Kabanata 4

3.5K 74 12
                                    

Kabanata 4

First Day

Ang aga pa lang nasa school na ako. Hinatid ako ng kotse ni Daddy. Iilan pa lang ang mga narito. Nasa cafeteria ako ngayon, nakatambay. Kung iniisip niyo na baka may hinihintay ako, wala po. Sanay naman akong mag-isa e. Bakit kailangan ko pa ng kasama?

Iilan lang din ang tao dito sa cafeteria pero maingay na. Unti-unti nang dumadami ang nagpapasukang mga estudyante. Lalo ring umiingay. Nagkakamustahan, kwentuhan dito, kwentuhan dyan. Tawa dito. Selfie dun at kung anu-ano pa.

Iniisip ko, 'Bakit sila may kaibigan? Bakit ako wala?' Dahil ba sa nerd ako? Weirdo? A nobody? Bakit yung iba naman meron? Bakit ang unfair ng buhay? Ang dami kong tanong sa isip ko na hindi ko masagot.

Malapit nang magsimula ang orientation kaya umalis na rin ako kaagad sa cafeteria.

"To all of the students here! Kamusta bakasyon?!" Sigaw ng emcee sa mic na bahagyang natawa.

Nasa pinakadulo ako nakaupo sa auditorium. Buti na lang malaki itong eskwelahan at hindi mainit dahil may aircon. Marami pang sinabi yung emcee na kung anu-ano hanggang sa natapos na rin ang orientation.

Pagkatapos na pagkatapos ng orientation ay dumiretso muna ako sa CR dahil kaninang kanina pa ako naiihi. Pagdating ko dun nakaramdam agad ako ng kaba.

"Welcome back, nerd" ani Kendall sabay dahan-dahang pumalakpak. Kasama niya syempre yung dalawa niyang alipores.

"Kamusta bakasyon? Boring ba? Namiss mo yung mga libro no? Ngayon masaya ka na dahil makakatutok ka na naman nang pagkatagal-tagal sa libro" aniya at bahagyang natawa. Ganun rin ang mga kasama niya.

Kaming apat lang ang nandoon sa loob ng CR. Ito na naman ba? Mauulit na naman ba yung dati?

"Sorry Ms. Kendall nagmamadali na ako e" sabi ko sabay pasok kaagad sa cubicle.

Ang totoo niyan ay hindi naman ako nagmamadali. Sinabi ko lang yun dahil ayoko naman ng gulo. Kahit na tapos na ako ay nagtagal pa rin ako sa CR dahil hinihintay ko pa silang makalabas.

"Oh, nerd. Pasko na. Di ka pa ba lalabas dyan?" Ani Kendall sabay tawa nila nang pagkalakas-lakas.

Di ko na lang sila pinansin at nanatiling nasa loob. Hanggang sa hindi ko na narinig ang kanilang mga boses ay saka lang ako lumabas at pumunta na sa room ko.

Pagdating ko sa room ay marami na rin ang nandoon. Pero wala pa yung teacher. Tumingin-tingin pa ako sa buong klase para maghanap ng magandang pwesto.

Pumasok na ako sa loob at umupo sa dulo. Mas gusto ko dito kasi walang nanggugulo sakin.

Maya-maya ay dumating na rin ang teacher at nagsimula nang magpakilala ang bawat isa. Hanggang sa ako na.

"I'm Hailey Morgiana Madrigal. 17 years old"

Yan lang ang sinabi ko. Ayoko nang maraming sinasabi, okay na yun.

Mabuti na lang recess na. Mabilis akong kumilos papuntang canteen. Umorder lang ako ng isang slice ng pizza tapos pineapple juice. Pumwesto ako sa bandang dulo para makaiwas sa kung sino man.

I was about to eat nang mapansin kong may umupo sa katapat ko.

"Hi nerd. Sino kasama mo?" Ani Kendall sabay upo rin ng dalawa pa niyang kasama.

"Wala" walang gana kong sagot sabay kain na.

"Hindi ka ba marunong mang-alok?" Ani Jelina.

Napatingin ako sa kanya. Anong tingin mo sakin? Walang manners?

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon