Chapter 28

568 5 0
                                    


"I will love you until the day after forever pala ha." Ibinato ni Julie kay Elmo ang bag niya kay Elmo ng makapasok sila sa kwarto kung saan sila magpapahinga para sa araw na iyon.

"Bakit na naman ba?" Gulat na sambit ni Elmo ng mabigla siya sa ginawang iyon ni Julie.

"Ano na naman kasing kalokohan yung sinabi mo kanina?"

"Kalokohan daw pero kinikilig ka naman." He murmured.

"Hoy Magalona-" Inis na lumapit si Julie kay Elmo kaya hindi na niya napansin pa ang nakausling kahoy malapit sa kanyang kama.

Mabuti na lamang at ilang hakbang lamang ang layo sa kanya ni Elmo kaya naman kaagad siyang nasambot nito. Nagtama ang mga tingin nila ng sandaling magkadikit ang mga katawan nila. Tahimik lang ang buong paligid. Tila ba'y tumigil ang pagtakbo ng oras ng mga sandaling iyon.

"May nagsabi na ba sa'yo na ang cute mo kapag naiinis?" Pabirong sambit ni Elmo.

"Wag mo nga akong titigan ng ganyan." Itinulak ni Julie papalayo sa kanya si Elmo.

"Bakit?" Hinila ni Elmo papalapit sa kanya si Julie sabay yakap dito. "Kinikilig ka na naman?"

"Elmo-"

"Moe nalang-" Lumayo siya ng kaunti kay Julie upang matitigan niya itong muli. "O kung gusto mong itawag sakin eh baby o babe, pwede rin naman." And then he smiled.

"Baby o babe?" She laughed. "Seryoso na ba talaga 'to El-" She cleared her throat. "Moe?"

"Hindi pa ba klaro na seryoso ako sayo?"

Umiwas ng tingin si Julie ng maramdaman niya ang nakakatunaw na titig ni Elmo sa kanya. "Hindi lang talaga ako makapaniwala kasi parang kahapon lang para tayong aso't pusa-" She shook her head. "Parang tigre at tigress pala, tapos ngayon bigla-bigla nalang na ganito?"

Hinawakan ni Elmo ang baba ni Julie upang patinginin niya muli ito sa kanya. "Ayaw mo ba sakin? Hindi mo ba ako gusto?" Pinagmasdan niya ng masinsinan si Julie. "Kasi kung ako ang tatanungin mo Julie, gustong-gusto talaga kita."

"Hindi naman sa ayaw ko sayo Moe pero-"

"Pero gusto mo ako?"

"Bakit ba ganito ang pinag-uusapan natin?" Sinubukang kumawala ni Julie sa pagkakahawak sa kanya ni Elmo ngunit masyadong mahigpit ang pagkakakapit nito sa kanya.

"Kasi gusto kong malaman kung ano 'yung nandyan sa isip mo."

"Ang baduy mo." She giggled.

"Julie seryoso ako."

"Seryoso ka na ng lagay na yan?" She giggled once more.

"Julie naman magseryoso ka kasi, seryoso na talaga ako."

Tinaasan niya ng kilay si Elmo. "Bakit sinabi ko ba na magseryoso ka ha?"

"Hindi."

"Yun naman pala eh."

"Pero Julie seryoso na talaga." Ibinaba niya ng dahan sa bewang ni Julie ang mga kamay niya sabay yakap muli rito. "Seryoso na talaga 'to ha?"

"Kanina pa 'yang seryoso na yan, anong seryoso pa ba gusto mo?"

"Yung seryoso na sasabihin mo na mahal mo rin ako." He said sweetly.

"Kailangan pa bang sabihin ko yan sayo? Hindi ba pwede ganito nalang-" Dahan-dahang inilapit ni Julie ang labi niya sa labi ni Elmo habang inilalagay niya ang mga kamay niya sa leeg nito.

Nakatingin lang siya sa mga ni Elmo at gayundin naman ito sa kanya. Nang makatsempo na ng paghalik si Julie ay napalunok naman ng laway si Elmo, iyong tipong kitang-kita niya ang pag-akyat at pagbaba ng adams apple nito.

"Hahahahaha."

"Julie naman-" dismayadong sambit ni Elmo habang tinitingnan niya si Julie sa harap niya na mangiyak-ngiyak na sa kakatawa.

