Kabanata 50

2.6K 45 7
                                    

Kabanata 50

Kailan Ba Ako Tumigil?

Matapos namin sa park ay niyaya niya akong manood ng sine. Horror ang panonoorin namin para daw may thrill.

"Please? Huwag horror" sambit ko habang nasa escalator kami papunta sa sinehan.

"Why? Are you scared of ghosts?" natatawang sabi niya.

"Oo nga sabi! Yung nakakakilig na lang" sabi ko.

"Huh? Ayoko nun. Masyadong cheesy" aniya.

"Dali na! Love story na lang" sambit ko nang makarating kami sa sinehan.

Agad siyang pumila para bumili ng ticket at sakto namang wala pang ibang nakapila kaya nauna siya.

Agad siyang nakabili kaya no choice talaga ako kundi sumama na lang.

Bumili na din siya ng popcorn at drinks namin saka kami pumasok ng sinehan.

Pagpasok namin ay nagsisimula na ang palabas. Napakapit ako sa braso niya dahil natatakot ako lalo na't madilim.

Medyo marami na ang tao kaya pumwesto kami sa bandang taas.

Tili ako ng tili dahil nakakagulat talaga lalo na sa sound effects.

"Dapat hindi na lang tayo nanood e!" sigaw ko sa kanya.

"Ang saya kaya" natatawa niyang sabi.

"Hindi romantic yung date natin. Imbes na love story ang pinanonood natin, horror" reklamo ko.

Nakita kong ngumisi siya saka ako inakbayan. "Okay lang. Kasama naman kita"

"Nakakatakot kaya!" inis kong sabi. "Palibhasa lalaki kaya hindi ka natatakot"

"Shh! mamaya dito natin magawa ang milagro" aniya at humalakhak.

"Manyak!" singhal ko saka hinampas ang balikat niya.

Nang natapos namin ang palabas ay nagyaya na siyang kumain dahil lunch time na.

Kumain kami sa restaurant at nagyaya naman akong magshopping.

"What, Hailey? Shopping?" parang di siya makapaniwala sa narinig niya.

"Yes" ngiting-ngiti kong sabi.

"Nakakatamad mag-ikot" aniya.

"Edi huwag! Ako na lang" sumimangot ako at naglakad palayo sa kanya.

Nagulat ako nang maramdaman ko ang mga braso niyang yumakap sa tiyan ko. He even put his chin on my shoulder.

"Kahit ayoko gawin yung gusto mo, still, pipilitin ko pa din. Makasama lang kita" he whispered.

Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin at hinarap siya. "Hindi naman kita pinipilit kung ayaw mo"

"What I mean is, kahit ayaw ko, gugustuhin ko para sayo" aniya.

Lumunok ako sa sinabi niya at nagiwas ng tingin. He never failed to amuse me. That's why I love him.

"Halika na" aniya saka hinawakan ang kamay ko at hinila na ako papunta sa Department store.

I can't stop myself from smiling because of his touch. I missed this. Yung kaya naming ipakita na mahal namin ang isa't-isa kahit noon, hindi kami sigurado na kami talaga. Hindi kami.

Niyaya ko siya doon sa may makeups.

"What the hell, Hailey?" untag niya nang nasa tapat na kami ng mga makeups.

Isa-isa ko iyong tinignan. I tried to put a lipstick but then he held my arm.

"Ano?" tanong ko.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon