28: VENTURE'S MARK

Start from the beginning
                                    

"Ginugulo ka pa rin ba ni Nicole?" tanong nito sa akin, dahil halos magkalapit lang kami kaya naamoy ko ang pabango at hininga niya. Hindi ko alam kung hihinga ako sa ginagawa niya.

"Pu-pwede ba? Ilayo mo 'yung mukha mo sa akin?!" pero hindi niya iyon ginawa. "Hi-hindi, w-walang ginawa si Nicole kaya please lang ilayo muna 'yung mukha mo."

Ngumiti muna siya bago niya iyon ginawa. Nakita ko sa paligid na pinagtitinginan na naman kami ng mga estudyante. "Araso, I think alam ko na kung saan mo iyan nakuha." Hindi naman iyon kataka-taka dahil isa rin naman siya sa mga nagbabalak makuha ang medalyon. I mean, kutob ko lang naman dahil kahit magkaiba sila ng pag-uugali ng mga kapatid niya --- still nasa Dunstan pa rin siya. "See you later Elyon." Iyon lang at tuluyan na siyang umalis.

"Ely..." alam kong tinatawag ako ni Rune subalit hindi ko alam kung paano magre-react. "Ely woi!"

"ANO?" medyo tumaas ang boses ko, kaya pinagtinginan na naman kami ng mga estudyante.

"Ayos ka lang? Para kasing hindi ka na huminga kanina eh." Medyo ilag ang itsura ni Rune pero hindi ko na siya pinansin at agad na rin akong pumasok sa room namin.

Pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko marahil dahil sa mukha ko. Paano ba naman kasi ang haba ng sugat na nagawa ni Master Hagiza sa mukha ko kaya 'yung gauze ay lumampas pa kung saan hindi sakop ng maskara ko. Ang walang hiyang matandang yun! Matindi ata ang galit sa mukha ko dahil madalas niya itong puntiryahin.

Tapatingin ako sa kalapit kong upuan. Si Carlisle, natutulog na naman siya pero madalas ko na siyang iwasan simula noong ingkwentrong iyon. Teka, kung may kakaiba sa kanya baka... Baka pati ang mga kaibigan niya ay--- hindi, hindi naman siguro. Sana.

Hindi ko namalayan na napapatitig na naman pala ako kay Carlisle pero bigla namang umentra itong si Dexter. "Ely, anong nagyari sa'yo?"

Nairolyo ko na lang ang mata ko dahil sa lalaking ito. Tumingin ako sa labas dahil ayokong munang mabanas ngayon sa pagmumuka niya. Tumunog ang bell hudyat na mag-uumpisa na ang klase kaya agad namang bumalik sa pwesto itong si Dexter.

Isang bagay lang ang hindi mawawala sa routine ko sa loob ng classroom na ito. Iyon ay ang sipain ang upuan ni Carlisle kahit pa naiilang ako sa kanya at sapalagay ko sanay na rin siya sa ginagawa ko.

Mabilis lumipas ang oras at agad natapos ang kalahating araw.

Kasalukuyan akong naglalakad upang magtungo sa canteen nang biglang sumulpot sa harapan ko si Dick. "W-wonhaneunge m-mwoya?"  hinatak nito ang aking kamay pero pilit kong hinahatak iyon kayalang masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya hanggang sa makarating kami sa music room.

Mataman lamang akong nakatingin sa kanya.

Meow.

Mula sa isang upuan ay lumabas ang isang itim na pusa na may medyas na puro bitwin ang design at dagli itong pumunta sa akin kaya naman agad ko rin siyang binuhat. "Mun." Binalik ko ang tingin kay Dick.

"Hanggang dito sa school ay sinusundan ako ni Mun. Ang totoo kahit saan ako magpunta ay palagi lamang siyang nakasunod."

"Hindi ba siya nakakaabala sa'yo?" tanong ko kay Dick pero nagkibit balikat lamang siya. Muli kong hinimas ang balahibo ni Mun. Ang lambot.

Nakarinig ako ng tawa kaya muli ko na namang binalik ng tingin sa binatang kaharap ko ngayon. "Pa-pasensya ka na. May naalala kasi ako sayo eh." Sandali lamang siyang tumahik at muling ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Nagtataka lang ako kasi hindi ko na siya muling nakita. Sana pala tinanong ko rin ang apelyido niya para naman mahanap ko kung dito nga talaga siya nag-aaral."

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now