"Nakakatawa ka kasi, bakit pa kailangan ng paglunok ng laway?"

"Ewan ko, bigla akong kinabahan nung maramdaman ko ang paglapit ng lips mo eh."

"Wag mo kasing titigan ang lips ko, sa mata ka tumingin brad."

"Hindi ko nga mapigilan."

"Sige game isa pa."

"Ikaw parin o ako na?"

"Teka nga, bakit ba natin pinaplano?" Natatawang sambit ni Julie. "Ang awkward tuloy."

"Game na talaga."

Humiwalay si Julie kay Elmo. "Ayoko na."

"Dali na."

"Ayoko na nga." Kinuha niya ang kanyang bag na nakasabit sa braso ni Elmo para mailapag niya iyon sa kama. "Halika sa bubong?" She offered her hand to him.

"Sa bubong niyo?"

She nodded. "Ano gusto mo ba?"

"Ayoko dun, dito nalang tayo." Nang mahila niyang muli si Julie ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Hinalikan niya ito kaagad kaya naman hindi na nakapalag pa si Julie sa ginawa niyang iyon.

Paunti-unting lumalim ang halik nila sa isa't isa hanggang sa bahagya ng naitaas ni Elmo ang damit na suot ni Julie. Nang maramdaman niya na ang pagganti ni Julie sa mga ginagawa niya ay kaagad niya ng inihiga ito sa kamang nasa tabi nila.

"Aww."

Napatigil ang paghalik ni Elmo kay Julie ng marinig niya itong magsalita. Kaagad siyang nagpagaan ng katawan dahil baka nabibigatan si Julie sa kanya. "May problema ba?"

Napakunot ng noo si Julie ng may maramdaman ulit siya. "Papag kasi 'to, walang foam. Medyo masakit yung bagsak ko."

"Oo nga pala." Mabilis na humiwalay si Elmo kay Julie upang maalalayan niya ito sa pagtayo. "I'm sorry Julie."

"Okay lang." She said while she was blushing. "Sorry din."

"Hindi mo na kailangang magsorry." He smiled. "Sundin nalang natin yung suggestion mo kanina."

"Stargazing tayo sa bubong namin?"

Hinawakan niya ng mahigpit ang bewang ni Julie gamit ang kanan niyang kamay sabay halik sa noo nito. "Kahit saan naman okay ako basta magkasama tayo."

"Kahit sa outerspace?" pabirong sambit ni Julie.

"Kahit sa mundo pa ng lahi ni Restituto, willing akong samahan ka."

"Mean ka." And then she laughed.

***

Ilang minuto ng tahimik sila Julie at Elmo habang pinagmamasdan nila ang mga bituin sa langit na mas pinapaganda pa ng liwanag na nagmumula sa buwan.

Ginawang unan ni Elmo ang kaliwang kamay niya habang ang kanang kamay naman niya ay nakahawak sa balikat ni Julie habang nakahiga naman ito sa kanang braso niya. Kahit na mayroon silang naaamoy na kalawang na nagmumula yerong kinahihigaan nila ay nangingibabaw parin ang maaliwalas na simoy ng hangin na dumadampi sa mga balat nila.

"Moe?"

"Hmm?"

"Salamat kanina ha?"

"Para saan naman?"

"Sa pagtatanggol mo sakin at sa nanay ko kay Restituto."

"Sus wala yun." Hinaplos niya ang braso ni Julie. "Mahal kita eh."

"Mahal din naman kita."

Biglang napatingin si Elmo kay Julie ng marinig niya iyon. "Anong sabi mo?"

"Hindi mo narinig?"

"Narinig pero gusto ko lang ulitin mo kasi baka mali yung pagkakarinig ko."

Napangiti si Julie habang pinagmamasdan niya ang mga mata ni Elmo na dinaig pa ang kinang ng mga bituin sa langit. "Ang sabi ko, mahal din kita Elmo Magalona."

"Talagang-talaga?"

Dumapa ng bahagya si Julie sabay patong ng baba niya sa kanyang kanang kamay na nasa dibdib ni Elmo. "Seryoso na." And then she kissed him tenderly under the fascinating glimmer of the night sky.

To be continued...

My Groom, My BrideWhere stories live. Discover now