Kabanata 27

1.7K 44 1
                                    

Kabanata 27

Nababaliw

"Ate, mabait naman pala si Kuya Zane. Ang galing pa magbasketball" puri ng kapatid ko.

"So? Okay na kayo? Di ka na naiinis sa kanya?" Tanong ko.

"Hindi na. I thought he's bad, at first. Pero nakilala ko mabait pala" nagpout siya habang diretso ang tingin sa court kung saan naglalaro si Zane.

Sinabi niya kay Hez na may praktis daw sila ng team niya. Ayun at inaya ako ng magaling kong kapatid na manood daw kami. Nung una sabi ko ayoko. Tapos pinilit naman ako ni Zane. Of course papayag ako. Baka mamaya, may lumandi na naman sa kanya.

"Whooo! Ang galing mo kuya!" Sigaw ni Hez sabay palakpak.

Nandito kami sa bleachers, pinapanood magpraktis si Zane. Kaunti lang ang tao dahil praktis lang naman. Pero karamihan sa mga nanonood ay babae.

Napatingin sa side namin si Zane saka tumakbo palapit samin. Nakipag-apir siya kay Hez na tuwang tuwa sa kanya.

"Turuan mo ko kuya Zane ah?" Ani Hez.

"Oo naman. Ikaw pa" aniya sabay gulo sa buhok nito.

Tumutulo na ang pawis niya mula ulo hanggang leeg. Pero mukhang wala naman sa kanya yun kaya di niya pinupunasan. Nagiwas na lang ako ng tingin.

"Baby, di mo ba ako iccheer man lang?" Malambing niyang bulong sa tainga ko.

Tinulak ko yung dibdib niya dahil nahihiya ako sa sobrang lapit niya sakin. Halos lahat ng babae nakatingin sa side namin.

"Ewan ko sayo!" Sabay irap ko.

"Meron ka ba ngayon?" Tanong niya.

"Tigilan mo nga ako!" Inis kong sabi sabay bato ko ng bimpo'ng dala ko sa kanya.

Agad naman niyang nasalo ito at humalakhak siya. "What?"

"Magpunas ka nga ng pawis! Nakakadiri ka!" Iritado kong sabi.

"Bakit ka mandidiri? Ang hot ko kaya tignan" aniya sabay hawi sa buhok niyang mamasa-masa sa pawis.

"Hambog!" Sabi ko sabay irap.

"Hala! Tignan niyo oh! Ang sweet nila"

"Bagay sila... My god!"

"Gusto ko ng ganyang boyfriend"

Narinig ko ang paguusap ng ilang mga kaedad namin sa kalapit na nanonood.

"Ate, wag mo naman awayin si Kuya Zane" saway ni Hez.

"Kaya nga naman. Lagi na lang ako inaaway ng ate mong napakaganda" halakhak niya sabay pout.

"Mukha mo!" Iritadong sabi ko.

"Gwapo" aniya sabay kindat.

"Bumalik ka na nga lang dun! Kulit mo e" sabay tulak ko sa kanya.

"Sige" aniya sabay halik sa ulo ko at tumakbo na sa gitna ng court.

Nagtilian ang mga kababaihan sa gilid namin.

"Jusko lang! Ang sweet!"

"Gwapo ng boyfriend ni ate"

"Kyaaaa! Isang katulad nga ni kuyang hot!"

Marami pa silang sinabi kaso sa sobrang ingay at sabay-sabay silang magsalita, yung iba di ko na maintindihan.

"Ate, sabi mo di mo siya boyfriend. Why did he kissed you?" Tanong naman ni Hez.

Patay ako nito! Bwiset! Ngayon ko lang naalala na kasama ko pala si Hez. Walang preno pa naman ang bibig nito.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now