Kabanata 1

6.9K 143 14
                                    

Kabanata 1

Cousin

Napalingon ako sa aking likuran. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Oh my gosh! Is it real?

"Kuya?!" Utas ko.

"Yes. Nagulat ka ba?" Aniya sabay lapit sakin.

"Oh my gosh!" Sabi ko at napatakip ako sa aking bibig. "Syempre. Sinong di magugulat sa biglaang pagdating mo?"

"Nagulat ka ba sa pagdating ko o dahil sa gumwapo ako?" Sabay hawi sa buhok niya.

"Nako Kuya ha? Umiiiral na naman kayabangan mo" sabi ko at natawa. Ganun din siya.

Si Kuya Callix Madrigal ay pinsan ko. Galing siyang States. Grade 8 pa lang ako nang dinala siya doon para ipagpatuloy na niya yung pagaaral niya. Ilang years din siyang nawala. Napansin kong mas tumangkad siya. Mas gumwapo.

"Hindi mo ba ako namiss?" Aniya sabay kunot ng kanyang noo.

"Nakoooo! Nagdadrama ka ba Kuya Lix?" Biro ko sa kanya.

"I'm not, Hails" sabay iling ng kanyang ulo at umiwas ng tingin.

Kahit na ilang years na siya sa States e, madalas pa rin siyang nagtatagalog.

"Serious huh?" Sabi ko at kumunot din ang noo ko.

Narinig kong bumuntong hininga siya bago nagsalita muli.

"Seryoso Hails, did you miss me? Kahit konti lang" aniya sa seryosong tono.

Agad akong napatingin sa kanya. Malungkot ang kanyang ekspresyon. Mukhang may problema.

"May problema ba?" Tanong ko.

Napalingon siya sakin. Mahahalata mo talaga na malungkot siya.

"Wala" malamig niyang sabi.

Anong nangyayari kay Kuya? Bakit ganito ang treatment niya sakin? Di naman siya ganito dati ah. Sobrang kulit niya at hyper. Naninibago ako. Siguro nagtatampo lang dahil akala niya di ko siya namiss.

Humakbang ako palapit sa kanya at bigla na lang siyang niyakap. Gumalaw siya at halatang nagulat sa ginawa ko.

"Niyakap kita kasi pakiramdam ko may problema ka. Siguro kailangan mo ng magpaparelax sayo. I hope my hugs will help" sabi ko at kinalas ang yakap ko sa kanya. Tumingin ako sa mukha niya. Medyo mas mataas siya ng isang dangkal sakin kaya nakaangat ang ulo ko.

Pagkatingin ko sa kanya ay nakita kong kagat niya yung labi niya at naniningkit ang mga mata. Mukhang nagpipigil ng tawa. Oh my gosh! He's just kidding! Fuck!

"Why are you laughing?!" Inis kong tanong sa kanya.

Hindi na nga niya napigilan ang kanyang pagtawa. Tumawa talaga siya as in malakas na tawa. Nakakahiya. Baka may makarinig samin. Baka mapagalitan kami.

"Shhhh! Baka may makarinig satin" medyo galit kong sabi sa mahina ng boses.

Tawa pa rin siya ng tawa. Naiirita ako sa tawa niya!

"Kuya! Will you stop?! Nakakairita e!" Naiinis kong sabi.

"I'm sorry, Hails" sabay tawa ulit.

Nanlilisik na ang mga mata ko. Matama ko siyang tinignan.

"Bakit ka ba tumatawa?!" Naiinis kong tanong sabay hampas sa balikat niya.

"I'm just kidding! Titignan ko kung anong nagbago sayo. Sabi na e. Mapapasubo ka. Hahaha" aniya sabay upo sa upuang malapit sa kanya.

"Letse ka Kuya!" Sabi ko sabay lapit at hampas sa kanya.

"Nakakatuwa kang tignan kapag concern. Hahaha" sabay hawi sa buhok niya.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now