Kabanata 28

1.6K 40 0
                                    

Kabanata 28

Fall In Love With Me

Matapos kumain ay nagyayang magmall si Hez. Aniya'y maga-arcade daw kami. Paniguradong nasa bahay na sina Mommy. Nakapagpaalam naman na ako na nanood kami sa praktis ni Zane. Ngayon ay magpapaalam ulit ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Mommy.

"Hello, mom" bati ko.

"Oh, Hailey. Kamusta kayo diyan? Di pa ba tapos?" Tanong niya.

"Tapos na po. Nakapagdinner na rin po kami sa isang resto" sagot ko.

Napatingin sakin sa rear mirror si Zane. Umiwas ako.

"Kung ganoon, nasaan na kayo? Pauwi na ba kayo?" Ani mommy.

"Nasa sasakyan po ni Zane. Pupunta po kami sa mall" sabi ko.

"Oh? Gagala kayo?" Gulat na tanong ni Mommy.

"Nagyaya po kasing mag-arcade si Hez. Aniya ay maglalaro daw sila ng basketball" paliwanag ko kaya napalingon sakin si Hez.

"Can I talk to Mom?" He asked.

Tumango ako. "Kausapin ka daw po ni Hez" sabay abot ko ng cellphone kay Hez.

"Hello, Mommy!" Masayang sabi ni Hez.

Sumandal na lamang ako sa upuan at dumungaw sa bintana. Hinayaan kong mag-usap si Hez tsaka si Mommy.

"Pumayag si tita?" Ani Zane habang seryosong nagmamaneho.

"I don't know. But I'm sure papayag yun. Request ni Hez yun e" sagot ko habang nakatingin sa kanya.

Kahit ang seryoso niya tignan, nakakabaliw din pala. Bakit ba ang gwapo nito?

Humalakhak siya kaya nagulat ako. "Pinagnanasahan mo ba ako?"

Lumapit ako sa kanya saka siya binatukan. "Kapal ng mukha mo!" Umirap ako.

"Aray! Wag ka ngang magulo! Baka mabangga tayo" aniya at ininda ang sakit sa ulo. Masyado yatang napalakas.

"Yeah" sarkastikong sabi ko.

Binalik na sakin ni Hez yung cellphone ko kaya itinago ko na agad sa bag ko.

"Mom agreed. Yes!" Tuwang tuwa si Hez.

"Talaga?" Manghang sabi naman ni Zane.

"Opo kuya. Basketball tayo ah?" Aya ni Hez.

"Oo naman" tawa niya.

Nang makarating kami ay diretso agad sila sa arcade. Nagpapalit sila ng maraming token at sagot yun lahat ni Zane.

Nandoon lamang ako sa gilid, nanonood habang nagkakatuwaan sila sa mga laro.

Bakit pa ako sumama e tutunganga lang pala ako dito?

"Doon ulit tayo sa basketball!" Pag-aaya ni Hez sabay hila kay Zane.

Tamad akong sumunod sa kanila. Nakakainis lang!

Sa sobrang inis ko sa kanila ay nagpaalam ako. "Dun lang ako. May titignan lang" sabay turo ko sa ibang mga naglalaro.

Tumango lamang si Zane at nagpatuloy sa kanilang ginagawa. Kita mo? Napakagentleman talaga no? Umirap na lang ako saka dumiretso sa isang game machine. Naglalaro yung mga bata doon. Yung teddy bear ay kinukuha nila gamit yung bakal na pang-ipit. Nang matapos sila ay nagsialisan sila. Nagpapalit ako ng ilang token saka ako bumalik doon. This time ako naman mag-eenjoy.

Naghulog ako ng isang token saka nagsimulang magcontrol. Kaso sa unang try ay wala akong nakuha. Kumuha ulit ako pero nabigo pa rin. Hanggang sa naubos ko na yung token ay wala pa din akong nakuha. Damn! Ang hirap naman nito!

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now