Kabanata 15

2K 48 4
                                    

Kabanata 15

Maybe

Kasalukuyan kaming kumakain ng niluto kong pancake habang nags'search. Nang mapansin kong tumayo siya.

"Oh saan ka pupunta?" Tanong kong nakakunot noo.

"CR lang" aniya at umalis na.

Nagpatuloy ako sa pags'search nang mapansin ko iyong cellphone niya sa gilid ng laptop ko. Kinuha ko ito at buti na lang walang password. Nagtingin-tingin ako sa gallery niya. Kumunot yung noo ko nang may nakita akong isang picture na parang ako. Pinindot ko ito at nanlaki ang mata ko nang ako nga iyong nasa picture.

Nasa kama ako, natutulog. Yakap ang paborito kong unan. Ang kumot ko ay hanggang baywang lamang. Holy crap! Ang gulo pa ng buhok ko dito!

I noticed that it took this awhile ago.

Halos mapatalon ako nang biglang umagaw sa cellphone at muntik na iyong malaglag.

"That's mine!" Aniya.

"Why'd you taken a picture of me while sleeping?" Kunot noo kong tanong.

"Ang cute mo kaya dito" humalakhak siya. Ignoring my question.

"Idelete mo na nga iyan!" Iritado kong utos sa kanya.

"No, I won't. Papakalat ko ito sa campus" tumawa siya.

Namula ang mukha ko sa sinabi niya. God! Isang malaking kahihiyan yun kung mangyari man.

"Zane! Nakakahiya kaya!" Bulyaw ko sa kanya.

"Bakit ka mahihiya? You look innocent here" aniya.

"Shit! Zane! Delete it or else..."

"Or else? What?" Nagtiim bagang siya habang nakakunot ang noo.

"Nevermind. Just delete it please?"

"Sure..." Aniya na ikinatuwa ko pero dinugtungan niya. "In one condition, kiss me"

Halos lumuwa iyong mata ko sa sinabi niya.

"Zane! Alam mo ba ang pinagsasabi mo?" Nagtaas ako ng kilay sa kanya. I'm nervous!

"Of course, I am! Sasabihin ko ba yun kapag di ko alam?" Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay sakin. "So, you want me to explain it to you?"

Hindi ako sumagot at nanatiling magulo ang isipan ko.

Kinagat niya iyong labi niya at nag-iwas ng tingin.

"Ewan ko sayo! I-delete mo na nga kasi! Isa!" Pagbabanta ko.

"Dalawa" aniya.

Talagang hinahamon niya ako ah.

"Dalawa't kalahati. Pag ako nakatatlo tutusukin kita nitong tinidor na hawak ko!"

"Then go! I'm not scared" humalakhak pa siya.

"Tatlo!" Sigaw ko at tumakbo na para habulin siya. Tumakbo rin siya palayo sakin.

Hinabol ko siya ng tinidor. Tawa siya ng tawa habang tumatakbo palayo sakin.

"Fontanillo! Burahin mo na nga yan!"

"Ayoko nga!" Tumawa siya.

Malapit ko na siyang maabutan nang tumalon siya sa likod ng sofa. Ako naman ay nasa harap.

"Ano? Habol!" Tawa niya muli.

"Pag ikaw talaga naabutan ko, humanda ka na" panghahamon ko.

"Talaga?" Pang-aasar pa niya.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now