"Grabe naman yan, napastrikto."

"Dalawang late lang tanggal na agad!".

"Di tulad ni sir Reyes maiintindihin, pero si Sir villanclara mukhang walang pasensya, at tulad ng sabi niya wala syang pakialam kung wala man tayong kotse o wala tayong masakyan."

"Mukha nga, pero okay lang, kung ganoon kagwapo ang makikita ko naman araw-araw."

"Haay Oo nga sinabi mo pa. Ang gwapo niya at ang hot niya...may girlfriend na kaya yun? Sana wala pa hihi.." Kanya-kanya silang opinyon bago puwesto sa kani-kanilang cubicle.

Ako naman ay pumunta na sa table ko. Nang makita ko sya kanina ay biglang dumagundong ang tibok ng puso ko. At kahit ngayon ay hindi pa rin iyon mawala-wala. Nilalamig din ang mga kamay ko. Nag aalangan ako kung papasok ako o hindi. Dahil sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang iiakto ko sa harap niya.

Napatalon ako nang biglang tumunog ang intercom sa mesa ko.
"Beth please come in." Boses yun ni sir Reyes. Huminga muna ako at inayos ang sarili ko, pero bago pumasok ay nagtimpla muna ako ng kape para sa dalawa at binitbit ang scheduler tulad ng nakagawian.

Huminga muna ako at inihanda ang sarili ko. Nang handa na ay kumatok na ako. Pagkatapos ng tatlong katok ay dahan dahan kong binuksan ang pinto.

Si sir Reyes ang bumungad sa akin sa akin. Nginitiian ko siya at binati. At saka inilibot ko ang paningin sa loob.

Nakita ko si Clark na nakaupo sa dating pwesto ni Sir Reyes. I mentally gulped when I saw him looking at me intensely. His eyes were piercing ice. Cold and void of emotions. Ako ang unang bumawi ng tingin nang hindi ko makayanan ang bigat ng tingin niya sa akin.

Nangingining kong ipinatong ang tray ng dalawang tasa ng kape sa mesa niya. Agad kong hinarap si sir Reyes nang hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay pakiramdam ko nakatingin pa rin sya sa akin.

Buti na lang ngumiti si sir Reyes at medyo nakalma ako.

"Let me introduce the both of you to each other. Beth this is Mr. Clark Villanclara the new owner and CEO of this company. And Mr. Clark this is my very effective and trusted secretary Ms. Bethany Lopez. "

Kahit ayaw ko, kailangan kong harapin sya. Like earlier,his face did not change, it was still cold and stoic, ganun pa man ay binati ko sya. "Good morning, sir. "

The Billionaire's Revenge   (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon