Simula

13.1K 207 22
                                    

Simula

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakaupo sa upuan na malapit sa bintana. Nakapangalumbaba at tulala. Bakasyon na naman. Wala na naman akong gagawin dito. Mas gusto ko pang nasa school especially the library. Mas gusto ko pang makasama yung mga libro dun. Mas gusto ko makinig sa mga discussion. Pero mas gugustuhin ko pa rin pala yung nasa loob lang ng bahay namin, sa kwarto ko. Bakit? Dahil kapag sa school, binubully ako.

"Nerd"

"Weird"

"Walang class"

"Manang manamit"

"Walang fashion"

Ganyan lagi yung mga naririnig ko. Masakit. Alam ko naman yun e. Bakit kailangan pa nilang ipamukha sakin yun? Napapaiyak na lang ako tuwing nabubully ako. Lalo na kapag physically na akong sinasaktan.

One time nga naglalakad ako papunta sa library nang bigla akong banggain ni Kendall Nochefranca- The Queen Bitch. Kasama niya yung dalawa pa niyang alipores na sina Jelina at Kara.

"Oh! Hi nerd!" Sabay ngiti ng plastik sakin.

Alam ko na mangyayari. Ayoko ng gulo kaya nilampasan ko na lang siya at naglakad na para pumuntang library.

"Aba! Bastos to ah!" Sigaw ni Kendall. Narinig ko ang mga footsteps niya sa aking likuran kaya nakaramdam agad ako ng kaba.

Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. Napadaing ako nang biglang bumaon ang mahahaba niyang mga kuko sa kanang braso ko. Napatingin ako sa dalawa niyang alipores. Nakatayo lang sila doon.

"DON'T YOU DARE TURN YOUR BACK ON ME!" Sigaw niya sakin at dinuro-duro pa ako. Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw niya.

Nagtinginan yung mga estudyante samin. May nagbulungan pa.

"Nagmamadali kasi ako" simple kong sinabi.

"I don't care, nerd" Aniya sabay irap sakin.

Huminga ako ng malalim. "Then let me go" mapanghamon kong sabi pero sobra akong kinabahan.

"Matapang ka na ha?!" Sigaw ulit niya. Ano bang meron sa lalamunan niya at kailangan pa niyang sumigaw ng pagkalakas-lakas? Ang lapit-lapit lang naman ng kausap niya. Nasa harap niya lang naman ako.

Dumami na rin yung mga tao dito sa ground floor. Halos lahat sila nakatingin samin.

"Don't shout at me, Kendall" mahinahon kong sabi.

"Stop talking!" Aniya sabay tawag sa dalawa pa niyang alipores. "Hawakan niyo siya!" Sabay turo sakin.

Patakbong lumapit sakin ang dalawa niyang alipores at agad na hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Aray!" Daing ko. Totoo. Masakit talaga. Literally. Nalaglag pa yung dala-dala kong mga libro. Oh my gosh! Baka masira!

"Ano? Masakit ba? Gusto mong madagdagan pa yan?" Malambing niyang sabi.

"Kendall, I need to go. Please? Leave me alone" Sabi ko sa mahinang boses.

"Leave you alone? Gosh Hailey the nerd! Sa tingin mo hahayaan kita umalis nang ganun ganun lang pagkatapos mo akong bastusin sa harap ng mga tao dito? Hindi mo ba alam na ako yung Campus Queen dito?" Dire-diretso niyang sabi.

"Bakit mo ba masyadong binibig-deal yung pag-ignore ko sayo? Dahil mapapahiya ka, ganun ba? Dahil ba sa Campus Queen ka, hindi ka na pwedeng mapahiya sa maraming tao? Kendall, alam naming maganda ka. Pero hindi yun yung rason para igalang ka naming lahat dito. Tao rin ako, Kendall. Tao rin sila" Sabi ko sabay turo sa nagkalat na mga estudyante dito. Hinihingal pa ako habang binabanggit ko ang bawat salita. Ang bilis rin ng tibok ng puso ko.

Napatingin ako sa dalawang alipores niya. Nanlalaki ang mga mata. Dumako naman ang tingin ko kay Kendall. Mabilis din ang paghinga niya. Nanlilisik ang mga mata. Halatang galit na galit na.

Siguro 1 meter lang ang layo namin sa isa't-isa ni Kendall. Agad siyang lumapit sakin sabay sampal sa kaliwang pisngi ko.

