Kabanata 48

1.8K 31 0
                                    

Kabanata 48

Unpredictable

Matapos naming maligo ay napagpasyahan naming mag-island hopping. Niyaya ko ang ibang kasama namin pero panay ang bulong niya sa tabi ko na kami na lang daw.

"Ang selfish mo!" inis kong sabi. "Mas masaya pag marami tayo"

Nakasunod lang siya sakin habang naglalakad ako sa buhanginan nang nakapaa.

"Hindi yun masaya para sakin" aniya saka sumimangot.

Nilingon ko siya saka kinurot ang kanyang ilong. "Ang cute mo"

Ngumuso siya. "So tayo na?"

Kinunot ko ang noo ko. "Ano?"

"Wala" sabay tawa niya.

Abnormal.

"Isama na kasi natin sila" pagpupumilit ko.

"Ayoko nga sabi" aniya.

"Bahala ka. Sa kanila ako sasama" sabi ko at saka tumakbo papunta sa mga kasamahan namin sa di kalayuan na sumasakay na ng bangka.

"Hailey!" Umalingawngaw ang boses niya sa pagtawag sakin.

Hindi ko siya pinansin at pumunta na lang sa mga kasama namin. Nang makarating ako ay kumaway sakin yung isang lalaki na officemate kong si Julius.

"Hailey!" tawag niya.

"Julius" tawag ko saka ngumiti.

"Island hopping tayo?" aniya saka naglakad palapit sakin.

"Hindi siya pwede" Mariing sambit ng kung sino mang nasa likod ko.

Hindi nga ako nagkamali! Si Zane iyon. Matalim ang tingin niya kay Julius na konti na lang ay masusuntok na niya ito.

"Zane, island hopping lang naman" sabi ko.

Kumunot ang noo ni Julius.

"I said no, Hailey" Ngayon, mas may diin na sa boses niya.

"Bro, gusto naman ata ni Hailey-"

"Huwag mo akong matawag-tawag ng bro kung ayaw mong makatikim ng suntok" ani Zane at nakita kong naghahanda na ang kanyang kamao.

I hold his arm, para kahit papaano ay kumalma siya. "Zane..."

"Huwag mo namang pigilan si Hailey sa gusto niya" ani Julius.

Sumibol ang kaba sa dibdib ko. Natetense ako. Mamaya ay magkagulo pa dito. Sana hindi na lang nagsalita si Julius.

"Tangina! Ano bang pakialam mo kung ayaw ko?! Girlfriend ko siya at may karapatan akong pagbawalan siya sa kahit anong bagay na alam kong mapapahamak siya!"

Nabitawan ko si Zane dahil sa biglaan niyang paglapit kay Julius. Hinawakan niyang maiigi ang damit nito. Hindi ko maipagkakailang mas matangkad si Zane kaya parang madali lang niya itong nagawa.

"Zane!" sigaw ko saka ko siya hinila palayo kay Julius.

"I have no bad intentions at Hailey. Nag-aya lang ako mag-island hopping" paliwanag ni Julius.

"Wala akong tiwala sa pagmumukha mo!" Sabay turo niya kay Julius.

"Zane! Ano ba?!" inis kong sabi.

Umiling na lang si Julius saka ako tinignan.

"I'm sorry, Juls" sambit ko saka ko hinila palayo si Zane.

"Hailey! Sa tingin mo papayag akong sumama ka sa gagong yun?! Paano kung rape-in ka niyan tapos wala ako? Ano na lang mangyayari sayo doon?!" frustrated niyang sabi habang inuunahan ko siya sa paglalakad.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now