Chapter 14

538 7 0
                                    


Nag-uunat si Elmo ng dalawang kamay niya habang nakatayo siya sa labas ng pinto ng kwarto niya. Hindi na nito nagawang mag-ayos ng buhok niya matapos maghilamos at magtoothbrush dahil excited na siyang makita kung ano ang niluto ni Julie para sa umagahan nila.

He is not a morning person pero simula noong naranasan niya ang walang sawang pag-aasikaso ni Julie sa kanya ay para bang nagkaroon siya ng rason para gumising ng maaga.

Pababa na si Elmo ng hagdan ng mapasecond look siya sa bukas na pinto ng kwarto ni Julie. Wala siyang intensyong pumunta sa kwarto nito pero dinala na siya roon ng mga paa niya. Tiningnan niya ang buong paligid pero hindi niya makita si Julie kaya ipinagpatuloy niya nalang ang pagmamasid.

Umupo siya sa kama nito at inayos ang unan na hindi masyadong maayos ang pagkakasalansa ng bigla niyang makita ang isang sketch book sa ilalim nito. Kaagad niya iyong kinuha para tingnan kung ano ang nasa loob nito. Natahimik na lamang siya habang tinitingnan ang bawat pahina ng sketch book na iyon.

"So she knows how to design clothes."

"Elmo? Anong ginagawa mo rito?!" Gulat na sambit ni Julie habang mahigpit ang hawak niya sa tuwalyang nakatapis sa katawan niya.

Kalmado namang ibinaba ni Elmo ang hawak niyang sketch book sabay ngiti kay Julie. "Bukas ang pinto kaya pumasok ako."

"Grabe ka, hindi mo man lang naisip na baka naliligo ako." Inis na sambit ni Julie.

"What's the big deal? Nakita ko na naman yan. I'm your husband, remember?" Pang-aasar pa niya.

"Husband kuno." Kaagad na kinuha ni Julie ang bathrobe na nakalatag sa kama niya at dahan-dahan niya iyong isinuot habang tinitingnan niya ng masama si Elmo. "Labas."

"Ayoko." Humiga si Elmo sa kama ni Julie. He was looking at her intently with a smile on his face. "You look so sexy today." He teased her again.

"Baboy. Manyak. Mamboboso. Rapist!" Sunod-sunod na sambit ni Julie habang hinihila niya si Elmo papatayo. "Lumabas ka na para makapagbihis na ako."

"Ayoko. Ayoko. Ayoko."

Nagpabigat pa si Elmo at sa pagpapabigat niyang iyon ay hindi niya inaasahang mahihila niya si Julie papunta sa kanya. Na-out of balance ito at maging siya ay nagulat din ng makita niya ang mukha ni Julie na ilang pulgada lang ang layo sa kanya.

Natahimik sila pareho habang tinititigan ang bawat isa. Ramdam na ramdam ni Elmo ang lamig ng katawan ni Julie dala narin ng malamig na tubig na ipinaligo nito at amoy na amoy niya rin ang mabangong balat at buhok nito.

"Kainis ka talaga!" Tinulak ni Julie ang katawan niya papalayo kay Elmo para makatayo na siyang muli. Inayos niya ulit ang suot robe na suot niya sabay turo sa labas ng pinto niya ng may halong inis. "Labas!"

Sumunod naman si Elmo sa kagustuhan nito. Tumayo siya pero hindi pa roon nagtatapos iyon dahil pagtayo niya ay kaagad niyang hinawakan ang bewang nito sabay lapit ng bibig niya sa tenga ni Julie. "Hey, wanna have kids with me?"

"Nek nek mo." Itinulak niya si Elmo papalayo sa kanya. "Sinabi ng labas eh-" Hindi parin gumagalaw si Elmo at nakatingin lang ito sa kanya. "isa!"

"Oo na, oo na." Lumayo siya ng isang hakbang papalayo kay Julie nang hindi inaalis ang tingin niya rito. "Magbihis ka."

"Ha? Ano na naman ba yan?"

"Basta." Pasipol-sipol na lumabas si Elmo ng kwarto ni Julie habang nakasuksok ang mga kamay niya sa dalawang bulsa ng kanyang shorts.

***

"Elmo, bakit ba tayo nandito?"

"Ibibili kita ng damit." Tuloy-tuloy lamang sa paglalakad si Elmo at tila ba'y may hinahanap na store sa mall na iyon.

My Groom, My BrideМесто, где живут истории. Откройте их для себя