"HOW DARE YOU!" Sigaw muli niya sakin. At dinuro na naman ako.

Mas lalong dumami ang mga tao dito sa ground floor. Nakafocus lang sila samin. Nakikinig. Nakikiusisa.
Napahawak ako sa pisngi kong nasampal ni Kendall. Panigurado pulang-pula na ito.

Di ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas para sabihin ang lahat ng mga iyon kay Kendall. I know mali na ginanun ko siya. Pero mali din siya na ginaganun-ganun lang niya ang isang katulad ko. Kaya patas lang.

Hinawakan na siya ng dalawa pa niyang kasama at hinila na ito paalis. Napabuntong-hininga ako at napapikit. Yumuko ako para kunin ang mga libro kong nagkalat sa sahig.

"Wow! Ang lakas ng loob niyang ganunin lang si Kendall!"

"Ang tapang na niya ngayon ha?"

"Papansin masyado"

"Kakaiba din tong letseng nerd na to. Ipa-blade ko kaya siya"

"Pwe!"

Yan yung mga narinig kong bulong galing sa mga estudyante samin bago ako tuluyang umalis. Okay lang. Sanay na akong masabihan ng ng masasakit na salita. Kahit ano namang gawin ko, tama o mali, huhusgahan pa rin naman nila ako. Ganyan ang buhay ngayon. People nowadays.

Nasa kalagitnaan ako ng pagt'throwback nang biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako.

"Hailey" Utas ni Mommy.

"Hey Mom"

May kaya din naman kami. Lahat ng mga pangangailangan nabibili naman namin. Tatlong palapag din ang aming bahay.

"You're not going to sleep? It's already 9pm" Tanong niya.

"Not yet" Sabi ko sabay iwas at tumingin na lang ulit sa bintana.

"Aren't you tired of overthinking?" Aniya na nagpakalabog sa puso ko. Shit! Masyado na ba akong halata?

"Uh, M-Mom, I'm not!" I lied.

"That's what I see. Kapag nagpupunta ako dito, lagi kitang nadadatnang nakatingin sa bintana at nakatulala. Malalim ang iniisip" paliwanag niya.

"Guni-guni mo lang yun, Mom"

Di ko alam kung paano ako makakasurvive sa mga tanong ni Mommy. Wala siyang alam na binubully ako. Even my Dad. Kasi sa oras na malaman nilang binubully pala ako, paniguradong susugod ang mga iyon sa school. Pwedeng-pwede rin naman nila akong ilipat ng eskwelahan. Wala naman ang problema sa magiging school ko. The problem here is mas mahihirapan lang kami. Ayoko rin namang gumastos pa sila para lang dun.

Binalik ko ang tingin ko Kay Mommy. Malungkot ang kanyang mga mata. Halatang nag-aalala.

"Don't worry Mom, I'm really fine" Pinilit kong ngumiti.

"Alright then. I gotta go Hails. Good night" Aniya sabay lapit sakin at halik sa noo ko.

"Good night, Mom" sabi ko sabay halik naman sa pisngi niya.

Kumaway pa siya sakin bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Paano kung malaman nila? Anong gagawin ko? NO! hindi pwede! Panigurado gulo ang aabutin nito. Kailangan maging aware ako sa mga ikinikilos ko. Kailangan normal. Dapat tigilan ko na ang pago-overthink. Nakakahalata na si Mommy.

Halos mabaliw ako sa kakaisip kung paano hindi malalaman na binubully ako. Hindi ko napansin na magi-eleven na pala.

Sinubukan kong pumikit at matulog na lang pero ayaw talaga ako patulugin ng utak ko.

Hindi pa rin ako makatulog. Kaya naisipan kong tumambay muna sa rooftop. Dahan-dahan akong umakyat doon. Paakyat pa lang ako ramdam ko na ang malamig na hangin na humahaplos sa balat ko. Napayakap ako sa sarili ko. Nakasando pa naman ako, talagang lalamigin ako. Lumapit ako sa may railings at dumungaw doon. Wala nang katao-tao. Tumingala naman ako para tignan ang langit. Ang tangi ko lang nakikita ay ang buwan na nagsisilbing liwanag at ang napakaraming bituin. Ang peaceful dito lalo na kapag malakas ang hangin.

Unti-unting umangat yung labi ko. Ang saya lang. Kahit sandali e, nakaramdam ako ng katahimikan.

"Hails"

Isang malalim na boses ang narinig ko mula sa likuran ko.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now