Kabanata 20

2K 47 11
                                    

Kabanata 20

Alamin Mo Muna

Sabay kaming bumalik sa klase ni Zane. Walang kumikibo saming dalawa habang naglalakad.

"Ako na magdadala" aniya at tumigil sa harap ko na naglahad ng kamay.

Lumiko ako at sinabing, "Hindi. Ako na" Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Sumunod ulit siya. "Hailey, you know? Gusto ko lang makabawi sa nangyari" sabay kuha sa kamay ko ng mga libro at pati bag ko.

Hinayaan ko na lang siya.

"Wag na. Okay na" sabi ko habang di siya nililingon at nagpatuloy sa paglalakad.

"Uhm, are you still mad?" Baritono ang kanyang boses.

Nagkibit balikat na lamang ako.

Honestly, I'm not mad. Hindi lang siguro matanggap ng sistema ko yung sinabi niya na gusto niya ako. Although hindi niya alam na gusto ko rin siya.

Nang makarating kami sa tapat ng room ay inunahan ko na siya. Hinayaan ko siyang dalhin yung gamit ko.

Buti na lang wala pa yung next teacher.

All eyes on us. Mga titig nilang makahulugan. Nagbulungan sila at as usual may kumantyaw.

"Oh my God! Okay na kayo?" Tili ni Keisha.

I ignored her. I know that's rude but I did that on purpose to get rid of her questions.

"Ay! Ang sweet ni loverboy oh!" Tili naman ni Maddy.

"Gentleman huh?" Puna ni Xander.

Tamad akong umupo. Binigay niya sakin yung mga libro ko tsaka yung bag ko saka siya umupo sa tabi ko.

Kinalabit ako ni Mike kaya nilingon ko siya.

"What happened? Oh by the way, you're beautiful" ani Mike sabay ngiti.

Hindi ko naman maikakaila na gwapo rin si Mike. Badboy look din pero lamang talaga si Zane. Not that I'm into Zane but that's what I see. He also had his own fanclubs.

Xander looks nice guy. Clean cut and formal. He doesn't have an earring unlike Zane and Mike had. But he's very mysterious.

Ewan ko ba kung paano nila naging kaibigan si Xander since taliwas siya sa ugali at pananamit ng dalawa.

"Shut up, Mike! Don't talk to her"
Saway ni Zane sa kanya.

"What a possessive guy? You don't own her" halakhak naman ni Mike.

Tinignan ko si Zane na nag-igting ang panga.

"Distance or ambulance? Choose" mariing sabi ni Zane.

"Eto na nga e. Iiwas na" at humalakhak ulit.

Nilingon ko na lang yung katabi ko.

"Bakit wala pa yung next teacher?" Tanong ko.

"May seminar daw"

Tumango ako. Gusto kong magaral ngayon. Kaso paniguradong may gugulo din sa utak ko kaya okay na din to.

Sakto namang naglunch break ay naglabasan na sila. Tumingin ako sa labas at nakitang naghihintay si Abby.

Inaayos ko yung gamit ko nang magvibrate yung phone ko.

Abby:

We need to talk. See you at the cafeteria. Same spot.

Parang nawalan ako ng dugo nang mabasa ito. I expected na galit sakin si Abby dahil may tinatago ako sa kanya.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now