2: FIRST DAY OF SCHOOL

Start from the beginning
                                    

"Kasection pala natin siya."

"Siya pala yung sinasabi nila."

"Bakit kaya siya nakamaskara?"

Iyan ang mga bulungan nila. Kung bulungan nga talaga. Dinig ko eh. Umupo ako sa may bandang dulo na katabi ng bintana.

Pagbaba ko ng gamit ay nagtalumbaba ako at pinagmasdan ang view sa labas pero sadyang matalas ang tenga ko kaya naririnig ko pa rin ang bulungan nila. Badtrip.

Kukunin ko na sana ang headset ko ng mapansin ang lalaking nakatungo sa sarili niyang desk. Puyat lang?

Nang makapa ang headset sa bag ko ay sakto naman ang dating nang aming teacher sa Math. Umayos agad ng upo ang mga kaklase ko para sa pag-uumpisa ng klase.

Halos ready na ang lahat maliban sa isa. Tsk, wala bang balak gumising ang isang 'to?

Inilibot ng mga mata ni Sir Ilagan ang boong klase at nahinto siya sa akin. "Alam kong alam niyo na may bago kayong kaklase. Please come here Ms. Yu, kindly introduce yourself."

Tumayo ako at naglakad sa harapan. Samantalang sinusundan lang ako nang tingin ng mga kaklase ko. "Ahnnyonghaseyo, nae ileum-eun Elyon Yu. Jebal jalhaejuseyo." Yumuko ako sa harap nila kahit na labag sa loob ko mapanindigan lang ang pagpapanggap ko.

May nagtaas ng kamay na isa sa mga kaklase ko. "Bakit ka naka maskara?"

Pipigilan sana ng teacher ko ang lalaking nagtanong pero sinenyasan ko siya na ayos lang. "Dahil gusto ko. Wala naman sigurong pinagbabawal ang school na magsuot ng maskara tama? Kaya kung gusto mo magsuot ka na rin para magmukha ka ring timang kagaya ko." Nag-umpisang magkaroon ng bubuyog sa room dahil sa mga bulungan nila. Wala akong paki-alam kung sarkastiko ako magsalita. Mas maigi iyon para walang dumikit sa akin.

May nagtaas muli ng kamay. Hindi ba nakukuntento ang mga 'to? "What's your family background?"

"Pass." 'Yun lang ang sinabi ko pero mukhang ayaw nilang magpatalo. "Kung gusto niyong malaman pumunta kayo sa registrar office hingin niyo ang information ko."

May nagtaas na naman ng kamay. "Anong hobbies mo?"

"Lahat ng may kinalaman sa art and music," sagot ko.

May magtataas pa sana ulit pero tinapos ko na sa; "Kung wala na kayong tanong uupo na ako. Kamsahamnida." Yumuko ako at dumiretsyo sa upuan. Dismayado naman ang mga kaklase ko.

Nag-attendance muna ang teacher namin. Nagsisitaasan ng kamay ang bawat mabanggit ang pangalan. "Carlisle Montefalco."

Wala akong nakitang nagtaas ng kamay kaya napakunot ang noo ni Sir Ilagan "Carlisle Montefalco!" Wala pa ring nagtataas ng kamay. Napansin ko na lang ang mga kaklase ko na nakatingin sa iisang direksyon. Huwag nilang sabihin ito 'yung Carlisle?

Tumingin ako sa itsura ni Sir Ilagan. Ang asim na ng mukha niya dahil sa lalaking hindi matinag tinag sa pagtulog. Ang lalim na siguro ng tulog ng kumag.

Bumuwelo ako ng kaunti para maabot ng paa ko 'yung table niya saka ko sinipa ng pagkalakas lakas. Naalimpungatan ang kumag at hinanap kung sino ang umistorbo sa kanya. Napatingin siya sa akin.

"Tawag ka ni Sir." Sinenyas ko na tumingin siya sa harap.

Kahit nakakunot ang noo ay nagawa pa rin niyang itaas ang kamay habang nakatingin sa akin ng masama. Hindi ko na lang siya inintindi.

Sa loob ng dalawang oras mabilis natapos ang dalawang subjects. Tumunog ang bell kaya nagsitayuan na ang mga kaklase ko samantalang itong isa balik sa pagtungo. Lumabas na rin ako ng classroom at dumiretsyo sa locker area para ilagay ang ilang mga gamit ko.

The Cold Mask And The Four Elements (Book 1)Where stories live. Discover now