Kabanata 2

4.9K 96 33
                                    

Kabanata 2

See you

Matapos naming kumain ay dumiretso muna ako sa sala para manood muna. Si Daddy ay nagaayos na ng sarili niya dahil may pasok siya ngayon. Si Mommy naman ay naglalaba. Di naman kami nagh'hire ng maid. Kaya naman namin yun. Yung kumag kong pinsan, di ko alam kung nasan na yun.

Busy ako sa panonood nang bigla akong tabihan ng kapatid ko.

"Ate" tawag niya.

"Hmm?" Busy ako kaya di ko siya nilingon.

"Malapit na pasukan" aniya kaya napalingon ako sa kanya.

"Oo nga. Bakit?" Tanong ko.

"Nakabili ka na ng gamit?"

"Hindi pa. Baka bukas na lang. Ikaw?" Sabi ko.

"I don't know, Ate. Kinakabahan ako" ani Hezekiah at sumandal sa sofa.

"Bakit naman?" Kunot -noo kong tanong.

"Its not my first time na papasok ako. Pero Nakakakaba kaya. Ate, pano kung di nila ako gusto?" Diretsong sabi niya.

"Hez, not all the time gusto ka nila. Kung gusto ka nila, edi good. Pero kung ayaw, accept it. May sari-sariling paningin bawat tao. Pero wag mo silang aawayin kung di ka nila gusto. Ano naman kung ayaw nila sayo? May mawawala ba?" Paliwanag ko.

"Wala po"

"Wala naman diba? Kaya be good na lang, okay?"

"Alright Ate" sabay ngiti niya.

Matapos naming magusap ni Hezekiah ay umakyat na ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at nagsoundtrip na lang. Maya-maya ay tinawag ako ni Mommy.

"Hailey, kakain na"

"Yes, Mom" sabay ligpit ko ng medyo magulo kong comforter. Tinabi ko na yung cellphone ko pati earphones bago bumaba.

Nang makababa na ako ay naabutan ko silang nakaupo na. Ako na lang ang hinihintay.

Hinugasan ko na yung mga pinggan na ginamit namin pagkatapos kumain. Si Kuya Callix naman ang nagpunas ng table.

Nang natapos na akong maghugas ay umakyat na ako sa rooftop. Hindi masyadong mainit ang panahon ngayon kaya tumambay muna ako.

Umupo ako sa upuang katabi ng railings. Mahangin ngayon di tulad ng nakaraan. Masarap sa pakiramdam. Di ko alam kung bakit kapag magisa ako ay parang ang drama ko.

3 days na lang pasukan na naman. Ni hindi pa ako nakakabili ng gamit. Mga isang oras ata akong nakatambay sa rooftop nang tawagin na naman ako ni Mommy.

"Hailey?" Tawag niya nang nasa hagdan palang siya ng rooftop.

"Po?" Sabi ko.

Nakaakyat na siya. "Pwede bang dalhin mo muna si Hezekiah sa kwarto niya? Kailangan ko pang tapusin ang mga labahan ko e"

"No problem with that, Mommy" sabay ngisi ko.

Sabay na kaming bumaba ni Mommy. Dumiretso ako sa sala dahil nandun daw si Hez at natutulog. Dumiretso naman si Mommy sa baba para ipagpatuloy niya ang paglalaba. Gusto ko siyang tulungan kaso lagi na lang niyang sinasabi na 'I'm okay. Kaya ko na to'. Kaya di na ako namilit pa.

Nakita kong mahimbing ang tulog ng kapatid ko. Binuhat ko siya at dinala sa kwarto niya.

Nang nailapag ko na siya ay tinignan ko ang mukha niya. Ang cute niya at ang gwapo. Yung buhok niyang ayaw humaba. Yung matangos niyang ilong. Yung manipis at maliit niyang labi. Yung pilikmata niyang mahaba. Dito ko napagtantong pareho pala kami ng pilikimata.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now