Kabanata 34

1.6K 41 0
                                    

Kabanata 34

Ihahatid Na Kita

"Oh! Magdahan-dahan ka nga!" Singhal ko sa kanya habang inaalalayan siya papasok sa kwarto.

"Ang gwapo ko talaga" aniya saka tumawa.

Nakapikit siya habang nakahawak ako sa kanya. Nakakairita dahil amoy alak siya. Idagdag mo pa yung mabigat niyang katawan.

Nang malapit na kami sa kama niya ay ibinagsak ko siya doon.

"Para kang baliw! Kanina ka pa tawa ng tawa!" Saka ko siya iniwan doon at pumunta na sa kabilang kwarto.

Kinuha ko yung libro ko sa bag at ipinagpatuloy ang pag-aaral ko para sa ititake kong test na namissed ko kanina.

Biglang tumunog ang phone ko at nakitang may text si Abby.

Abby:

Nag-aral ka na?

Nagtipa kaagad ako ng reply ko.

Hailey:

Ngayon pa lang. Why?

Abby:

Ah. Nothing. Sige tuloy mo na :)

Tumango na lang ako sa sinabi niya at ibinaba ulit ang cellphone para mag-aral. Kanina pa ako nag-aaral dito pero walang pumapasok sa utak ko. Hindi ko pa din malimutan yung ginawa niyang panloloko sakin. Yung pag-ayaw niya at pagtaboy sakin. Paulit- ulit na nagrereplay sa utak ko ang lahat ng nangyari.

"Ahh!" Tili ko sabay umiling at binato ang libro ko sa lapag. Bullshit! Naiiyak na naman ako.

I want him back. Pero pagod na ako sa kakahabol sa kanya. Pagod na akong magpakatanga. Pagod na akong maging desperada. Pagod na ako sa lahat ng ginawa ko.

Tumunog ulit ang phone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagmensahe.

Abby:

Mag-aral ka. Huwag mo nang isipin si Zane -,-

"Damn!" Tili ko ulit saka ibinagsak ang phone ko sa gilid ko.

Kahit anong gawin kong pag-iwas na isipin siya, bumabalik pa din. Ang hirap hirap niyang kalimutan!

Dinampot ko ulit ang libro ko at sinubukan ulit magfocus. Ipinasok ko sa kokote ko na dapat muna unahin ang pag-aaral. Kalimutan na lang ang nangyari. At kalimutan na lang siya.

Nagising ako sa natanggap kong marahang sampal sa pisngi ko. Unti-unti kong idinilat ang isa kong mata.

"Wake up, my desperate cousin" aniya habang nakasmirk.

Kinusot ko ang mata ko saka umupo at sumandal sa board ng kama.

Nakita ko ang mga gamit kong nakakalat sa gilid ko. Pati yung phone ko ay kasama din doon. Nakatulugan ko na ata ang pag-aaral kagabi. Pumikit ako nang mariin. Paano na ako mamaya?

"Kumilos ka na! Nakahanda na dyan yung uniform mo" aniya saka ako iniwan sa kwarto.

Tumayo ako saka nagmadaling pumasok sa cr. Mabilisan akong nagshower. Binlowdry ko din ang buhok at saka inayos ang sarili.

Niligpit ko ang mga nagkalat kong gamit sa bag ko. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa habang nakapatong ang paa sa table.

Nilingon niya ako saka siya tumayo. "Ang bagal mo. Nagpaganda ka pa ba?" Saka ako pinagtaasan ng kilay.

Umirap ako at inunahan siya sa paglalakad. "Pwede ba? Wala ako sa mood makipagusap"

Sumunod siya sakin hanggang sa parking lot. Nang nasa loob na kami ay tinignan muna niya ako.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now