya?"

Napakunot ng noo si Julie ng tanungin iyon ni Peebee. "Hindi ko rin alam Peebs, pero nararamdaman ko na ayaw niya talaga."

"Hmm, siguro irespeto mo na muna ang hinihiling niya. Kasi kung ako rin ang tatanungin Julie sayang ka eh, tingnan mo 'yang katawan mo, tingnan mo yung career mo na kakausbong palang-" She paused. "Lahat yan pwedeng mawala kapag nagkaanak ka, gusto mo ba yun?"

"Hindi big deal sa akin kung tataba ako o mawawala sakin lahat ng pinaghirapan ko basta mabigay ko lang ang gusto ni Lola Vera-"

"Ayun, edi lumabas din ang totoo. Alam mo masyado ka atang napamahal sa Lola ni Elmo kaya kahit ano kaya mong gawin para sa kanya. Ano yan teh martyr na granddaughter-in-law lang?"

"Peebee hindi mo kasi naiintindihan-"

"Edi ipaintindi mo sakin-" Natigilan si Peebee ng makita niya ang ekspresyon sa mukha ng kanyang kaibigan. "Teka nga, wag mong sabihing-"

Hinawakan ni Julie ang tiyan niya habang nakatingin siya kay Peebee. "Buntis ata ako."

"Ha?! Te-te-teka, sigurado ka na ba?" Nauutal na sambit ni Peebee.

"Hindi pa pero para kasing buntis talaga ako."

"Pano mo nasabi? Nagtry ka na ba ng pregnancy test? Nagpacheck up ka na ba sa doktor mo? O sa albularyo kaya nagpatingin ka na? Baka deliryo lang yan Julie."

"Sira hindi deliryo 'to, lately kasi parang pabago-bago mood ko. Bigla akong nahihilo tapos kada-umaga palagi akong nasusuka pero wala namang lumalabas na suka."

"Kailan ka last na nagkaron?"

"Hindi ko narin alam kung kailan."

"Loka-loka, alamin mo na kaya hindi yung para kang nagbu-blues clues dyan."

"Kaya nga ako tumakas sa trabaho para makipagkita sayo kasi papasama sana ako sa ospital."

"Aba bakit ako? Mag-gagabi na oh. Sa asawa mo kaya, try mo."

"Ayaw niya ngang magka-anak kami, bakit sa kanya pa ako magpapasama?!"

"Ang pangit naman ata kung ako ang unang makakaalam imbis na si Elmo."

"Fine." Inis na kinuha ni Julie ang bag niya. "Kung ayaw mo akong samahan, ako nalang,"

"Julie naman, bakit ospital kaagad? Sasamahan nalang kita sa drugs store bili tayo ng pregnancy test tapos ikaw nalang magcheck sa bahay niyo."

"Bakit hindi pa sa ospital?"

"Madedepress ka lang kung false alarm yan, at least kapag pregnancy test lang ang gagamitin mo ikaw lang sa sarili mo yung nakakaalam kung positive ba o hindi. Kapag kasi may ibang tao na nagsabi sayo na wala talaga mas madedepress ka lang."

Biglang napaisip si Julie. "Sabagay may point ka. Sige ita-try ko yang suggestion mo."

***

"Ano ba yan Moe, parang tinapakan mo narin pagkababae ni Julie nung sinabi mo yun."

"Tinapakan? Ang sinabi ko lang naman wag muna sa ngayon kasi hindi pa kami ready."

"Hindi pa kayo ready o ikaw lang talaga?"

"Alvin, hindi ko pa ata talaga kaya. Hindi ko alam kung pa'no magiging mabuting ama sa magiging anak ko."

"Pa'no mo malalaman kung kaya mo o hindi kung hindi mo naman susubukan?"

"Pero-"

"Inlove ka parin ba kay Ziri kaya hindi mo mapagbigyan ang hiling ni Julie?"

"Ha?" Natigilan saglit si Elmo. "Hi-hindi na."

"Sigurado ka ba?"

"Mahal ko si Julie." Diretsong sambit ni Elmo. "Mahal ko siya." dagdag pa niya.

"Yun naman pala." Kinuha ni Alvin ang susi ng sasakyan ni Elmo na nakakalat sa mesa nito sabay abot sa kanyang kaibigan. "Go home."

"Pa'no ang trabaho ko?"

"Trust me with this, ako na ang bahala sa lahat-" Tiningnan ni Alvin ang relo niya. "Tapos narin naman oras ng trabaho mo, wag ka ng mag-overtime. Umuwi ka na ng direst sa inyo."

"Hindi ko alam kung nasa bahay si Julie bakit dun ako pupunta?"

"Nasa bahay siya, maniwala ka sakin."

"Sure ka ba na ikaw na ang bahala dito?"

Tumango si Alvin sabay ngiti sa kaibigan niya. "Make things right with your wife Moe." He smirked. "Tama na ang pride at takot, magpakalalaki ka kasi yung asawa mo mas lalaki pang magdesisyon kesa sayo."

He scoffed. "You think?"

"Yeah." He giggled. "Dumaan ka sa pinakamalapit na flower shop tapos bumili ka ng bulaklak."

"Noted, thanks Alvin."

"Umuwi ka na." Seryosong sambit ni Alvin para tuluyan na niyang mapaalis si Elmo sa site. "Magpakahirap ka ngayon sa pagsuyo sa kanya, ginusto mo yan." Natatawang sambit niya habang pinapanuod niya ang kanyang kaibigan na unti-unting naglalaho kanyang paningin.

To be continued...

My Groom, My BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon