Kabanata 32

1.6K 31 1
                                    

Kabanata 32

Manloloko

Umiyak lang ako sa parking lot. Mabuti na lamang ay walang tao.

"Hailey?!"

Napaangat ako sa boses na narinig ko. Tumakbo ako sa kanya saka ko siya niyakap nang sobrang higpit. Umiyak ako sa dibdib niya.

"What happened?" Nag-aalalang tanong ni Kuya Callix.

"Mahal na mahal ko siya, Kuya Callix. Hindi ko pa kayang mawala siya sakin..." Humagulgol ako hanggang sa inangat niya ang mukha ko para punasan ang luha sa pisngi ko.

"Who's that fucking jerk?!" Nanlilisik ang mata niya habang nakakuyom ang panga.

Umiling ako. "Let's just go home" pagod kong utas.

"Alright" bakas pa din sa boses niya ang galit.

Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan papasok sa sasakyan niya.

Tahimik lang ako sa byahe. Wala nang luhang lumandas dahil siguro napagod ako. Baka nga ay namanhid na rin ako.

"Kakauwi ko lang tapos ganyan ang dadatnan ko sayo? Umiiyak?!" Iritadong sabi niya sabay hampas sa manibela.

Napapikit ako sa ginawa niya. "Sorry" mahinang sambit ko.

"Tangina Hails! Hindi ako makakapayag na walang bakas ng kamao ko ang mukha ng gagong yan!" Pasigaw niyang sabi.

Napalingon ako sa kanya. "Huwag mong gagawin yan"

"Ano?! After all the things he did to you, ipagtatanggol mo pa din siya? Dahil ano? Mahal mo pa? Huwag ka ngang magpakatanga sa isang lalaking sinayang ka!" Halatang iritang irita na siya sakin dahil panay ang sigas niya.

"Calm down, Kuya..." Pagod kong sabi.

"Damn! Anong calm down?! Anong akala mo sakin? Nananahimik kapag nalaman kong ginanyan ka ng isang gago? Alam mong iniingatan kita ng sobra lalo na't babae ka! Kaya don't expect me to calm down!"

Panay ang talak niya sa gilid ko habang nagmamaneho. Habang ako? Iniisip ko pa din yung nangyari sa parking lot.

Binigay ko ang lahat sa kanya. Na kahit yung isang bagay na pinakainiingatan ko, binigay ko kasi mahal ko siya. Pero wala e. I am not enough. Siguro may mga bagay talaga na kahit binigay mo na ang lahat, hindi pa din sila makuntento.

Nabalik ang diwa ko nang itigil niya ang sasakyan sa isang hotel.

"Bakit nandito tayo?" Tanong ko.

"Ayokong umuwi ka nang ganyan ang hitsura mo. Huwag kang mag-alala, ititext ko si Tita mamaya na kasama mo ako" saka lumabas ng kotse at pinagbuksan ako.

Maraming tumitingin sakin nang makapasok kami sa hotel. Siguro iisipin nila baliw ako o baka naman ay narape dahil sa magulo kong hitsura.

Nang makapasok kami sa kwarto ay parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. I remember the day we did the sinful thing. Yung makasalanang bagay na dapat ay hindi ko muna ibinigay. Dahil bata pa kami. Dahil mali na ibigay kaagad iyon.

"Kumain ka muna. May pagkain diyan sa ref. Kumuha ka na lang. Maliligo muna ako" aniya saka pumasok sa bathroom.

Umupo ako sa isang sofa na may kaharap na rounded table. Binuksan ko din ang tv para kahit papaano naman ay malibang ako.

Nakakatuwa ang palabas pero hindi ako nangiti. Sariwa pa din ang pangyayari sakin. Masyado pang masakit.

"Sabi ko kumuha ka ng pagkain sa ref" aniya sa likod ko.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now