Kabanata 21

1.9K 42 0
                                    

Kabanata 21

Sasama Ako

Dinala niya ako sa clinic. Medyo nagtagal pa kami ng kaunti bago nakarating doon dahil sa dinumog ng mga estudyante si Zane. Mahirap nga iyon. Bukod sa sikat siya, makita mo ba naman yung idol mo na may binubuhat ay talagang mapapatanong ka na lang.

"I'm sorry. I have to bring Hailey to the clinic"

Ayan yung huling sinabi niya bago tuluyang makaalis sa pulutong ng mga tao.

Naramdaman ko ang malambot na kama nang mailapag ako ni Zane sa loob ng clinic.

Ngunit naramdaman ko man ang lambot ng higaan dito ay pinili ko yakapin si Zane. Mas lalo kong idiniin sa kanya ang buong katawan ko huwag lang niya akong mailapag.

"Hailey..." Tawag niya sa isang mahinang boses. "Humiga ka na" aniya habang pinipilit akong pahigain.

"No!" Sabi ko habang nangangatal ang boses ko dahil sa patuloy na pag-iyak.

Di ko alam kung bakit hanggang ngayon ay umiiyak pa ako gayong tapos na naman yung gulo. Ewan ko ba. Pero nang dumating si Zane sa buhay ko ay parang naging iyakin ako.

"Shh! I said stop crying. Don't worry, dito lang ako" pabulong niyang sabi.

Dahil doon ay unti-unti akong bumitaw. Dahan-dahan niya akong nilapag sa kama.

Patuloy pa din ako sa pag-iyak. Di ko na maimagine yung itsura ko sa ngayon. Siguro pulang pula na ang ilong ko sa kakaiiyak. Tagaktak na rin ang pawis ko samahan mo pa ng magulo kong buhok na dumidikit na sa leeg ko dahil sa pawis.

Hinawakan niya yung kamay ko at pilit na tinatahan. Pinunasan niya rin ang mga luha kong bumabagsak sa pisngi ko gamit ang thumb niya.

Habang hinihintay namin yung nurse ay pinupunasan niya rin ang mga pawis ko sa noo at leeg. Nilagay niya sa gilid ng tenga ko yung mga takas kong buhok.

Nang tumahan ako ay hinalikan niya ako sa noo. "Tell me, what happened?"

Nilahad ko sa kanya ang buong pangyayari habang di pa dumarating ang nurse.

"Tss. Ang tagal naman ng nurse na yun. Fuck!" umiling siya.

Tumayo siya at naglakad pero tumawag ko siya. "Where are you going?"

"I'll call for the nurse. It's been awhile since dumating tayo. Ang tagal tagal niya. Don't worry, I'll be back" aniya at tuluyang lumabas.

Tinagilid ko ang ulo at tumitig sa bintana. Bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko? Bakit natutuwa ang puso ko? I think that's because of Zane. Nag-alala siya.

Hanggang ngayon ay di ako makapaniwala na gusto niya ako. Maraming maganda, matalino at sexy na babae sa paligid pero ako ang nagustuhan niya. Imposible pero pupwede palang posible.

"What happened to her?"

Nilingon ko ang kapapasok lang na si Zane kasama nung nurse.

Ngumiti ako nang magkatinginan kami ng nurse. Ngumiti rin siya pabalik.

Umupo sa isang upuan si Zane habang nakahalukipkip na pinapanood ako.

Lumapit sa akin yung nurse at inexamin ang braso ko. Binaba ko rin ang tingin ko sa braso. Ang daming kalmot at ilang mga pasa. What if magtanong sina Mommy kung anong nangyari, anong sasabihin ko?

Kumuha ng gamit ang nurse saka ako sinimulang gamutin. Nilagyan niya ng betadine yung mga kalmot ko. Di kasi ako pumayag na alcohol yung ilagay.

"Ayan. Saglit lang. Kukunin ko lang yung cold compress" aniya at lumabas ulit ng kwarto.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now