Kabanata 6

3K 74 40
                                    

Kabanata 6

Mysterious

Everytime na papasok ako ng classroom bigla na lang akong tinatamad. I never felt this way before. Pero iba na ngayon. Yung tipong pati pag-upo ko tamad na tamad. Pati recitations di ko na magawa. Pakiramdam ko lutang ako palagi.

"Uy! Ano iniisip mo?" Ani Abby sabay wagayway ng kamay niya sa mukha ko.

Napapikit ako sa ginawa ni Abby. Tinignan ko siya. "Huh?"

"Lutang ka" diretso niyang sabi.

"Sorry" ang tanging nasabi ko.

Nang makapagrecess na ay dumiretso na ako sa hagdan para bumaba na. Nang tawagin ako ni Abby.

"Wait up!" Sigaw niya. Agad akong napalingon sa kanya. Tumakbo siya palapit sakin.

"Sabay na tayo" aniya sabay hawak sa pulso ko at hila sakin papuntang canteen.

Habang kumakain ay sinasabayan namin ng kwentuhan. Actually I became close to her. Dahil dun sa una naming paguusap ay nasundan pa hanggang sa nagkakakwentuhan na kami. Magkasing-tangkad kami. Morena, singkit at hanggang balikat na buhok.

"Ay CR lang muna ako ah?" Ani Abby sabay tapon ng basura niya bago dumiretso sa CR.

Naiwan akong magisa. Tumuloy lang ako sa pagkain. Habang kumakain ako ay may napansin akong kanina pa sakin nagmamasid. Masyado akong nako-consious kanina pa. Ngayon lang ako nagkatime para lingunin kung sino man iyon.

Nakita ko si Zane na nakatitig sakin kanina pa. May dalawa pa siyang kasamang lalaki. Nagsasalita yung dalawa niyang kasama samantalang siya ay diretso ang tingin sakin.

Kahit na malayo ay mahahalata mong mapungay ang kanyang mga mata. Nakakaimpress.

Maya-maya ay tumingin na rin yung dalawa niyang kasama sakin. Oo, sakin. Sigurado ako. Dahil nasa dulo na ang pwesto namin at pader na ang nasa likod nito.

Tumuro pa yung isa niyang kasama sa kinalalagyan ko. Nakaramdam ako ng kaba. Napansin kong tumawa sila except kay Zane.

"Sorry natagalan" aniya Abby na kararating lang.

"It's okay" sabi ko.

Umupo na siya sa katapat kong upuan. Pagkatapos ay nilingon ko ulit yung lugar nina Zane. Nabigla ako nang mapansing wala na sila doon. Ang bilis!

"Sinong tinitignan mo?" Ani Abby.

Napatingin ako sa kanya. "Uh, wala. Kain na tayo" sagot ko kaagad at kumain na.

Tahimik lang akong kumakain habang si Abby kwento nang kwento tungkol sa crush niya. Di ko na nga maintindihan dahil sa wala akong gana makinig e.

Di ko rin alam kung bakit hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin si Zane. The way na tignan niya ako parang may nakatago. Di ko nga lang mahalungkat kung ano man yun. Ang weird lang kasi hindi naman kami ganun kaclose pero yung tingin niya iba talaga.

Natapos na rin ang recess kaya bumalik na kami sa room. Pagtingin ko sa katabing upuan ko, nandun na si Zane. Dumiretso ako sa tabi niya at nanahimik. Wala pa man din yung next teacher. Pero ang aga niyang pumasok ngayon. Madalas late siya. Weird talaga.

Napalingon ako sa kanya kasi nakikita kong kanina pa niya ako tinitignan. Kumunot yung noo ko.

Nagtama yung mga mata namin. Alam mo yung parang na-glue ka sa mata niya at di mo na iyon matanggal.

Hindi kaagad ako nakaiwas dahil naiimpress talaga ako sa mga mata niya. Medyo brown siya tapos ang haba na ang kapal ng pilikmata niya.

Umiwas lang ako nang umiwas rin siya. Nag-init kaagad yung pisngi ko sa nangyari. Ugh!

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now