Kabanata 39

1.8K 41 1
                                    

Kabanata 39

Batangas

"Come on, Hailey! Hinay hinay lang!" Pasigaw na sabi sakin ni Abby.

Pumikit ako saka itinaas ang baso na may lamang alak. "Whoo! Let's party!" Sigaw ko saka sumayaw kahit wala sa dancefloor.

"Tss. Ayaw daw magbar pero ang lakas ng tama" sarcastic niyang sabi saka umiiling na nakaupo.

"Halika Abby! Sayaw tayo!" Pag-aaya ko saka siya hinila papuntang dancefloor. Hindi agad siya nakapalag kaya naman at nadala ko siya agad doon.

Nang nasa gitna na kami at nagsayaw kaagad ako. May sumayaw pa sa likuran ko kaya mas lalo akong naganahan. Sa ngayon gusto ko muna magsaya. Yung walang problemang iniisip. Yung walang pusong nasasaktan. Yung walang matang lumuluha.

Sumayaw na din si Abby kaya tumawa kami pareho. Tumatawa ako pero umiiyak din.

"Mahal pa din kita!" Sigaw ko nang tumigil ako sa pagsasayaw.

Natigilan si Abby kaya tinitigan niya ako. "Huy! Bakit umiiyak ka?"

Binaliwala ko ang tanong niya. "Mahal pa din kita! Alam mo ba yun?!" Mas lumakas ang hikbi ko sa ginawa kong pagsigaw.

"Hailey, umuwi na lang tayo. Tinotopak na naman" saka ako hinawakan sa braso at akmang hihilahin pero tinitigan ko siya gamit ang malungkot na mata.

"Gusto ko lang ipagsigawan sa lahat na mahal ko pa din siya hanggang ngayon. Kahit walang pakialam yung mga nakakarinig. Kahit hindi niya naririnig" kinagat ko yung labi ko at nagbagsakan ulit ang mga luha ko.

Hinayaan niya akong dumito muna kami sa bar. Pero bumalik kami sa pwesto namin. Natahimik ako pero umiiyak pa din.

"Kamusta na ba siya? Ayos lang ba siya? May-"

Ang dami kong gustong itanong pero pinigilan niya ako.

"Wag ka nang magtanong. Sinasaktan mo lang sarili mo" saka nagiwas ng tingin.

"I wanna know. Pati ito ipagkakait mo sakin? Matagal akong nangulila sa kanya. Sa limang taon na hindi namin pagkikita pakiramdam ko bawat segundo, pinapatay ako"

Hindi ako makalunok nang maayos dahil sa nagbabarang sakit sa lalamunan ko.

Hindi siya nagsalita pero mukhang may gusto siyang sabihin. Umiling na lang siya saka nilagok ang alak.

Nagring ang phone niya kaya sinagot niya ito at itinapat sa tainga.

"Hello, babe?" Aniya.

Pumikit ako nang mariin.

"Oo... Uuwi din kaagad... Kasama ko si Hailey... I love you too" saka binaba ang tawag.

Yumuko ako at pinatong ang ulo ko sa magkapatong kong braso.

Buti pa ang isang to, maganda ang takbo ng lovelife.

"Umuwi na tayo. Hinahanap na din ako ni Richard. Ayoko namang pumunta pa yun dito" aniya kaya tumayo siya at mabilisang inayos ang sarili.

Nakayuko pa din ako at hindi sumasagot. Kinalabit niya ako.

"Halika na! Malapit na ding mag11 oh!" Pangungulit niya.

"Dito na lang ako" walang gana kong sabi.

"Ano?! Baliw ka ba? Umuwi na nga tayo!" Aniya kaya hinila na ako palabas ng bar.

Halos pasuray-suray na ang lakad ko dahil umiikot ang paningin ko.

"Nako naman! Sana pala hindi na lang ako nagyaya magbar! Dagdag pahirap ka din e" inis niyang sabi.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon