25: EMOTION BEHIND THE MASK

Start from the beginning
                                    

Hindi ko alam ang reaction niya dahil madilim ang paligid at wala rin naman akong pakelam dahil mas napagtuunan ko ngayon ang emosyon ko. Dala na rin siguro ng pagod kung bakit naging emosyonal ako. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nasa ganoong kalagayan at hindi rin naman nagsasalita si Master Luis.

Nang wala na akong maiyak ay saka ako tumayo at nagyaya ng umuwi.

Bago kami makarating sa bahay ay bigla na lamang siyang nagsalita. "Nagkaron ka ng mga kaibigan at nag-improve ka sa training, hindi ka man umabot kahit sa top 10 lang ay hindi ka naman nauwi sa 20 pataas." Napatingin ako sa kanya na kasalukuyan nang nauna sa akin dahil napahinto pa ako. "Pero hindi ibigsabihin n'un ay okay na sa akin iyon. Ang gusto ko lang ipunto ay nagkaroon ng pagbabago sa pagsisikap mo, unti-unti nagbabago ang mundong akala mo hanggang doon lang ang bigay sa iyo." Umakyat na siya sa karwahe pero hindi pa man siya tuluyang nakapasok ay nagkaroon pa siya ng pahabol. "Ngapala, ayos lang magkaroon ka ng mga kaibigan pero mag-iingat ka pa rin sa mga kaiibiganin mo, at pagbutihan mo pa ang training dahil malapit na ang taglamig---gusto ko lang makasiguro na sayo mapupunta ang medalyon." Iyon lang at tuluyan na siyang pumasok sa karwahe. Tatalikod na sana ako pero bigla na namang may nagsalita sa likuran ko kaya nilingon ko siya. Grabe, ang dami namang pahabol nito. "Isa pa pala, okay na rin ako sa ranking mo pero mas mabuti kung nasa top 10 ka man lang."

"Tsk. May sasabihin ka pa ba?"

Imbis na sagutin ay tuluyan na nga niyang ipinasok ang kanyang ulo sa karwahe at nilisan na ang aming lugar.

Pagpasok ko sa kuwarto ay bumulaga sa akin ang isang cocktail dress na black and white at black ankle boots na halos three or four inches ata ang taas. Nagtungo ako sa higaan dahil napukaw ang atensyon ko sa isang puting box at nang silipin ko iyon isang kulay puting maskara na napapalamutian ng glitters pala ang nakalagay. Mukhang alam niya kung anong kulay ang gusto ko sa damit.






SOMEONE'S POV

"Thank you Ma'am and Sir please come again." Yumuko ako sa mga customers na papalabas na ng pintuan. Tumingin ako sa wall clock at halos mag-a-alas onse na ng hating gabi at kakaunti na lamang din ang mga customer ko. "Ikaw na munang bahala rito sa labas Frigelle at may aasikasuhin lang ako sa loob."

Tumango lamang ang aking part timer, "Sige po Sir."

Pumasok ako sa loob ng aking kwarto upang tapusin ang aking research sa isang unit o subject.

Nakaramdam ako ng kakaibang presensya na pumasok sa aking kwarto at isang tao lamang ang gagawa noon. Hindi ako nagsalita o lumingon man lang sa kanya.

"Nakakatamad naman." Reklamo nito sa akin. "Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa nakikita ko sa'yo."

"Kamusta ang pinapagawa ko sa'yo?"

"Okay naman, maayos naman siya." Walang gana niyang sagot.

"Good. Pagbutihan mo lang at dadagdagan ko ang allowance mo." Akala ko aalis na siya pero tuluyan na siyang lumapit sa akin. "Nakita ka ba ni Frigelle?"

"Sa bintana ako dumaan." Palagi na lang siyang ganyan. Buti na lang at nagkasya siya sa bintana. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang magpakita sa staff ko gayong nasa iisang school lang naman sila. Ayaw niyang makipag kaibigan sa mga kapwa niya estudyante. Kung hindi pa ako humingi ng pabor hindi siya magkakaroon ng isa.

"Ano bang plano mo? Bakit kasi hindi ka na lang magpakilala? At bakit kailangan mo pang mag-aral ulit? Eh hindi mo naman na ito kailangan?"

"Ang dami mo na namang tanong." Tiningnan ko siya at pinagmasdan ang kanyang pulang mata. "Himala hindi mo ata sinuot ang contact lenses mo?"

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now