Kabanata 12

2.2K 50 11
                                    

Kabanata 12

New Student

Nagkasabay kami ni Abby sa gate papasok.

"Oh musta na kayo ni Zane?" Panimula niya.

"Huh? Ganun pa rin naman" matabang kong sabi.

"Ows? Di nga? Baka mamaya malaman ko M.U na kayo?" Natatawa niyang sabi.

"Baliw! Hindi yan. Ako? Magkakagusto sa isang Zane Tyrell Fontanillo? Duh!" Humalakhak ako.

"Ay oo nga pala! Bali-balita may new student daw na naman" aniya sa gulat na tono.

"Oh? Taga saan?" Medyo na-curious ako sa new student.

"Ang sabi nila galing daw ng Canada" aniya.

"Wow! Wait. Is it boy or girl?" Kunot noo kong sabi.

"Boy daw" ani Abby nang makaupo kami sa bench.

"Oh! Kelan pa daw lumipat dito?" Tanong ko habang nilalapag ang bag sa gilid ko.

"Kahapon daw nagpa-enroll. May nakakita sa lalaking yun. Tapos ngayon siya papasok" kwento niya.

Tumango ako. "Tara pasok na tayo sa room" pag-aaya ko kaya pumasok na kami.

Naunang pumasok sakin si Abby. Nasa likuran niya ako at naglalakad nang biglang may umakbay sakin.

"Bakit ngayon ka lang?" He said in a husky voice.

Di na ako nagtangka pang lumingon dahil kaunting distansya na lang ay mahahalikan ko na siya.

"May problema ba dun?" Tanong ko nang mailapag ko ang bag sa upuan.

"Wala naman. Imagine, nauna pa ako" halakhak niya.

"Paki ko?" Taas kilay kong tanong. Inalis ko yung braso niya sa pagkakaakbay sakin.

Umupo na rin siya sa tabi ko. "Red days mo ba ngayon?" Halakhak niya.

"Damn you!" Sabi ko sabay suntok sa braso niya.

Natahimik kami nang biglang may kumatok sa pintuan ng room namin.

Napalingon ang halos lahat sa kung sino mang kumatok.

Ngumiti siya ng kaunti at napansin kong lumitaw ang kanyang dimples sa magkabilang pisngi. Nagbulungan yung mga kaklase ko.

"Uh, I'm Jacob Raegan Montellano, from Canada. New student" ngiti niya ulit.

Tinitigan ko siyang mabuti. Medyo familiar na yung hitsura niya sakin. Parang nakita ko na siya pero hindi ko lang matandaan kung saan.

"Ahh! Oo ikaw pala yung new student. Dito ka ba?" Ani isang kaklase namin.

"Uh, yup. According to this" sabay pakita niya sa isang papel na naglalaman siguro ng schedule niya.

"Sure. Pasok ka" aniya ng isang babaeng kaklase.

"Oh, thanks" he slightly bowed his head and ugh! Ngumiti na naman siya kaya't nagpakita na naman iyong dimples niya.

Lumakad siya sa aisles. At sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkatinginan kami. Nag-iwas ako at kunwaring may hinahanap sa bag ko.

Umupo siya sa pinakadulo. Nilapitan siya ng iba naming mga kaklase para umintriga sa kanya.

Hanggang sa last period ay nagkaroon kami ng groupings at magkagrupo kami. Panay ang tingin niya sakin. Wala akong ginawa kundi ang umiwas na lang.

"So, guys. Who will be the reporter?" Tanong ni Keisha, leader namin.

"Ikaw na lang kaya. Tutal ikaw naman leader e" ani Troy na walang ginawa kundi makipaglokohan.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن