Kabanata 26

1.7K 38 0
                                    

Kabanata 26

Baka Sakali

Nang nasa tapat na kami ng gate ay tinigil niya ang sasakyan. Lumingon siya sakin gamit ang malungkot niyang mga mata.

Ngumiti ako. "Jacob, thank you for this night" saka ako umiwas ng tingin at bubuksan na sana ang pinto ng kotse niya nang magsalita siya. Kaya tumigil ako.

"No, Hailey. I should be the one to thank you for this night. Kahit ilang oras lang, nakasama kita" tinitigan niya ako kaya napakurap ako.

"Anytime, Jacob" ngumiti ako sa kanya.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin saka bumulong sa tainga ko. "Maghihintay ako hanggang sa pwede na"

Parang may kumirot sa puso ko. He's still willing to fight. To own me.

"Huwag kang mag-alala, kapag iniwan ka na niya ng tuluyan sakin ka babagsak" yung tono ng boses niya ay buo na may halong pagasa.

"Sige Jacob. Thank you ulit. Pasok na ako sa loob" naiilang kong sabi.

"Goodnight, Hailey" aniya sabay halik sa pisngi ko.

Binuksan ko na yung pinto saka lumabas ng mabilis. Tumigil ako sa tapat ng gate. Binuksan niya yung bintana ng kotse niya.

Kumaway na lamang ako. Ngumiti siya at sinara ulit ang bintana saka pinaandar ang kotse.

I was about to get inside when someone called me.

"Hailey..."

Napatigil ako. Naiiyak na naman ako.

"Please? Let me explain first" aniya sa nagmamakaawang tono.

May part na gusto kong makinig pero may part din na ayoko. Ayoko makinig dahil baka pag narinig ko ang paliwanag niya bumigay na naman ako. Ayoko makinig kasi manlalambot na naman ako sa kanya.

"Kahit ngayon lang. Just give me 15 minutes to explain. And then I'll leave" aniya.

"H-hindi. Hindi na Zane"

Kinagat ko yung labi ko saka tumingala. Nanginginig ang boses ko.

"Just 15 minutes and I'll leave. Please?" Aniya saka ako niyakap mula sa likuran. Idiniin niya ang ulo niya sa balikat ko. Mahigpit ang yakap niya. "Please?"

Walang hiyang mga luha! Tuluyan na ngang umagos. Napahagulgol ako saka ko siya hinarap.

"Zane! Pwede ba? Ayoko na! Niloloko mo lang ako! Gusto mo ko diba? Pero bakit ganun ka sa ibang babae?!" Galit kong utas sa kanya.

"Hailey-" pinutol ko siya.

"Di mo alam kung gaano kasakit makita yun! Yung paghawak mo sa baywang niya? Iniisip ko sana ako yun. Dapat ako yun!" Sabi ko sabay punas sa tumulong luha.

Nalaglag ang panga niya at kumunot ang noo.

"Hindi mo alam yun kasi wala ka sa sitwasyon ko. Try mong lumugar baka sakaling maramdamam mo yung sakit!"

"Hailey? Pakinggan mo muna a-"

"Ngayon nandito ka. Para saan? Bakit? Sawa ka na? Kaya ako naman?" Nahihiya na ako dahil ganito pinagsasabi ko. Pero nandito na e. Hindi na ako aatras. "Zane naman e! Ang hirap magselos! Kasi hindi tayo. Kasi walang namamagitan satin. Kasi wala akong karapatan! Ang hirap makita yun! Ayoko sanang magselos pero wala akong magawa kasi gusto kita! Narinig mo? Gusto kita! Gustong gusto!" Sabi ko habang hinahampas ang dibdib niya.

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko saka binaba. "Gusto mo ako?" Mahinang tanong niya.

"Oo! Gusto kita! Pero wala akong karapatang umarte ng ganito kasi walang tayo-"

Into You (Madrigal Cousins Series 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن