Kabanata 37

1.8K 36 0
                                    

Kabanata 37

Fontanillo

"Hailey, magiingat ka lagi doon. Alam mo namang wala ako para ipagtangtanggol ka-"

"Oo na Kuya. Paulit ulit ka na e. Tsaka pwede ba? Kaya ko sarili ko" irap ko habang naghihintay sa airport.

"Concern lang naman ako" aniya.

Nag-echo na sa buong airport na handa na ang eroplano pabalik ng Pilipinas.

"Hailey, mamimiss kita" hagulgol ni Keisha saka ako niyakap.

Kahit ganito to, mamimiss ko din siya. "I'm gonna miss you too. Ingat ka kay kuya ah? Bantayan mo yan, baka magloko" sabi ko

"Oo. Huwag mong kakalimutang kamustahin kami ah?" Aniya.

"Sure. Araw araw tatawag ako. Pero pag nakahanap na ng trabaho, busy na ako nun" saka ko nilingon si Kuya. "Kuya, wag mong sasaktan si Keisha ah? Lilipad talaga ako pabalik dito pag nalaman kong sinaktan mo ito"

"Oa mo. Sige na, chupi na! Ingat ka doon. We love you!" Sigaw ni Kuya at naglakad na ako palayo.

Nang makasakay na ako ay hindi ko maalis ang ngiti ko. Panay ang tingin ko sa bintana habang bumibyahe. Hindi na ako makapaghintay na makauwi na ng Pilipinas.

Nagising na lang ako nang malapit na maglanding ang eroplano. Dali-dali kong inayos ang sarili ko at naghanda na sa pagbaba. Tanghali na nang makarating ako.

Nang makababa ako ng eroplano ay napapikit ako sa init ng araw na dumampi sa balat ko.

"I'm finally here" bulong ko sa sarili ko saka naghintay ng masasakyang taxi.

Wala akong sinabihan kahit sino na uuwi ako ngayon. I wanna surprised them. Nang makakita ako ng taxi ay agad ko itong pinara at sinabi ang address.

Habang nasa loob ako ay para akong baliw na hindi matanggal ang ngiti.

Pagtapos ng limang taon ay wala pa rin itong pinagbago.

Nang makita ko ang bukana ng bahay namin ay pumara na ako.

"Dito na lang ho, manong" sabi ko saka nagbayad at bumaba na. Tinulungan pa akong ilabas ang maleta at bag ko. "Salamat po"

Hinila ko na ang maleta ko saka nagdoorbell sa bahay namin.

Nakarinig ako ng footsteps at bahagyang bumukas ang pinto. Tumambad sakin si Mommy.

"Hailey, anak!" Tuwang tuwa si Mommy na hinagkan ako. Niyakap ko din siya pabalik.

"Sweetheart! Nandito na ang anak mo!" Sigaw ni Mommy at lumabas naman si Daddy.

"Hailey!" Aniya saka ako niyakap.

Tinulungan ako ni Daddy na ipasok sa kwarto ko ang mga gamit ko. Hinayaan nilang magpalit muna ako saka bumaba.

Nakita kong naghanda ng mga pagkain sina Mommy. Mukhang mapupuno pa ata ang lamesa namin sa dami ng pagkaing nakahain.

"Mommy, ang dami naman ho ata niyan?" Sabi ko saka lumapit sa lamesa.

"Kulang pa nga iyan e. Hindi ka naman nagsabi na uuwi ka pala" aniya. "Umupo ka"

"Surprised nga po e" saka ako tumawa.

"Kumain na tayo" ani Daddy saka pumwesto sa harap ko katabi si Mommy.

Nagsimula kaming kumuha ng ilang putahe. Mukhang mapaparami pa ata ang kain ko nito dahil ilang oras ang byahe, ni wala man lang akong kinain.

"Hailey, ang laki na ng pinagbago mo. Mas lalo kang tumangkad at kuminis. Lalo ka ring gumanda" Puri ni Mommy.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now