Kabanata 5

3.3K 75 13
                                    

Kabanata 5

New

Kinabukasan matapos ang dalawang subject ay pumunta muna akong locker para kunin yung libro ko sa Science bago ako magrecess. Binuksan ko yung locker ko at tumambad sakin ang tambak na mga libro ko. Magulo tuloy tignan. Hinahanap ko rin yung paper ko para sa pre-test namin mamaya.

Nahirapan ako sa paghahanap sa paper na yun. Ang dami ring tambak na mga papel nung grade 10 ako na hindi ko naiuwi sa bahay kaya naging mas matagal ang paghahanap ko.

"Nasan na ba kasi yun?" bulong ko

"Ang bagal naman!" biglang may boses ng lalaki na nagsalita mula sa likuran ko.

Unti-unti kong nilingon kung sino ang nagsalita at tumambad sakin ang isang gwapong lalaking nakahalukipkip at seryosong nakatingin sakin. Sino ba ito? He doesn't look familiar to me.

"Bakit ba?" medyo banas kong tanong.

"Nasa taas kasi ng locker mo yung locker ko" aniya at pumungay ang kanyang mga mata. My gosh! Gwapo ka sana kaso ang sungit mo.

"Edi maghintay ka" medyo banas kong sinabi. Nakakainis eh.

"Tss" narinig kong sambit niya na hindi ko na pinansin at pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap sa lintek na papel na iyon.

At nakaisip ako ng kabulastugan. Mas lalo kong binagalan ang paghahanap ko ng papel ko.

"Bilisan mo naman. You're wasting my time. Tabi nga!" aniya at hinawakan niya ako sa braso na ikinagulat ko at tinulak ako palayo sa locker ko.

Aba! Siga to ah!

"Excuse me hindi pa ako tapos maghanap!" biglang sumapi ang espirito ni Kendall sa akin. Kailan ba ako natutong maging ganito? Wala akong maalala. Masama ata ang gising ko.

Hindi niya ako pinansin at ipinagpatuloy lang niya ang ginagawa niyang kung ano sa locker niya.

Lumapit ako sa kanya para sana pagsabihan siyang umalis na pero bago ko pa magawa iyon ay humakbang na siya paalis.

"Edi sana kung ako iyong pinauna mo, kanina pa ako natapos. You've just wasted my time Ms." aniyang nakatalikod at tuluyan nang nakaalis.

Badtrip akong pumuntang canteen. Nawalan rin ako ng gana kumain. Ang gwapo niya talaga e. Kaso walang manners. Pwe!

Natapos na rin ang recess kaya bumalik na ako sa room. Pagkarating ko ay nagkakagulo na ang lahat. Specially girls. Anong meron?

Lumapit ako sa kaklase kong babae na medyo nakakausap ko.

"Anong meron? Bakit sila nagkakagulo?" Tanong ko.

"May new student kasi na classmate natin" masigla niyang sagot.

"Huh? Sino?" kunot noo kong tanong.

"Si Zane Fontanillo!" kinikilig niyang sabi.

"Sino naman yun?"

"Di mo kilala?" gulat na gulat niyang sinabi

"Wala naman akong alam sa paligid ko e" sabi ko at bahagyang natawa.

Natawa na lang rin siya. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko yung lalaking nakaaway ko kanina na pinagkakaguluhan ng mga babae. Ngiting-ngiti siya habang nakikipagusap sa kanila.

Wtf?! Kaklase ko siya? Kung malas-malasin ka nga naman o!

Nagulat ako nang tumingin siya sakin. Inirapan ko na lang siya at umupo na. Napagtanto kong magkabilang dulo rin pala kami ng upuan. Damn!

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now