Kabanata 9

2.4K 63 28
                                    

Kabanata 9

Hot

Pagkarating namin sa bahay ay pinaupo ko muna siya sa sofa. Nilagay ko yung payong sa gilid ng pinto. Pumasok ako at nilapag ang mga pagkain na binili ko.

"Saglit lang. May kukunin lang ako sa taas" paalam ko.

Umakyat ako at kinuha ang isang towel na hindi ko na ginagamit. Bumaba ako at inabot sa kanya iyong towel.

"Maligo ka" sabi ko. Nag-angat siya ng tingin sakin. Namumula na yung mata niya. Mukha tuloy siyang adik.

Dahan-dahan niyang tinanggap yung towel at ibinalot ito sa katawan niya.

"Zane, maligo ka. Lalo kang lalamigin sa ginagawa mo" sabi ko at kinuha ko yung bag niya sa gilid niya. Basa na rin yung bag niya pero buti na lang hindi nabasa yung mga gamit niya.

"Teka mag-iinit lang ako ng tubig" sabi ko at dumiretso sa kusina para mag-init ng tubig.

Pagkatapos mainit yung tubig ay nilagay ko iyon sa tubig na nasa CR.

"Oh maligo ka na. Wag ka na magtagal. Lalamigin ka lalo" utas ko sabay talikod.

I heard his footsteps and I also heard him closed the door to the bathroom. Maya-maya ay narinig ko na rin ang pagbagsak ng tubig.

Umupo na lang ako sa sofa at nanood ng TV. Later on, he called me.

"H-hailey" sabi niya sa garalgal na boses.

"Hmm?" Sabi ko.

"I don't have spare clothes" aniya

Natulala ako saglit at dali-daling umakyat at naghanap ng extra shirt pati short. Thank god at nandito pa yung ibang gamit ni Kuya Callix.

Bumaba ako at kinatok ang pintuan ng cr. He opened it halfway. Tinakpan ko yung mata ko at inabot sa kanya yung damit.

"Here" sabi ko, nanatiling nakatakip ang kamay ko sa mata.

Kinuha niya ito pero hindi ko pa naririnig ang pagsara ng pinto. Dahan-dahan kong tinanggal yung pagkakatakip ko sa mata ko at sumilip ng kaunti.

"Why are you covering your eyes?" Aniya sa malalim na boses.

"Uh, uh, wala" sabi ko at tumalikod ulit para manood.

Narinig kong sinarado niya ulit ang pinto.

"Hails" aniya.

'Problema nito?'

"What?" Tanong ko.

"B-brief" he stuttered.

Agad akong namula sa sinabi niya. Holy crap!

"Uh, o-okay" I stuttered. Damn!

Umakyat ulit ako at naghanap ng lintek na brief na iyon. Nakita ko ang isang bench brief ni Kuya Callix. I'm pretty sure its clean.

Bumaba ako at nanlaki ang mata ko nang makitang nakatayo si Zane sa harap ko. Nakatapis lang ng towel ang baywang niya. God! He's topless! He looks hot! Partida, may sakit pa yan.

Nagtaas siya ng kilay sakin at tinitigan ako gamit ang mapungay niyang mata. Nag-init ulit ang pisngi ko at pumikit. Inabot sa kanya ang brief.

Kinuha niya ito at bumalik sa cr. Muli akong umupo sa sofa na pagod. Kanina pa ako pabalik-balik. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

Later on ay lumabas na siya suot ang damit na pinahiram ko. Tinignan niya ako at naglakad siya papunta sa tabi ko. Nagtaasan ang balahibo ko nang dumikit yung balat niya sakin.

Into You (Madrigal Cousins Series 1)Where stories live. Discover now