Kabanata 41

2.1K 37 25
                                    

Kabanata 41

All Yours

Tatlong buwan na ang lumipas at busy'ng busy ako sa trabaho. Naging maganda naman ang pakikitungo sakin ng boss ko. Nalaman kong halos isang taon lang ang tanda sakin ni Sir Fabregas. He's a very religious man. Kaya siguro may mga religious items sa office niya.

Bumaba na ako matapos akong ipatawag ni Sir Fabregas para utusan. May aasikasuhin pa kasi ako sa baba na kailangan ko agad maibigay sa kanya.

"Excuse me..."

Tumigil ako sa ginagawa ko para harapin ang kung sino mang tumawag. Damn! Why she's here?

"K-kendall?" Nauutal kong sabi.

"Uh, yes" formal niyang sinabi.

Dinalaw ako ng kaba nang tinitigan niya ako.

"Hailey?" Aniya. Napagtanto niya siguro na ako nga iyong binubully niya dati.

"Uh, oo ako nga ito. A-ano pong kailangan niyo?" Sabi ko habang nag-iiwas ng tingin. Tangina!

"Oh my God! Ikaw nga! Don't be scared. Mabait na ako ngayon" aniya saka humalakhak.

Awkward akong ngumiti at nakitawa na din. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Akala ko hanggang dito sa trabaho, ibubully pa rin niya ako.

"Mag-apply sana ako dito. Nasaan ang boss niyo?" Tanong niya na ikinagulat ko.

"Hindi ba ay model ka na po at mayaman? Hindi niyo na kailangan magtrabaho" sagot ko at bigla kong narealize na masyado na akong nakikialam. Bullshit!

"I want to be independent" tanging sagot niya. I know there's something more but she didn't want everyone to know. Ayoko rin namang makisawsaw pa sa buhay niya.

"A-ah, sige po. Dito po" sabi ko saka siya iginiya at naunang maglakad.

Pumasok kami sa elevator at tumigil kami sa 18th floor. Nang tumapat kami sa office ni sir Fabregas ay agad ko itong binuksan. Pinaupo ko siya sa sofang nasa gilid.

"Hintayin niyo na lang po si Sir" sabi ko saka ako lumabas para tapusin ang inuutos sakin.

Dumaan ang ilang araw at nakikita ko na rin si Kendall. Actually pareho kaming secretary ni Sir Fabregas. Nagkakausap na din kami at tingin ko nga ay nagbago na siya.

Busy ako sa pag-aayos ng ilang papeles. Masyado akong tutok kaya naman ay nalimutan kong maglunch.

"Miss Hailey?" Tawag ng kapwa ko secretary. Hindi ko nga lang alam kung sino ang kanyang boss.

Nilingon ko siya saka pinilit ngumiti. "Yes?"

Lumapit siya nang may dalang mga pagkain. Nilapag niya iyon lahat sa table ko.

Kumunot ang noo ko. Bakit may ganito? May libreng pagkain ba ngayon?

"Ano 'to?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

Ngumuso siya. Halatang pinipigilan ang pagngiti. "Pagkain malamang"

Nakuha pang mamilosopo. Tss.

"I mean. Bakit may ganito?" Sabi ko saka tinignan ang mga pagkain.

"May nagpapabigay" aniya kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Kanino galing?" Tanong ko.

"Sorry, Miss Hailey. Ayaw niya sabihin kung sino nagpabigay" aniya saka ako tinalikuran.

"Huh? Ang weird naman" bulong ko. "Pakisabi thank you!" Sigaw ko kaya nilingon niya ako.

"Makakarating" aniya saka ako kinindatan at lumabas na.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now