Kabanata 49

1.8K 37 0
                                    

Kabanata 49

Date

"Hailey! Come on, wake up! Breakfast is ready!" Ani Mommy at paulit-ulit na kumatok sa kwarto ko.

Bumangon ako saka kinusot ang mata. "Alright Mom!"

Inayos ko ang damit ko saka itinali nang paikot ang mahaba kong buhok. Bumaba ako at natigilan ako sa hagdan nang mahagip ko si Zane sa sofa.

Its 7 am in the morning, for Pete's sake! Anong ginagawa niya dito?

He is wearing a dark blue v-neck shirt and jeans.

"Ayan na pala si Hailey" ani Mommy saka ako kinindatan.

Zane's eyes turned to look at my direction. Pinamulahan ako. We're always together but still I'm not comfortable. Pakiramdam ko ang liit ko kapag kasama ko siya.

Lumunok ako. "G-good morning"

Nagkatitigan kami. Yung tipong sinusukat kung gaano kami tatagal sa pagtititigan.

"Ano pang hinihintay niyo diyan? Halika na, kumain na muna kayo" pag-aaya ni Mommy.

Nagiwas ako ng tingin at sumunod na lang sa hapag-kainan. Ramdam ko rin ang pagsunod niya sakin.

Habang kumakain ay panay ang tingin niya sakin.

"Stop staring!" sabay irap ko.

"Why? I just found out that you're beautiful in and out" aniya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Nakangiti siya na para bang wala nang bukas. Nagtindigan ang mga balahibo ko sa ngiti niyang iyon.

"Tumigil ka nga! Kumain ka na lang" sabi ko at nilagay na sa sink ang pinagkainan ko. Naabutan ko si Mommy na naghuhugas ng pinggan.

"Mom, bakit nandito na naman yun? Ang aga aga pa" sabi ko at humilig sa sink.

Nakita ko ang pagngisi niya saka nagkibit balikat.

"Tsaka, di niyo sakin sinabi na nandito pala siya. Sabi niyo lang breakfast is ready. Hindi man lang tuloy ako nakapag-ayos" Sumimangot ako.

Nilingon ako ni Mommy saka ngumisi nang nakakaloko. "Bakit mag-aayos ka? Conscious ka na at ayaw mong makita ka niyang bagong gising?"

Nahiya ako bigla. "Hindi naman po ganun. Boto na naman po ba kayo sa kanya?"

"Why? Is it wrong? Mahal mo pa naman diba?" aniya at binitawan ang plato saka ako hinarap.

Lumunok ako. I don't know what to say. Natatakot ako na baka kapag sinabi ko ay ilayo na niya ako kay Zane.

"We already gave him a chance to prove us that he wanted to earn our trust. And we know, that you're still inlove with him. I know that you're scared of getting hurt again so, you're testing him if he really is into you"

Laglag ang panga ko sa sinabi ni Mommy. So, all this time alam nilang mahal ko pa?

"Mahal mo diba? Then, go. Huwag mo nang pakawalan. Ang gusto lang naman namin ng daddy mo ay yung mahanap mo yung totoong kahulugan ng pagmamahal at saya. At sa ngayon, nakikita namin yun" ani mommy at hinawakan ang magkabilang kamay ko.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagbagsak ng luha ko.

"Don't be scared to love and get hurt again. That's what love is. Kapag nagmahal ka, asahan mong masasaktan ka" aniya at ngumiti. "Masasaktan ka pero may matututunan ka"

Tumango ako saka tumingala. I'm so blessed that my mother really thinks what would be the best thing for me.

"Oh, aalis nga pala kami nina Daddy mo. Susunduin namin si Hez sa school. Magsshopping kami, gusto mo sumama?" tanong niya.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα