Kabanata 17

1.8K 45 7
                                    

Kabanata 17

Forehead Kiss

"Oh? Bakit ngayon lang kayo?" Ani Mommy nang makarating kami ng bahay.

"Eh... Pasensya na po tita. Niyaya ko pa po kasing tumambay muna sa park si Hailey" ani Zane sabay beso kay Mommy.

Bumeso rin ako. "Sorry Mom. Masyado po ba akong nalate ng uwi?"

"Tayo" he corrected.

Nilingon ko siya ng kunot ang noo. Tinaasan niya ako ng kilay.

"What?" He snapped.

"O siya! Pumasok na kayo nang makapag-hapunan na" ani Mommy sabay lapit sa kitchen.

"Hi tito" bati ni Zane kay Daddy.

Nauna na akong umupo sa dining table. Umupo din siya sa tabi ko pero nakatingin siya kay Daddy.

"Oh hijo! Maupo na nang makakain na kayo"

Tumango siya. "Kain na rin po kayo" pag-aaya niya kay daddy.

"Nako, katatapos lang namin. Hinintay lang namin kayo"

"Ganoon po ba?"

Ngumiti lang si daddy at tumungo na sa sala para manood.

Naglapag na si mommy ng mga gagamitin namin at pati ang ulam.

"Wow! Mukhang masarap ito ah?" Manghang sabi ni Zane.

Tumawa si Mommy sa sinabi niya. "Oo. Magugustuhan mo iyan. Oh maiwan ko na kayo at may gagawin pa ako"

"Talaga tita? Thank you po" Nilingon niya ako. "Hailey, gaganahan na akong gumawa ng researches natin" sabay kindat.

"Ewan ko sayo!" Inirapan ko siya.

"Bakit ang sungit mo na naman? Meron ka no?" Pabulong niyang sabi.

"Ano bang problema mo, Zane Fontanillo? Kumain ka na nga lang" Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi siya pinansin.

"Parang kanina lang kinikilig ka pa, ngayon beast mode ka na naman"

"Are you talking about me blushing? Saan naman ako kikiligin?" Medyo padabog akong tumayo at nilapag ang pinagkainan ko sa lababo.

Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig saka ko ininom.

"Kanina sa sinabi ko pati sa ice cream. Don't tell me hindi ka kinilig?"

Muntikan ko pang mabitawan yung basong iniinuman ko. Nag-init yung pisngi ko. Pinaalala ba naman.

Una sa lahat ayokong bigyan ng ibang kahulugan yung sinasabi at kinikilos niya. Ayoko talaga. I don't want to fall for him.

"See?" Umangat ang gilid ng kanyang labi. Napaiwas ako ng tingin nang makitang hinuhubad niya ang kanyang polo. Nang tuluyan na niya itong natanggal ay itinabi niya ito sa kanyang bag.

Napatingin ako sa katawan niya. Sando na lamang ang bumabalot sa malaki niyang katawan. Fit na fit pa. Nadedepina tuloy ang mga muscles ng katawan niya.

Fuck!

"Gumawa na nga tayo nang matapos na" pag-iiba ko. "Bilisan mo na diyan"

Nauna na akong umakyat sa kwarto ko. Nilabas ko na yung mga kakailanganin namin. Maya-maya ay pumasok na rin siya.

Tahimik lang namin iyon ginawa. Halos walang gustong magsalita. Yun din naman ang gusto ko. Yung tahimik lang para tapos na.

Natapos ako sa pagsusulat ng details na kailangan. Habang siya ay seryosong binabasa yung sinulat niya. Hahawakan ko sana yung mouse ng laptop para magresearch nang inabot niya rin ito. Nakahawak ako sa mouse habang ang kanya naman ay nakapatong sa kamay ko.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now