27: TRAINING: DAGGER

Magsimula sa umpisa
                                    

Inabot ko sa kanya ang mga sobrang pagkaing nakuha ko kanina. Nahiya na akong ibalik kaya binili ko na lang lahat. Isang malapad na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. "Ang sweet naman ni Elyon babes."

"Sobra lang 'yan sa binili ko." Iyon lang at nagpatuloy na ako sa pagkain.

"Nahiya ka pa Elyon Babes, okay lang naman sa'kin kahit hindi mo sabihin."

Pinagsasabi nito? Bangag pa ba siya sa ginawa niya kanina? Binawi ko ang mga pagkaing binigay ko sa kanya dahil naiirita ako sa pinagsasasabi niya.

"Teka, teka... Ito naman hindi na mabiro." Akma na sana niyang kukunin muli ang pagkain nang lumapit sa amin ang babae kanina na na-bully noong tatlong mukhang espasol ang mukha.

Straight na mahaba ang buhok, May dalawang color ang kanyang buhok, brown sa ibaba at black naman sa bandang bunbunan, Morena, Halos kasing tangkad ko lang kung tutuusin, pero tila wala namang emosyon ang muha, at higit sa lahat? Tinatayuan ako ng balahibo sa kanya. Teka, itong pakiramdam na 'to.

"T-tha-nk yo-u." Pahinto-hinto siyang magsalita kaya parang hindi namin siya maintindihan.

Mukhang naunawaan niya ang expression ng mukha namin kaya kinuha niya sa bulsa ng blazer ang mobile phone at nag-type roon.

Matapos ang ilang minuto ay inabot niya kay Alexander ang kanyang phone. Nang mabasa nito ay agad nag-iba ang expression ng mukha niya. "Basta ikaw... Malakas ka sakin eh." Tugon nito sa babae.

Yumuko siya kay Alexander at tumalikod na rin upang lisanin ang canteen.

"Ang weird niya." Sabi ni Rune.

Nagsalita ang hindi wirdo. Tiningnan ko ang pintuan ng canteen kung saan lumabas ang babaeng tinulungan ni Alexander. "Are you alright Elyon?" napatingin naman ako kay Reggie. Tumango lang ako at tinapos ang pagkain.

Natapos ang boong araw ko sa school at agad ko na rin sana itong lilisanin. Paglabas ko nang building ng grade 10 ay naagaw ng atensyon ko ang babae na tinulungan ni Alexander kanina. Hindi ko alam kung bakit kada makikita ko siya tinatayuan talaga ako ng balahibo.

Bukod sa dala niyang bag ay may isa pa siyang bitbit na parang flute? Hindi ako sigurado.

Umiling ako upang magbalik sa katinuan. Kung titingnan mo siya para lang naman siyang ordinaryong estudyante pero bakit parang may kakaiba akong nararamdaman sa kanya? O baka akala ko lang iyon? Shems, kung ano-ano nang naiisip ko. dala lang siguro ng pagka-pressure dahil malapit na ang paligsahan. Tama, baka iyon nga?!

Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako paradahan ng bisikleta. Naabutan ko pa si Carlisle na tinatanggal ang lock sa kanyang bisekleta. Hindi ko siya pinansin at nagdiretsyo lamang ako sa pagkuha ng aking bike at umalis na.

Nang tuluyan akong makalabas ay nakita ko si Rune, tatawagin ko sana siya subalit hindi ko na naituloy dahil papalapit siya sa lalaking madalas nakatambay sa labas ng academy. May boyfriend ba si Rune? Siya ba 'yung palaging inaantay n'ung lalaking 'yun? Nang tingnan ko ang lalaki ay nakatingin na naman siya sa akin. Nasanay na ako sa kanya, siguro dahil nawiwirduhan siya sa akin. Muli kong iniwas ang tingin sa lalaki at nilampasan na lamang sila. 




Nakarating ako sa bahay ni Master Hagiza.

"Master!" tawag ko sa kanya subalit wala akong narinig na kahit na anong ingay. "Nasan na naman kaya siya?" nagtungo muna akong comfort room upang makapagpalit ng damit pero pagkalabas ko wala pa rin ang matandang hukluban. Nagtungo ako kung saan ako tinuruan ni Master Hagiza, nagbabakasakaling naandun siya pero wala pa rin akong nakikitang Master sa paligid.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon