Kabanata 14

2.1K 46 4
                                    

Kabanata 14

Pula

Nang makaalis na sila ay bumalik ako sa dining at ipinagpatuloy ang pagkain. Kahit na nawawalan ako ng gana ay tumuloy pa din ako dahil sayang naman. Tahimik lang din naman si Zane sa tabi ko kaya okay lang.

"Malalim na yan" biglaang sabi ni Zane.

Napalingon ako sa kanya at kumunot ang noo. "Huh? Ang alin?"

"Ang sabi ko, yung iniisip mo ang lalim na" seryoso niyang utas.

"Kasi naman. Di ko na alam gagawin ko. 1 week na lang ang natitira para gawin yung research" napabuntong hininga ako.

"Don't stress yourself. Nandito pa naman ako e" aniya. "Partner tayo so dapat di ka ma-stress"

Huminga muli ako ng malalim saka siya hinarap. Nahihiya man akong itanong ito, gagawin ko pa rin para lang matapos na.

"Ano nang gagawin natin?" Dismayado kong tanong.

Inurong niya ang upuan niya palapit sakin. Tinignan niya ako at medyo kumunot ang noo niya.
Halos tumalon ako nang hinawakan niya ang pisngi ko at inangat ang magkabilang gilid ng labi ko.

"Don't be sad. Just always smile. Sige ka, papangit ka" humalakhak siya.

Kahit na kinakabahan ako ay sinubukan kong ngumiti para lang matakpan iyong pagkagulat ko sa ginawa niya.

"Ganito..." Panimula niya. "Since, wala naman ang mom and dad mo, also your lil' brother, try nating simulan ngayon para di sayang oras" suggestion niya.

Napangiti talaga ako sa sinabi niya. "Great idea! Ngayon alam ko na, may silbi ka naman pala e" tumawa ako.

"Oo gago ako pero alam ko kung saan ako lulugar" seryoso niyang sinabi iyon.

Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa table namin.

"Nako! Wag ka na magdrama, magsimula na tayo" mahina kong tinapik ang balikat niya.

Tumango siya at isa-isang dinampot ang mga platong pinagkainan namin. Kumuha na siya ng sponge at sinimulan nang hugasan ito.

Nilapitan ko siya at bahagyang itinaboy. "Zane! Ano ka ba?! Bisita kita hindi katulong"

"Its okay. I have nothing to do" aniya nang hindi ako tinitignan.

"Anong 'I have nothing to do'? Gagawa tayo ng research e" medyo pagalit kong sabi.

"Saglit lang naman to e tsaka tignan mo, ang konti lang naman. Kaya ko na to. Maghanda ka na lang ng mga gagamitin natin" sabi niya.

"O sige. Bilisan mo dyan ah. Sumunod ka na lang sa taas kapag tapos ka na" sabi ko at umakyat na.

Sinimulan kong ilabas ang mga pang-design, papers and ballpens. Sinunod ko naman inilabas ang laptop at inayos ito.

Maya-maya ay kumatok na rin si Zane. "I'm done" aniya at pumasok na sa kwarto ko.

"Saglit lang. Kukunin ko lang yung cellphone ko sa baba" paalam ko at lumabas na na nang hindi hinihintay ang sagot nniya.

Nang makuha ko na ito ay agad akong umakyat. Pagbukas ko ng pinto ay napansin kong wala na doon si Zane.

"Zane?" Tawag ko.

Nilibot ko yung kwarto ko. Wala siya. Saan nagpunta yun?

"Zane! Nasaan ka ba?" Tanong kong naiinis.

Wala ulit sumagot. Fuck! Is he hiding from me? Tss! Childish!

"Zane! Kung nagtatago ka man, lumabas ka na. Hindi ako nakikipagtaguan sayo" sigaw ko.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now