Kabanata 11

2.4K 59 24
                                    

Kabanata 11

Attraction

Natahimik ako sa sinabi niya. He's very serious about that. Alam ko rin naman iyon.

"Ikaw nga lumalapit sakin e" sagot ko sa kanya.

"That's different from what I am trying to imply. Besides, kilala na kita nang nilapitan kita" paglilinaw niya.

"So what's the point?" Nagtaas ako ng kilay.

"The point is don't talk to strangers, simple, right? Wag mo sabihing di mo pa rin naintindihan?" Pumungay ang mata niya sa pagkasabi niyang iyon.

"Duh?! Alam ko yun! Di mo naman kailangang sabihin pa sakin" I rolled my eyes.

"Bakit mo pa rin ginawa kung alam mo naman palang mali yun?" Mariin niyang tanong.

"Nakikipagkilala nga lang diba?" Ang kulit talaga.

"Pareho lang yun. Kaya nga makikipagkilala muna bago yung motibo diba?" Nanliit ang kanyang mga mata habang sinasabi iyon.

Talagang ayaw matalo ah?

"Fine! Ikaw na tama! Ikaw na magaling!" Medyo padabog kong kinuha yung bag ko at nilagay sa hita ko.

"Tss. Kung titignan ka, mukha kang tahimik, inosente. Pero pag nakilala mo na, maingay pala tapos napakataray" bahagya siyang natawa.

"Excuse me! Hindi ako mataray. Hindi rin ako maingay" iritado kong utas.

"Fine. Sabi mo e" nagkibit balikat siya at nag-iwas ng tingin.

Tumayo ako at isinukbit ang bag sa aking  balikat.

"Where are you going?" Tiningala niya ako.

"Aalis na ako" sabi ko at naglakad palabas.

Ramdam kong sumunod din siya.
"Saan ka sasakay?" Aniya habang nakasunod sakin.

"Taxi malamang" sabi ko at patuloy pa rin sa paglalakad.

"No. I mean hindi ka ba sasabay?" Aniya.

Tumigil ako at humarap sa kanya. "Wag na. Nakakahiya naman sayo. Nagmumukha kang driver" sabi ko at tinalikuran ulit siya.

Nabigla ako nang bigla niyang hinablot yung bag ko saka ako binuhat. Yung tiyan ko ay hawak niya at naiipit sa kaliwang braso niya habang ang bag ko naman ay hawak niya sa kanang braso.

"Ano ba?! Ibaba mo nga ako!" Sigaw ko at sinusubukang pumalag.

"You're so naughty" he said in a husky voice.

"Zane! Bitaw na! Nakakahiya! Ang daming tao!" Bulong ko habang buhat niya ako.

Tumigil siya at lumapit sa tenga ko. "Hayaan mo sila. Naiinggit lang yan satin" at binuhat ulit ako nang maayos bago muling naglakad.

Tumindig ang balahibo ko sa init ng hininga niya. Namula ako sa sinabi niya.

"Kaya ko namang maglakad mag-isa!" Sigaw ko at pinaghahampas siya sa braso.

"Damn! Stop it!" Sigaw rin niya saka ako nilapag sa loob ng kotse niya. Hinagis niya sakin yung bag ko.

"Kung kinakailangang buhatin ka para lang sumunod ka, gagawin ko" sabi niya sa malamig na boses at sinara ang pinto bago sumakay.

Nang makapasok na siya ay Hindi na muna niya pinaandar yung sasakyan. Nilingon niya ako nang blangko ang ekspresyon. Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko sa ginawa niyang pagtitig. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kinaya ang ganda ng mata niya.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)On viuen les histories. Descobreix ara