Kabanata 40

2K 38 1
                                    

Kabanata 40

Secretary

Ilang linggo pa ang lumipas at napagdesisyunan kong magtrabaho ulit. Para akong nasusunog sa bahay kapag wala akong ginagawa. Sabi ni Mommy next month na raw dahil kulang pa ako sa pahinga. But I refused.

Nasa rooftop ako nang hindi ako makatulog. Naisip kong magpahangin muna kahit saglit dahil hindi pa naman ako dinadalaw ng antok. I look at the skies and saw the stars shining in the middle of this night. Peaceful.

Nagring ang phone ko sa kalagitnaan ng pananahimik ko. Sinagot ko ang tumatawag na si Abby.

"Oh, napatawag ka?" Tanong ko saka humilig sa railings.

"Wala akong makausap. Ikaw? Bakit gising ka pa?" Tanong niya.

"Hindi pa ako makatulog" sagot ko. "Wait! May alam ka bang kompanyang naghahire?"

"Huh? Bakit? Magtatrabaho ka ulit?" Nagtataka niyang tanong.

"Oo" simple kong sagot.

"Ayaw mo magpahinga?" Aniya.

"Ano nga kasi? Meron ba o wala?" Pangungulit ko.

"Meron" aniya kaya nabuhayan ako ng loob. Pumasok ako sa kwarto ko at humiga na.

"Okay. Samahan mo ako bukas" sabi ko saka pinatay ang tawag.

Kinabukasan ay gumising ako ng maaga para makapag-ayos na. Tinext ko si Abby na magkita na lang kami sa isang resto.

"Mom, alis na po ako" paalam ko saka humalik sa pisngi niya. "Pasabi na lang po kay Dad kapag nakauwi na siya"

Tumango siya. "Sure. Goodluck"

Ngumiti ako saka tumulak na para makipagkita kay Abby. Nang makarating ako doon ay wala pa siya. I decided to order some light foods for my breakfast. I was about to eat when suddenly my phone rings. Binaba ko ang kutsara saka pumindot para sagutin ang tawag.

"Hello?" Sabi ko.

"Hailey! Ano? Nakahanap ka na ng trabaho?" Bungad na tanong ni Keisha.

"Hindi pa. Actually ngayon maghahanap na. Nagpatulong ako kay Abby. Hinihintay ko lang siya para masamahan ako" I said saka sumubo sa pagkain ko.

Di siya sumagot pero parang may kaunting kaluskos na ingay ang narinig ko.

"Magtatrabaho ka na naman?" Masungit na tanong niya.

Napairap na lang ako sa kawalan. "Ano na naman? Pati pagtatrabaho ko, pipigilan mo? Kung si Keisha kaya ang ganyanin mo, tignan ko lang kung di ka iwan niyan"

"Nagtatanong lang ako, kung ano-ano agad sinasabi mo" aniya.

"Kasi nakakainis ka. Mamaya na lang ulit. Kumakain pa ako. I'll call later" saka ko binaba ang tawag.

Yung dalawang yun, panira talaga kahit kailan.

Natapos na ako sa pagkain ko at saktong dumating na si Abby.

"Tagal mo" reklamo ko nang makaupo siya sa tapat ko.

"Sorry naman. Nalate lang ng gising" aniya kaya tumango ako. Inabutan ko siya ng inorder kong juice para sa kanya.

"Saang kompanya ba yung naghahire?" Tanong ko at sumimsim din sa juice ko.

Tiningala niya ako saka umiling. "Ay basta! Ako nang bahala"

Naweirduhan ako sa inasal niya kaya kumunot ang noo ko. Pinagtaasan niya ako ng kilay kaya umiling na lang din ako.

Nang matapos ay tumulak na kami para magpunta sa oh-so-secret-company na tinutukoy niya.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now