Kabanata 10

2.6K 62 35
                                    

Kabanata 10

Serious

Kinabukasan ay hindi siya nakapasok. Pakiramdam ko ang boring ng araw ko kapag walang naggugulo sakin. Parang hindi ako sanay. Nalate ako ng pasok pero buti na lang wala pa yung teacher.

Sinalubong ako ni Abby pagkapasok ko pa lang.

"Uy! Anyare sayo?" Tanong niya at hinawakan yung balikat ko.

"Huh?" Kumunot noo ko sa kanya.

"Mukha kang bangag" natatawa niyang sabi.

Umirap ako at dumiretso sa upuan ko. Sumunod siya sakin at umupo sa katabing upuan ko kung saan wala si Zane.

"Hoy! Tulala ka na naman!" Ani Abby sabay kaway sa mukha ko.

Nilingon ko siya. "Bumalik ka na sa upuan mo. Baka dumating na si Ma'am"

"Hailey, meron ka ba ngayon?" Tanong niya at agad akong napatingin sa kanya.

"Abby, tigilan mo ako" mahinahon kong sabi.

"Oops! Sorry" aniya at nag-peace sign.

Bumalik siya sa upuan niya nang dumating na ang teacher namin.

Sobrang boring ng araw na yan para sakin. Hindi ako nasanay na walang nag-aasar sakin.

Nang mag-uwian ay tinawag ako ni Abby nang malapit na ako sa gate.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nagmamadali ka ata?" aniya at lakad-takbo ang ginawa niya para maabutan ako.

Hindi ako nagmamadali. Yan ang gusto kong sabihin pero pakiramdam ko ay babagsak na ang katawan ko sa sobrang pagod. Gusto ko na lang umuwi at magpahinga. Puyat na puyat ako.

"Uh, oo Abby e. Sorry ha? Pagod na ako e"

Huminga siya nang malalim. "Alright. Ingat ka" aniya at kumaway.

Kumaway rin ako pabalik. "Bye"

Naglakad na ulit ako. Habang naglalakad ako ay biglang may humarang na isang black Lamborghini sa harap ko.

Napapikit ako at napaatras ng kaunti. Dammit! Papatayin ba ako nito?!

Nakita kong may lumabas sa kotseng iyon. Tinignan niya ako na may ngiting nakakaloko.

"Papatayin mo ba ako?!" Sigaw ko sa kanya.

Naglakad siya palapit sakin. "Papatayin kita sa kilig" nakangisi niyang sabi.

"Letse!" Sigaw ko sa mukha niya nang makalapit siya sakin. Naglakad ako at nilagpasan siya.

Nabigla ako nang hawakan niya ako sa braso at kinaladkad papunta sa kotse niya.

"Hoy! Saan mo ko dadalhin?" Tanong ko habang hinihila niya ako.

"Basta. Sumakay ka na lang" aniya nang hindi ako tinitignan.

Pumapalag ako pero mas malakas siya kaya nagawa pa niya akong itulak papasok sa kotse niya.

Hindi na muna niya sinarado ang pinto. Yung kanang kamay niya ay nakahawak sa dashboard at yung kaliwa naman ay nakahawak sa pinto. Nilapit niya yung mukha niya sakin.

"Don't you dare to make noise inside of this car or else I'll gonna push you out of this" mahinahon niyang pagbabanta saka isinara ang pinto at umikot na para makasakay.

Pagkasara pa lang ng kotse ay naamoy ko na kaagad ang pabango niya sa buong loob ng kotse.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Medyo iritado kong tanong.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon