Kabanata 13

2.1K 49 14
                                    

Kabanata 13

Overacting Brother

Natutulog ako nang makarinig ako ng mahinang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Dahil sabado ngayon at inaantok pa ako ay hindi ko iyon pinansin. Baka si Hez lang yun.

Napapikit ako nang mariin nang may tumamang umilaw sa mukha ko. Nakapikit pa rin ako at natutulog.

"Wake up, sleepyhead!" Bulong niya sa aking tainga.

Unti-unti kong binuksan ang mata ko para lingunin ang kung sino man iyon. Napabangon kaagad ako nang mapansing si Zane iyon. Dammit! Bakit siya nandito?

"Mukhang napasarap tulog mo ah" Umangat ang kanyang labi sa pagkasabi niyang iyon.

"Bakit nandito ka?! Anong ginagawa mo dito?!" Medyo pasigaw kong sabi.

"Wait! Chill" humalakhak siya.

"Lumabas ka na! Sinong may sabing pumasok ka na lang bigla dito sa kwarto na to?" Inis kong sabi.

"Brush your teeth first. Ang baho ng hininga mo" aniya at tumawa nang pagkalakas-lakas.

Namula ako sa sinabi niya. Shit Hailey! Tanga ka talaga! Kita mong may kausap ka, di ka muna nagtoothbrush! Mahiya ka naman.

"Letse ka! Sagutin mo muna yung tanong ko" Tumayo na ako at niligpit ang aking kama.

"Joke lang. Ano ba tanong mo?" Sumeryoso na siya at umupo sa dulo ng kama ko.

"Pano ka nakapasok dito? Sino nagpapasok sayo?" Sabi ko at dumiretso sa cr ko para magtoothbrush at maghilamos.

"Your mom and dad" simple niyang sabi.

Naibuga ko ang toothpaste nang sinabi niya iyon. "What?!" Gulat kong tanong.

"You heard me" medyo umirap siya nang kaunti.

Kumunot ang noo ko at naguguluhan.

"P-paanong? Huh?" Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

Pinapasok siya ni mommy at dad? Paano yun? Hindi siya kilala nina dad. Hindi ko talaga gets.

Hinawakan niya ang pulso ko at hinila ako. "Tara na. Kanina ka pa hinihintay ng mommy mo"

Kahit naguguluhan pa ako ay nagpatianod ako sa hila niya.

"Bakit ka ba kasi nandito?" Tanong ko habang bumababa ng hagdan.

Nang makababa kami ay tinignan ako ni mommy.

"Oh, gising ka na pala. Kanina ka pa namin hinihintay magising. Ayaw rin naman naming istorbohin yung tulog mo kaya naghintay kami..." Tumigil saglit si mommy para kunin ang plato. "... Ayun buti na lang nagpunta dito si Zane. Papakilala sana kita ngayon pero sinabi sakin ni Zane na magkaklase pala kayo" kwento ni mommy.

"Eh, oo nga po e" I awkwardly said. Tumingin si mommy sa kamay namin ni Zane. Agad kong tinabig ang kamay niya sa hiyang naramdaman ko.

"Tinanong rin niya kung nasaan ka. Sabi ko natutulog pa. He insisted na siya na ang gumising sayo kaya pumayag kami ng dad mo" Mommy said habang ako naman ay umuupo na.

Sumunod na rin si Zane at tumabi sakin. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala. So, kilala ni mommy si Zane? Even dad?

"Oh kumain na kayo" pag-aalok ni dad.

"Tita, uwi na po ako" ani Zane at tumayo. "Napapunta lang naman po ako dito para kamustahin kayo pati si Hailey"

"No. Dito ka na magbreakfast" ani Mommy sabay hila kay Zane at muling pinaupo.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now