Kabanata 45

1.9K 33 1
                                    

Kabanata 45

Reunion

Madaling madali ako sa pagkilos dahil anong oras na ako nagising. Tinignan ko ang cellphone ko at panay ang tanong nila sakin kung gising na ba ako, kung nakaayos na ba ako at marami pang iba. Pero si Zane ay walang text. Shit! Ano naman kung wala? Bahala siya.

Bumaba na ako para kumain nang natapos ako sa pagaayos. Dinala ko yung malaking bag ko pababa nang hagdan nang makita ko si Zane na nasa sala kausap sina Mommy.

"I'm really sorry po, tita, tito. I didn't mean to hurt her. Nung mga panahon na yun sabi ko mali ang simula namin. At ayokong ituloy iyon nang hindi ako nagbabago" aniya habang titig na titig kina mommy.

Nagkatitigan sina Mommy at Daddy. Kinakabahan ako. Mamaya ay magkagulo pa dahil nandito siya.

"Naiintindihan namin, Zane. Pero hindi namin makakalimutan ang ginawa mo sa anak namin" ani Mommy.

Tumango si Zane. "Alam ko po, tita. Kaya po nandito ako para humingi ng tawad. Nandito po ulit ako para kunin yung tiwalang ibinigay niyo sakin noon" Pinagsalikop niya ang mga daliri niya.

"Hindi magiging madali yan, hijo" mariing sabi ni Daddy.

Lumunok ako saka bumaba kaya pareho silang napalingon sakin.

"Kumain na muna kayo" malamig na sabi ni Mommy saka kami iginiya sa hapag-kainan.

Tahimik kaming kumakain at wala na sina Mommy sa paligid.

"Bakit hindi mo sakin sinabi na pupunta ka dito?!" Iritadong sabi ko.

Ngumisi siya. "Kapag sinabi ko sayo, pipigilan mo ako. Edi hindi ko na lang sinabi para wala kang kawala"

Halos magkiskisan ang mga ngipin ko sa inis sa kanya. "At ang kapal talaga ng mukha mo ano? May mukha ka pa palang maihaharap sa pamilya ko"

"I'm here to earn their trust again. Kung iniisip mo na natatakot akong harapin ang pamilya mo, pwes nagkakamali ka. Handa akong maghirap sa pagkuha ng tiwala nila kung ang kapalit naman nun ay ang pagiging sigurado kong magiging akin ka" he said as he reached for my hands.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. He's willing to earn their trust again. Handa siyang maghirap para doon. Akala ko talaga natatakot siya. Akala ko mas gusto niya yung tago.

"I understand if they're not treating me as they treat me ages ago. Nasira ko ang tiwala nila kaya deserve ko ang pagtrato nila sakin ng ganun"

Pumunta ako ng cr para mahimasmasan. Hindi ako makapaniwalang kaya niya iyon gawin. Paglabas ko ay nakasalubong ko si Mommy.

"Mom bakit po pinapasok niyo si Zane?" Tanong ko.

"Masyado naman ata akong rude kung paaalisin ko siya. Tsaka sabi niya susunduin ka niya" aniya. "Pero hindi ko ineexpect na hihingi siya ng tawad samin. I can feel his sincerity. Nakikita ko sa kanya na handa ulit siyang makuha ang tiwala namin"

"Mom, are you sure about this?" Kunot noo kong tanong.

"Well, yes. Bibigyan natin siya ng second chance. Kami para sa tiwala, ikaw para sa pagmamahal" aniya saka ako nginitian.

Bumalik ako sa hapag-kainan na gulong-gulo. Kinuha ko na yung gamit ko at niyayang lumabas na.

"Tita, tito, aalis na po kami" magalang niyang paalam.

Tumango lang sila kaya lumabas na kami. Kinuha niya yung bag ko at nilagay sa backseat. Binuksan niya rin ang pinto sa front seat para sakin. Ngiting-ngiti siyang nagpaandar.

Nilingon niya ang backseat at may kung anong kinuha doon. Inabot niya sakin ang isang bouquet of flowers na may note na nakadikit.

Kinuha ko ito at binasa ang nakalagay.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon