Kabanata 23

1.7K 41 1
                                    

Kabanata 23

Handang Bawiin

Natapos ang tatlong subject nang di pumapasok si Zane. Di ko alam kung saan na naman nagpuntang lupalop yung kumag na yun.

Mag-isa ako ngayon maglalunch dahil may meeting pa ang group ni Abby kaya sabi niya mauna na ako.

Naglakad ako sa gilid ng court nang mapansin ko ang isang familiar na lalaki. Nakatalikod siya habang nakasuot ng maroon jersey tapos black sneakers. Kaharap niya ang isang babaeng matangkad at balingkinitan ang katawan. Morena, mahaba ang straight niyang buhok. Nakangiti ang babae.

Kumalabog ang puso ko. May pakiramdam ako na si Zane to. But please, tell me I'm wrong.

Maraming tao sa court. Halos nandoon ang lahat ng players na magppractice para sa intramurals. Nandoon din ang mga cheerleaders na nagppractice para rin sa intramurals.

Pansin kong isa rin siyang cheerleader dahil sa built ng katawan niya. Idagdag mo pa ang pagsuot niya ng crop top and high waist shorts.

Nakita kong hinalikan niya sa  pisngi ang lalaking tinutukoy ko.

Lumapit pa ako ng kaunti para makita kung sino ang lalaking iyon. Di ako nagpahalata na nagspy dito. Umarte lang ako na may tinitignan.

Matapos niyang halikan sa pisngi ay ngumiti ang lalaki. Hindi ko marecognize masyado ang mukha nito dahil medyo malayo at nakaside view siya.

Sa di ko inaasahan ay biglang lumingon sa side ko ang lalaki. Napakagat ako sa labi ko. Di nga ako nagkamali. It was Zane.

Tumalikod ako at pumikit nang mariin. Bakit ang sakit?

Tumingala ako saglit dahil pinipigilan ko ang pagbagsak ng mainit na likido sa mata ko.

Pero kahit masakit ay nilingon ko ulit siya. Nakatalikod na sila sakin. Hawak niya ang baywang ng babae habang nakahilig naman ito sa kanyang balikat. Naglakad sila palayo. Palayo sakin.

I was about to run when someone grabbed me. Nauuna siyang maglakad sakin kaya naman ay likod lamang niya ang nakikita ko. Dinala niya ako sa likod ng lumang building.

"Bakit ba sinasaktan mo sarili mo?" Aniya habang diretsong nakatingin sa mata ko.

Hindi ako nakasagot pero humagulgol ako. Nabitiwan ko ang mga libro kong dala. Tinakpan ko ng kamay ko ang mukha ko.

"Tapos ngayon iiyak ka?!" Galit niyang utas sakin.

Ang bigat sa dibdib. Di ako makahinga nang maayos. Parang may batong nakaharang sa lalamunan ko.

Akala ko ba ako yung gusto niya?
"Wag mo nga akong dinadaan sa iyak mo" ani Jacob at muli akong hinawakan sa palapulsuhan ko. Hinila niya ako palapit sa kanya.

Hinayaan kong nakayakap siya sakin habang ako ay patuloy sa pag-iyak.

"Bakit ba kasi siya?" Mahina niyang tanong.

Tiningala ko siya. "What do you mean?"

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.

"I know, baby. Kahit di mo sabihin sakin alam kong gusto mo siya. Palagi kitang tinitignan. Kahit masakit na nakangiti ka dahil sa kanya"

Saglit na tumigil ang mundo ko. Don't tell me... No.

"I-i. What?" I'm stuttering.

Ngumiti siya. Pero may kasamang hapdi.

"Gusto kita. Ang bilis ba? Di ko alam kung pano ko sasabihin sayo kung paano yun nangyari. Dahil kahit mismo sa sarili ko hindi din alam"

"Oh my God" Mahina kong utas.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon