Kabanata 16

2K 51 3
                                    

Kabanata 16

I'll Be The One

Di na ako nagulat sa sinabi niya. Lakad pa lang, tindig ng katawan, sa hitsura pa lang alam ko nang bad boy siya. Puro kalokohan ang alam.

"Hailey" Dad called.

"Yes dad?"

"Is Zane will come back?"

Kumunot ang noo ko. "Para saan siya babalik?"

"I thought you were making your researches and that's what he told me" mariing sabi ni daddy.

"Ahh. Yeah, we're going to continue the researches but I don't even know if he'll come back again" nagkibit balikat ako.

Tumango na lamang si daddy at hinayaan na ako.

Dalawang araw na lang at deadline na ng pasahan ng researches. Ang nakakalungkot pa roon ay hindi pa kami tapos.

Nakalagpas na ako sa gate nang may tumawag sakin. Nilingon ko iyon at nakita si Zane.

"Oh bakit?" Inayos ko iyong dala kong plastic envelope saka muling nag-angat ng tingin sa kanya.

"Tatapusin na natin ngayon?" Halos lakad-takbo ang ginawa niya para maabutan ako.

"Oo. Pero kung hindi kaya, edi bukas na lang ulit"

Tumango siya at saglit na luminga sa paligid. Binalik niya ang kanyang mga mata sakin.

"Where's your best friend?"

"Abby? Uh, she told me that her brother got sick and no one can take care of him. So, that's why she stayed" I explained.

"Sabay ka na sakin" anyaya niya.

"O sige" nakangiti kong sabi.

Normal na samin ang magsabay. Minsan nag-aaway pa kami kasi napakapang-asar niya. Halos araw-araw na ata siyang nasa bahay dahil sa researches na dapat tapusin.

"Kain muna kayo" pag-aalok ni mommy nang gumagawa kami ng researches.

"Nako Tita nag-abala ka pa. Saglit na lang po ito uuwi na ako" ani Zane.

"Hijo, nasanay na kaming nandito ka kaya hayaan mo na"

Nagtawanan sila ni mommy at nakisabay na lang din ako.

"Hailey" tawag sakin ni Keisha habang inaayos ko yung gamit ko.

"Hmm?" Di ko siya nilingon at nagpatuloy sa ginagawa.

"Someone's waiting for you"

Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. Ngumiti siya at tinuro ang pintuan ng classroom namin. Nilingon ko iyon.

Nandoon si Zane nakahilig sa pinto habang bored ang mukha.
Hawak niya iyong hawakan ng bag niya sa kaliwa. Mapupungay na ang kanyang mga mata.

"Sigurado ka ha?" Si Keisha naman ngayon ang nilingon ko.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha? Anong sigurado? Saan?" Wala sa sarili kong tanong.

"I mean baka manliligaw mo na yan" humalakhak siya.

"Hala? Hindi ah" depensa ko.

Hindi naman talaga diba?

"Hindi nga? Nakakahalata na ako" dagdag pa niya.

"Bakit naman? Wala naman kaming ginagawa na parang magboyfriend diba?" Sabi ko sabay lagay ng huling gamit sa loob ng bag ko.

"Bilisan mo. Naghihintay na manliligaw mo" bulong niya saka tumawa nang malakas. Tumawa rin ako saka mahinang hinampas iyong braso niya.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now